Kiray Celis doesn’t mind being the butt of jokes in LUV U: "Natatawa pa ako minsan. Wala talaga, hindi talaga ako nasasaktan. Minsan natatawa pa ako kapag inaasar ang height ko, promise!"

Because of their wholesome portrayals in LUV U, Kiray and Igi Boy Flores have been appointed as Peace Ambassadors for teens and youth. She says: "Kasi, dahil sa LUV U, nakuha kami, nakuha kami bilang Peace Ambassador ng Pilipinas. Nanonood yung mga taga-Malacanang. Nakuha kaming Peace Ambassadors for teens and youth. Kami lang ang bata, e. Kasama namin sina Anne Curtis, Apl. de Aps, at Christian Bautista."


Bukod sa may bago raw na indie film na ginagawa ngayon ang Kapamilya young actress na si Kiray Celis, ang I Dare You, masaya raw nitong sinalubong ang 2013 dahil sa nanantili pa rin daw na matatag ang Sunday youth-oriented show nilang LUV U, sa ABS-CBN.

Ayon nga kay Kiray nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sobrang bonded kami.

"Kung ano ang nakikita ninyo sa TV, ganun din kami sa personal—sobrang close kami, sobrang bonded, sobra talaga."

May katapat na naman silang youth-oriented show sa GMA-7, ang Teen Gen. Ano ang masasabi niya?

"Yes, I know. Best friend ko ang isa sa cast, si Gianna Revilla, yung anak nina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado," banggit niya.



BEST FRIEND GIANNA. Paano sila naging best friend ni Gianna?

"Nagkasama kasi kami ni Senator Bong sa isang movie, yung Kapag Tumibok Ang Puso. Yun... nag-meet kami ni Gianna. 2008 o 2007 pa yata yun.

"Actually, si Ate Inah [Revilla] ang nasa movie, e... si Gianna kasi ang ka-age ko.

"Pero ka-close ko lahat ng mga Revilla, pati yung mga cousins-cousins.

"Close talaga ako sa mga Revilla na kahit Halloween party lang, pupunta talaga ’ko."

Kumusta naman sila ni Gianna ngayon na magkatapat ang show nila?

"Hindi pa namin napag-uusapan, pero para sa amin, wala naman yun at saka, para sa work.

"Masaya ako kay Gianna kasi naging part siya ng work na yun.

"Kasi alam ko, gusto niya ang work na ito, ang showbiz.

"Pero siyempre, di siya mapayagan dahil sa Zobel siya. Mahigpit doon sa school niya.

“At saka, graduating kasi siya ng high school. Pero masaya ako kasi isa yun sa mga dreams niya.

"At kapag nag-uusap kami, nakikita ko na very proud siya na nakasama sa show na yun kaya masaya ako para sa kanya."

KONTRABIDA ROLE. Minsan nang naranasan ni Kiray na maging kontrabida. Hindi nga raw niya makakalimutan ang Mara Clara noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, isa yun sa gusto kong role... yung kontrabida. Kasi, di ba, ikaw ang nang-aapi?

“Masaya siya lalo na noon, ang daming nakakapansin, ang daming nagagalit.

"E, di ba, kapag kontrabida ka at maraming nagagalit, ibig sabihin effective yung pagganap mo.

"Siguro isa yun sa gusto kong magampanan ngayon—yung kontrabida role."



COMEDY-LOVETEAM TANDEM. Ganunpaman, masaya raw siya na sa LUV U, nakakapagpatawa siya.

Lalo na sa loveteam nila ni Igi Boy Flores bilang sina Whitney at Rocky.

"Masaya, very proud kami," sabi niya.

"Kasi, dahil sa LUV U, nakuha kami... nakuha kami bilang Peace Ambassador ng Pilipinas.

"Nanonood yung mga taga-Malacañang. Nakuha kaming Peace Ambassador for teens and youth.

"Kami lang ang bata, e. Kasama namin sina Anne Curtis, Apl. de Ap, Christian Bautista."

Naitanong ba nila kung bakit sila ang napili?

"Actually, noong una, nag-host lang kami ng isang event nila tapos the next day, tinawagan na kami kung puwede raw kaming maging Peace Ambassador.

"Ang taray, di ba?" natatawa niyang sabi.

Sa mga loveteams, sino sa tingin niya ang peg nila?

"Sa comedy, wala kasi akong nakikitang comedy na loveteam.

"Pero siguro, ang peg ko ngayon, Jolina [Magdangal]. At idol ko rin si Jolina.

"Di ba, sila yung cute-cute na loveteam na parang nag-aaway, nag-aasaran na masaya?"

Sa mga batuhan nila ng jokes sa LUV U ay siya yung madalas na parang nahihiritan, nalalait. Hindi ba siya napipikon minsan, lalo na kapag yung hitsura niya ang pinag-uusapan?

"Okay lang, sobra," sabi ni Kiray.

"Natatawa pa ako minsan. Wala talaga, hindi talaga ako nasasaktan.

"Minsan natatawa pa ako kapag inaasar ang height ko, promise!

“At saka, kapag may confidence ka naman sa sarili mo at inaasar kang pangit, pero hindi naman ganoon ang tingin mo sa sarili mo, hindi ka magagalit.

"Kasi, lahat ng napipikon... yun kasi, guilty sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SINGING TALENT. Sa mga hindi nakakaalam, ang isa talaga sa talento ni Kiray ay ang pagkanta.

Pero mukhang hindi na niya ito napa-praktis at naka-sentro na siya sa pag-arte.

Sabi niya, "Actually, hindi po. Kapag may mall show po kami, ako ang pambato nila.

“So, nagagamit ko pa rin po.

"Pero yung talagang career sa singing, hindi pa po kasi ako nabibigyan ng chance.

"Pero kung mabibigyan po ako ng chance, why not?"

Ano ang talagang gusto niya—umarte o kumanta?

"Hindi ko pa po masabi, pero masaya ako sa kanilang dalawa—at pati sa hosting, kasi napapasok na rin po ako sa hosting ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN