Eula Caballero still prefers Daniel Matsunaga as her next leading man, but clarifies, “Hindi siya boyfriend-material.”

Eula Caballero on Christian Samson: “I wanna know him more and I don’t want to rush into things kasi baka naman hindi naman mag-work so sayang lahat.”


Excited na ibinalita ng Star Factor winner na si Eula Caballero ang ilang detalye sa pagbabalik ng horror-suspense series na kanyang pinagbibidahan sa TV5, ang Third Eye.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Eula sa launch ng Axe Apollo sa White Space, Makati City, sinabi niyang maraming pagbabago ang magaganap sa pagbabalik ng kanilang programa.

“Nagbabalik ang Third Eye, pero I think may bago kaming title for the show.

“I can’t tell everyone yet ngayon, kasi hindi pa final din and may mga... baka may mga changes pa.

Third Eye pa rin, horror pa rin, same cast. Pero siyempre, si Ms. LT [Lorna Tolentino], bilang nasa GMA na siya ngayon...

“Siguro may mga papalit. For sure may mga papalit, may mga bagong dadating na characters.

"So, abangan nila kasi I’ve heard na kung sino.

“Kaabang-abang talaga so magiging masaya—mas masaya."

Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makapareha sa mga susunod niyang proyekto?

Sagot ni Eula, “Si Dan... Daniel Matsunaga pa rin kasi we are very comfortable talaga sa isa’t isa.

“Yung tipong puwede naming batukan ang isa’t isa na hindi kami magagalit.

“Sobrang kumportable ako kay Dan, at siya din sa ‘kin, kasi magkasama kami sa Third Eye, siyempre.

“Si Dan kasi, siya yung tipo ng taong madaling pakisamahan, e.

"Kasi kahit ikaw pa yung nahihiya, siya pa yung gumagawa ng paraan, may mga ways talaga siya para mag-loosen up ka.

“Kung magkasama man kami sa isang project, I think masaya siyang katrabaho, madali siyang katrabaho.

"Kasi he will help me, napaka-generous niya when it comes to acting.

“Talagang bibigyan ka niya ng stimulus dun sa pag-arte mo.”

Minsan na ring na-link si Eula kay Daniel, hindi kaya matuloy na sa ligawan kung sakaling magsama ulit sila sa isang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya boyfriend-material,” biro ni Eula.

“Si Dan kasi, barkada siya, e. Barkada siya sa ‘kin.

“Barkada talaga kami na, parang... well, kaibigan ko siya [na] puwede ko siyang lapitan kung may problema ako.

"Pero siya yung tao na mas masaya kung lalapitan mo, mas magiging swak kayo kung lalapitan mo siya nang masaya kayong dalawa parehas.

“Pero, of course, I can always run to him pag may problema ako, nasasabi ko sa kanya.

"Pero wala talaga, wala talaga si Dan.”



RIGHT TO LOVE. Isa pa sa dapat abangan kay Eula ngayong 2013 ay ang kanyang pelikulang Right To Love para Regal Entertainment.

Excited na ikinuwento ng aktres ang ilan sa mga detalye ng kanilang pelikula.

Ayon sa Star Factor winner, “Actually, target sana nila [February].

"Hindi ko lang alam kung kaya bang habulin yung [February] for Valentine’s sana, so hindi ko alam.”

Ilan sa mga makakasama ni Eula sa pelikula ay sina Rufa Mae Quinto, Fabio Ide, Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, Megan Young, JC Tiuseco, at ang PBB Teens ex-housemate na si Ivan Dorschner—na minsan na ring na-link sa Kapatid star.

Ani Eula tungkol kay Ivan, “Isa sa mga nangyari sa 2012—na hindi ko alam kung saan galing—kasi bago pa kami [nagkasama sa] Right to Love, lumabas na yun.

"So, hindi ko alam kung saan nanggaling talaga.

“Wala, e, never naman kami lumabas, ganyan.

“Siguro, parang nasabi nila na lumabas kami kasi nag-tweet ako ng isang picture lang, isa lang na kasama ko yung direktor namin, tapos andun si Ivan.

"Marami kami dun tapos nandun din si Fabio... marami kami.

“So, siguro dahil magkatabi kami ni Ivan, iniisip nila kami yung magkasama.

"Pero wala naman talaga.”

Nanligaw nga ba talaga sa kanya si Ivan?

“Wala, wala, hindi…,” tanggi ni Eula.



FACEBOOK. Nais ding linawin ni Eula na wala siyang Facebook account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Speaking of Facebook, yung Eula Caballero na yun, hindi po ako yun, hindi ako.

"Wala talaga akong Facebook, pero lahat ng nakukuha niya, galing din yun sa Instagram ko.

"So, feeling ko, para siyang, I don’t know, avid fan.

“Basta lahat ng updates na lumalabas from me, like nagtu-tweet ako or nag-i-Instagram ako, kina-copy niya yun, nilalagay niya ngayon sa Facebook.

“Tapos gumawa pa siya ng mga other Facebook accounts na Facebook [accounts daw] ng mga kapatid ko para may mga siblings siya.

"Pero it’s not me. Wala akong Facebook,” paglilinaw niya.

Sinubukan niya bang kausapin ang gumawa ng kanyang fake Facebook account?

“No, hayaan ko na lang din kasi, hindi ko din… I don’t know, wala, parang hayaan na lang natin siya, ganun.

"Kasi wala din naman akong magagawa, e.

"And if ever din naman sigurong kausapin ko siya, hindi ko rin siya mapapakiusapan kasi ang tagal-tagal na nun.

“Since lumabas ako ng Star Factor, andun na yun hanggang ngayon.”

Alam ba niya ba na pinu-post ng kanyang poser sa Facebook ang ilan sa kanyang mga litrato?

“Yeah, kasi ako naman, hindi naman ako nagtatago. Kasi, why would I even post a picture on Instagram?

"So, hindi yun mga nakatagong pictures, hindi yun mga itinatago ko.

“Pinu-post ko yun kaya kinukuha.”



LOVELIFE. Mapapansin din sa Instagram account ni Eula na madalas nitong kasama ang Star Power finalist na si Christian Samson. Ano nga ba ang meron sa kanilang dalawa?

Sabi ni Eula, “Well, honestly, nanliligaw siya sa akin, last year pa.

“Hindi talaga kami nagmamadali, and I would say that he is one of the closest persons to me ngayon and he has a very special part in my life.

“I’m really close to him ngayon and we go out a lot, and yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I don’t know… seventeen pa lang ako and dadating din tayo diyan."

Dagdag pa ni Eula, hindi para siya handa para sa isang relasyon at nais pa raw niyang makilala si Christian.

“Gusto ko lang andun din ako sa right age din, so that wala na din siyempre masabi yung family ko, mga tao, ganyan.

“I wanna know him more and I don’t want to rush into things, kasi baka naman hindi naman mag-work so sayang lahat.

“I got into a relationship and then [it’s] for nothing... ganun.

“We are very close since then ba naman, tapos nag-i-Instagram pa nga kami ng ‘my crush,’ ganyan, pero it’s all casual for now.”

Ano nga ba ang meron kay Christian na wala sa ibang lalaking nanligaw sa kanya?

“Marami... he’s very nice. He’s a very nice person.

"Parang pag nakilala ninyo siya, iba, iba.

“Parang dati, isa siya sa pinakaayaw kong tao at alam niya ‘yan.

“Talagang sabi ko sa kanya, ‘Ang yabang mo, ang angas mo!’

"Pero once you get to know him, iba, napakabait niya.

“He’s very close to his family and the way he cares for his family and my family, iba, iba talaga.

"Parang something na I’m looking for sa isang lalaki.”

Siya na nga ba ang tinutukoy ng young actress na nagpapasaya sa kanya?

“Marami naman kasing nagpapasaya sa ‘kin.

“Andiyan siyempre ang pamilya ko, meron ding special someone that we always talk about, and then marami... maraming friends…"

Bukod kay Christian, may mga Kapuso or Kapamilya stars din bang nanliligaw sa kanya?

“Ay naku, no comment!" bulalas ni Eula.

“Well, meron, pero right now, may mga tao lang talaga na hindi kayang ipagpatuloy ang naumpisahan.

“Hay naku, wala, hayaan na natin siya.”

Sino?

“Alam ninyo na agad, e, pag-sinabi ko, kasi alam ninyo na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo na agad pag sinabi ko na.

“Hindi, malalaman ninyo, kasi narinig ninyo na ‘yan before."



RIVALRY. Isa pa sa mga isyung nais linawin ni Eula ay ang rivalry issue sa pagitan nila nina Ritz Azul at ng Artista Academy winner na si Sophie Albert.

Totoo nga bang may inggitan sa kanilang tatlo?

“Wala, wala," tanggi ni Eula.

"Si Sophie, hindi ko siya masyadong nakikita din.

"Pero like yung ibang taga-Artista Academy, like sina Shaira... grabe, para kaming dalawang taon na rin nagsama sa industriya.

"Kasi sobrang close kami. Nag-aayaan kami, like, ‘Uy, labas naman tayo,’ ganyan.

“Wala talaga, masaya kami ni Ritz bilang parang, kumbaga, nauna na naging anak ng TV5.

“Masaya kami kasi siyempre naggo-grow ang network at may mga kapatid na kami, may mga bagong kapatid.

“Siguro naman, aabot kami sa point na maiinggit kung walang napupunta sa ‘min [na show] or wala kaming ginagawa.

“Pero right now, lahat kami maayos na naalagaan ng TV5.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN