Bea Binene on first screen kiss with Alden Richards: "Kinabahan po ako talaga..."

Bagamat si Alden Richards ang katambal ni Bea Binene sa Indio, makikitang mas matimbang pa rin ang pagtingin nito sa dating ka-loveteam na si Jake Vargas.


Hindi akalain ni Bea Binene na kay Alden Richards ang magiging first screen kiss niya.

Sila kasi ang magkatambal sa epicserye ng GMA-7 na Indio, kung saan si Bea ang gumaganap bilang younger version ni Maxene Magalona (as Rosa) at si Alden naman ang young version ng character ng bida rito na si Senator Bong Revilla Jr.

“Kinabahan po ako talaga nang kunan iyon,” ani Bea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa red-carpet premiere ng Indio sa SM Megamall last Wednesday, January 9.

“Kasi, first kissing scene ko po, e. Nakakakaba po talaga. Opo.

“Kasi, akala ko, puwedeng dayain ni Direk [Dondon Santos] yung gano’n.

“Actually sa script, dalawa pa nga ang nakalagay—yung isa hindi na natuloy.

“Kaya iniisip ko, baka wala na rin yung isa.

“Nagulat na lang ako na bina-block na kami ni Direk, ’O, ito... ganyan, kiss!’

“Sabi ko, ’Direk?!!!’ Napaganun talaga ako!” sabay tawa ng Kapuso young actress.

Paano kung sa papapatuloy ng taping nila, kailanganin sa istorya o sa script na magkaroon ulit sila ng kissing scene? Payag ba siya?

“Ayyy!” tili ni Bea bago bahagyang natawa.

“Opo naman!” matipid niyang dugtong.



NO CONFLICT? Nasabi ni Alden na walang dapat ipag-alala ang ka-loveteam ni Bea na si Jake Vargas.

Hindi raw hahadlang ang aktor kung may namumuong espesyal na pagtitinginan sa dalawang tao.

Reaksiyon dito ni Bea, “Opo naman. Maski siguro kanino, hindi naman tamang makisawsaw ka.

“Hindi naman pupuwedeng pumasok ka sa buhay ng mga tao kung makakasira ka.

"So… kahit naman sino, dapat ganun naman talaga ang gawin.”

Ano na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa ni Jake sa ngayon?

“Wala po. We’re very good friends.

“We’re very, very good friends. We’re very close friends,” pagdidiin ng dalaga.

Nakakatanggap daw si Alden ng mga negatibong komento mula sa JaBea fans tungkol sa pagtatambal nila at pagkakaroon pa ng kissing scene sa Indio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po siguro mawawala yung gano’n... na gano’n yung reaction nila.

“Ako, hindi ko rin naman inakala na magiging kasama ko si Alden. Hindi ko in-expect na magiging magka-partner kami. ’Yon!

“Siyempre, kahit naman po siguro sino, maninibago.

“At meron mang comments, negative or positive man ’yan…

"Pero yun nga, we’re doing this for the viewers. We’re doing this for the show para mas mapaganda.

“And ‘yon, work is work.”

Paano kung mag-click ang tandem nila ni Alden? Paano kung hingin ng pagkakataon na iwan na niya ang loveteam nila ni Jake kapalit ng bagong team-up nila ng aktor?

“A… it’s up to GMA.

“It’s up to the management po kung anuman yung gusto nilang gawin sa career ko, because they know naman what’s best for me.

“Pero kung ako ang tatanungin, siyempre hindi.

“Siyempre, hindi.

“Kasi, yun nga… Jake and I are very, very close friends. At kumportable kaming katrabaho ang isa’t isa.

“’Yon!” nangingiting pahayag ni Bea bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN