GMA-7 files civil case against Sarah Lahbati for breach of contract

Pormal nang naghain ng reklamo ang GMA Network laban Kapuso talent na si Sarah Lahbati. Civil case for Specific Performance with Damages ang reklamong inihain ng Kapuso network laban sa young actress sa Regional Trial Court ng Quezon City.


Isang araw pagkatapos siyang sampahan ng kasong libel ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, isang panibagong kaso na naman ang kinahaharap ng Kapuso talent na si Sarah Lahbati.

Ang mismong home network ni Sarah, ang GMA-7, ay naghain ng civil case para sa "Specific Performance with Damages" laban sa young actress sa Regional Trial Court of Quezon City, ngayong araw, January 11.

Nakasaad sa inihaing reklamo ng Kapuso network laban kay Sarah ang seryosong “breach of management and program contracts.”

Ito ay dahil sa “failure and refusal to comply with her [Sarah] obligations and undertakings under the Management Contract she had signed up with GMA-7 and appearances in her program assignments despite notice and advice.”

Nakasaad din sa complaint ang “continuous dishonor and flagrant violations of her obligations to perform her role as an artist in GMA-7’s TV programs is highly detrimental to the entertainment TV block of GMA-7; thus, requiring Lahbati to immediately discharge her contractual obligations with GMA-7.”

Kasama rin sa inihaing complaint ng GMA-7 ang liquidated damages na nagkakahalaga ng P7 million.

Ito ay dahil sa: “Lahbati’s refusal to perform her obligations under the Management Contract and other program contracts coupled with her formal notice to take a leave of absence for one (1) month from the network without prior agreement or approval of GMA-7.”

Kasama si Sarah sa bagong epic-serye ng GMA-7 na Indio, na magsisimulang mapanood sa January 14.

Sa kanyang Twitter account noong January 2 ay sinabi ni Sarah na ipagpapatuloy na lamang niya ang kanyang pag-aaral at babalik na lang siya sa Switzerland.

Ito ay bunsod diumano ng "misunderstandings" niya sa ilang tao namamahala ng kanyang career.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Sarah ay nakakontrata sa GMA Network hanggang 2015, simula nang manalo siyang Ultimate Female Survivor sa artista search na StarStruck V noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN