PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH. Director Lino Cayetano takes leave of absence from showbiz in preparation for his congressional bid

Pormal na inihayag kahapon ni Lino ang kanyang pangarap na mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan bilang kongresista ng 2nd District ng Taguig City
by Jojo Gabinete
Published Jan 12, 2013
Lino Cayetano on his political plans: "Lahat tayo may angal. Lahat tayo may mga problema. We all want to do something about it. So I feel like what I'm doing... is just an extension of what we all have been doing."

Pansamantalang iiwan ni Lino Cayetano ang kanyang propesyon bilang direktor dahil susubukan niya muna ang kanyang kapalaran sa mundo ng pulitika at public service.

Ang Aryana ang kanyang huling television project sa ABS-CBN.

Pormal na inihayag kahapon ni Lino ang kanyang pangarap na mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan bilang kongresista ng 2nd District ng Taguig City.

Ayon sa bunsong anak ng yumaong senador na si Rene Cayetano, kakandidato siya dahil sa pagmamahal at suporta na natatanggap niya mula sa industriya na naging mabuti sa kanya.



INSPIRED BY P-NOY. "Although I've been barangay captain of Fort Bonifacio the last two years, ang media, ang outside press... alam n'yo naman na mailap ako so, even as barangay captain.

"The last two and a half years, I've been doing a lot of things in Fort pero hindi ako yung humaharap, kasi I'd rather stay behind the scene," bungad ng nakababatang kapatid nina Sen. Allan Peter at Pia Cayetano nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung puwede, pag manalo man ako, I want to remain that way. Sa akin, primarily... itinanong ito sa akin ni Ate Kris (Aquino). Sa akin, one is I was inspired by a lot of people.

"Ang totoo, one of my biggest inspirations is ang presidente natin.

"When he became president, yung pananaw ko dati pa, saka yung pananaw ng pamilya namin dati pa, sa pulitika at sa public service, nadala ni Presidente yung menashe na 'yon sa buong Pilipinas na 'to serve is a noble thing.'

"And a lot of times, automatic when we think of joining government, we think of negative things.

"We think of parang mas notorious pa ang institution sa gobyerno but when we had the president in P-Noy, he was able to explain and share his ideals and encourage people from the private sector to join... na kung gusto ninyo ng pagbabago tulad niya, itinaya niya ang sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And the last two years as barangay captain, working closely with my brother... it really inspired me.

"Sa totoo lang po, I know you also feel this in your heart," paliwanag pa ni Lino.

Bahagi pala ng kanyang adhikain bilang direktor ang mamulat ang mga manonood sa mga relevant social issues.

"Every presscon, pinag-uusapan natin ang problema ng bayan.

"When we talk about Aryana, we talk about yung problems ni Ofelia. Itinataguyod niya yung pag-aaral ng anak niyang si Aryana.

"We're talking about the educational system, bakit hindi niya pinag-aaral sa public school. Ipinipilit niya kahit naglalako siya ng biko, pinag-aaral niya sa private school.

"Every soap we talked about this. Behind the scenes, kami ng mga writers, si Sir Deo [Endrinal], we make a point na to talk about our problems. We talk about social issues.

"Lahat tayo may angal. Lahat tayo may mga problema. We all want to do something about it. So, I feel like what I'm doing...its just an extension of what we all have been doing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bagamat kilala ninyo ako, sa Taguig po, kailangan pa rin na makilala nila ako nang lubusan dahil noong mga huling taon, totoo naman,busy ako sa trabaho ko bilang direktor at bilang barangay captain.

"Noong nanalo akong barangay captain, malinaw sa komunidad ko na I will be a working director while I serve you as barangay captain and my community benefited from that.

"Madami sa kinita ko dito, napunta sa mga kapit-bahay namin, saka sa komunidad and a lot of the relationships I have made here.

"And the skills I've developed as a director helped me talk to the private sector. Napakarami namin na private/public partnership sa Fort.

"Yung Fort na alam n'yo, kalahati lamang 'yon.

"May kalahati pa na totoong Fort Bonifacio na hindi natin nakikita ngunit ngayon, talagang we're trying to bridge the gap between the two Fort Bonifacios.

"'Yon ang isang malaking rason why I'm running, and why I need to take a leave of absence," masusi niyang esplika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIG ADJUSTMENTS. Tila matatagalan bago makasanayan ni Lino ang pagbitaw sa mga nakasanayan niyang gawain bilang direktor.

Kuwento niya, "Ngayon medyo nagigising ako sa gabi na hindi ako sanay.

"Naghahanap ako ng taping guide, naghahanap ako ng text sa producer ko. Naghahanap ako ng schedule kay EJ [Eric John Salut, ABS-CBN Adprom Manager] kasi it' s an adjustment also for me.

"'Yun siguro, if anything, ang big announcement... na I'm taking some time off because i really need to spend time with the community.

"Dahil totoo naman, malaki ang second district ng Taguig kasi 200,000-300,000 people at hindi ako nagkukunwari na alam ko na lahat ng problema.

"For now, I' m taking a leave of absence for at least six months, tulad nina Senador Bong and Senator Jinggoy."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lino Cayetano on his political plans: "Lahat tayo may angal. Lahat tayo may mga problema. We all want to do something about it. So I feel like what I'm doing... is just an extension of what we all have been doing."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results