Jennylyn Mercado avoids discussion about Patrick Garcia: “Basta, ayoko nang pag-usapan… respeto na lang sa akin at sa pamilya ko.”

Nakikitang maganda ang takbo ng relasyon nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Paano ba nila sinasangga ang mga problema? Tugon ni Jennylyn: “Naiintindihan na namin. Kumbaga, alam na namin kung paano namin iha-handle ang isa’t isa pagdating… kapag may problema ba. Marunong na kaming makiramdam.”


Isa sa tatlong leading ladies ni Senator Bong Revilla sa Indio si Jennylyn Mercado na gaganap bilang Esperanza.

Ang dalawa pang leading ladies ng actor-politician ay sina Rhian Ramos at Maxene Magalona.

Sa kuwento ng Indio, si Jennylyn ay anak ng isang katutubo sa isang malupit na Kastila—si Juancho, na ginagampanan ni Michael de Mesa.

Kakaunti ang mga eksena ni Jennylyn sa ipinakitang pilot episode ng Indio noong Miyerkules ng gabi, January 9, sa special screening nito sa SM Megamall Cinema 5.

Inasahan na ito ni Jennylyn dahil sa mga susunod na linggo pa raw bago mapanood ang karakter niya bilang Esperanza.

Paliwanag niya, “Papasok ako sa Week 4 pa. So, simula Week 1 hanggang Week 3, hindi pa nila ako makikita.

“Sa Week 4 pa nila ko mapapanood, doon pa lang papasok ang karakter ni Esperanza.

“So, nakaka-excite kasi pagkatapos ng ilang taon—actually buntis na ako noong ginagawa namin ang Resiklo."

Ang Resiklo ay isang sci-fi movie na pinagbidahan ni Bong noong 2008 at nanalong Best Picture sa MMFF noong taon ding iyon.

Dagdag ng Kapuso actress, “Ngayon naman, medyo pang-matagalan na dahil soap na ito.”

Kumusta katrabaho si Senator Bong ngayon?

“Si Senator Bong, hindi naman ito ang unang beses na magkatrabaho kami. Nagkatrabaho kami noong ginagawa namin ang Resiklo.

"Ganoon pa rin naman. Napakaalaga sa set, napaka-gentleman.

“Very professional at talagang mahal na mahal niya ang craft niya.

“Kaya ultimo acting, nag-acting workshop siya.”



HECTIC. Sunud-sunod din ang mga naging trabaho ni Jennylyn noong isang taon at nagkasakit pa raw siya pagkatapos ng Pasko.

Kuwento niya, “Yung Christmas ko e maayos naman.

"Pero after Christmas, nagkasakit ako. Kaya punta lang ako nang punta sa hospital, pa-check-up.

“Parang hanggang New Year, meron akong sakit. Kaya parang hindi masyadong okay.”

Sa sobrang pagod ba?

“Hindi naman, may virus talaga, e.

“Kahit anak ko, may sakit. Halos lahat kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero noong New Year, okay naman, magkakasama kami.

“Kami kasing family, palagi kaming sa hotel nagnu-New Year.

"Nag-New Year muna kami sa hotel kasama ng family ko.

“After nun, pumunta kami sa mga friends namin, doon kami ng madaling-araw.”



LUIS MAZANO. Noong Pasko, magkasama ba sila ng boyfriend niyang si Luis Manzano?

Sabi ni Jennylyn, “Noong Christmas, kanya-kanyang family.

“Siyempre, hindi ko rin maiwan ang family ko dahil Christmas.

"So, ang ginawa namin, Christmas ng [December] 24, nasa family; [December] 25, magkasama kami.”

Ayaw naman nang sabihin pa ni Jennylyn kung ano ang naging Christmas gift nila ni Luis sa isa’t isa.

Ngayong 2013, ano ang inaasahan niya sa relasyon nila ni Luis?

“Siyempre, I’m hoping for the best.

"Ganoon naman ang relasyon ng bawat tao—lahat ng makakasama nila, e, sana, forever na.

“Sana talagang tumagal at hindi magkaroon ng problema.”

Mas kaya na nilang i-handle ni Luis kapag may intriga o nagiging problema?

Sagot niya, “Naiintindihan na namin.

"Kumbaga, alam na namin kung paano namin iha-handle ang isa’t isa pagdating… kapag may problema ba.

“Marunong na kaming makiramdam. Yung ganoon.

“At saka, sa showbiz, normal naman yun, hindi mo maiiwasan yun.”

Pagdating sa career, nakikita naman ni Jennylyn na maganda at positibo ang pasok ng Bagong Taon sa kanya.

“Opo,” nakangiting sambit niya.

“Ngayong 2013, unang bungad pa lang, may Indio na.

“Meron din akong tinatapos na pelikula, kasama si Lovi Poe at si Paulo Avelino, ang The Bride and The Lover.

“Tapos, meron H.O.T. TV, Party Pilipinas... so nakakatuwa.

“Tapos, may pasingit-singit na endorsement.”



PATRICK GARCIA. Nakumusta rin kay Jennylyn si Patrick Garcia, ang ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.

Nagregalo ba ito sa kanilang anak noong Pasko?

“Meron naman… toy,” nakangiti niyang sabi.

Kumusta na ang mag-ama? Constant pa rin bang nadadalaw ni Patrick ang kanilang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ayoko na pong pag-usapan ‘yan. Hindi ko po alam. Okay naman,” iwas na sagot ng actress-TV host.

Pero katulad pa rin ng dati na nadadalaw ni Patrick ang anak?

“Ayoko na pong pag-usapan.

“Basta, happy na kami. May kanya-kanya naman na kaming buhay.

"Basta ang importante, masaya kami. Wala kaming nasasaktan at saka hindi kami nag-aaway-away talaga.

“Importante, healthy kami, masasaya kami, at may kanya-kanya na kaming buhay.”

Silang dalawa, nag-uusap naman sila?

“Ayoko ng pag-usapan. Basta, masaya kami.”

Masaya sila ni Patrick?

“Masaya kami ng pamilya ko. Okay ang buhay namin. Walang problema.

"Hindi ko na kailangan problemahin pa.”

Sa huli, sinubukan pa rin naming itanong kay Jennylyn kung masaya ba siya sa relasyon ng mag-ama.

Pero sabi niya, “Basta, ayoko nang pag-usapan. Give it to me na lang. Respeto na lang sa akin at sa pamilya ko.”



STAR MOMS. Hindi lang si Jennylyn ang nanay na sa orihinal na batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Ang naging mahigpit niyang katunggali noon na si Yasmien Kurdi ay isa na ring ganap na ina ngayon.

“Nakakatuwa," nakangiting sabi ni Jennylyn nang mausisa tungkol dito.

“Kasi, una, nakita ko lang sa Facebook. Sabi ko, ‘Ano ito, ito na bang baby mo?’

“Parang nangti-tease na biro lang… hindi siya nagre-reply.

“Sabi ko, ‘Sino kaya ito? E, sinu-zoom-in ko, parang mini-me niya.

“Nakakatuwa na yun naman pala, kaya naman pala…

“Kung gugustuhin ng isang tao na maging tahimik at gustuhin niyang mamuhay talaga nang tahimik…

“Na kasama ang pamilya niya at bumuo ng isang pamilya, e, kaya naman pala.”

Nagulat din ba siya noong malaman niya na nag-asawa na pala si Yasmien?

“Nagulat din ako, nagulat din ako,” nakangiting sabi niya.

Pero balitang may problema raw sa pagitan ni Yasmien at ng nanay nito dahil sa pag-aasawa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandoon din ba ang hangarin niyang magkaayos ang dalawa?

“Ay, oo naman. Kahit ano’ng sabihin ng ibang tao, yung nanay mo, nanay mo ‘yan.

“Kahit mawala ang mga kaibigan mo, yung mga magulang mo, yung nanay at tatay mo, nandiyan lang palagi para sa iyo,” saad ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN