Comedienne Candy Pangilinan on working with veteran actresses: “Aminadong starstruck ako nang bonggang-bongga, lalo na sa mga senior stars—gustung-gusto ko silang makatrabaho.”

May katagalan nang single mom si Candy Pangilinan at hindi na siya naghangad pa ng karelasyon. Sabi niya: “Mas na-appreciate ko ang buhay ko kapag single ako. Mas tutok ako sa mga pangangailangan ng anak ko. At mas may focus ako sa mga trabaho ko.”


Taong 2011 pa ang huling teleserye ng TV-film and stage comedienne na si Candy Pangilinan sa ABS-CBN.

Huli siyang nakasama sa Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbidahan nila Coco Martin, Maja Salvador at Andi Eigenmann.

Nagkaroon din siya ng mga projects sa GMA-7 kunsaan ginawa niya ang Hiram Na Puso at sa TV5, ginawa naman niya ang P.S. I Love You at Bagets: Just Got Lucky.

Ngayong taon ay nasa bakuran pa rin ng Kapuso network si Candy at kasama siya sa bagong afternoon series na Forever.

Dito ay makakasama niya sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, at Ms. Gloria Romero.

Gagampanan ni Candy ang role na Susie na siyang nakakaalam ng lihim ni Adora (Gloria Romero).

Magiging bata ulit dito si Adora sa pamamagitan ng isang mahiwagang antigong relo.

FIRST OFER. Ayon kay Candy, dapat ay isasama siya sa bagong series na ididirek ni Wenn Deramas, pero nauna na raw siyang i-cast sa Forever.

“Unahan lang naman ang labanan ngayon, di ba?” bungad niya.

“Nag-story conference na kami para sa Forever noong tawagan ako ng Dos.

“Siyempre, committed na ako sa Siyete. Pero nakakapag-guest naman ako sa ibang shows doon tulad sa Toda Max.

“’Tsaka okey naman ang working environment ko dito sa GMA-7.

“Since Hiram Na Puso nga, naging close na ako sa mga production people.

“Yung iba, matagal ko nang mga kakilala kaya mabilis akong naka-adjust.

“Ngayon, almost the same people din ang nasa production ng Forever.

“’Tsaka originally naman, taga-GMA-7 ako. Di ba nasa Mixed Nuts ako noon?

“Kaya balik-balikan lang tayo,” sabi ni Candy nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Forever noong January 8 sa GMA Network Center.

STARSTRUCK. Tuwang-tuwa si Candy na mapasama sa cast ng Forever dahil pagkakataon na raw niyang makasama ulit ang hinahangaan niyang Movie Queen na si Ms. Gloria Romero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatrabaho na sila ni Tita Glo sa series na Kokey at sa pelikulang Petrang Kabayo.

“Doon sa mga times na nakasama ko si Tita Glo, wala kaming halos na mga eksena na magkasama parati.

“Dito sa Forever, halos lahat ng eksena ko ay kasama ko si Tita Glo.

“Ako naman, aminadong starstruck ako nang bonggang-bongga, lalo na sa mga senior stars— gustung-gusto ko silang makatrabaho.

“May goal kasi ako na makatrabaho ko ang mga hinahanggan kong mga aktres.

“Nakasama ko na si Lorna Tolentino at Gina Alajar… Ngayon si Ms. Gloria Romero na.

“Para pag tumanda ako, may maikukuwento ako sa anak ko na nakatrabaho ko ang mahuhusay na mga artista.

“Para hindi sabihin ng anak ko na echosera ang nanay niya!” sabay tawa niya.

STAND-UP COMEDY. Sa January 25 and 26, itatanghal sa Teatrino in Greenhills ang one-woman comedy show na Candy’s Be U?

Produced ito ng Vivand Productions ni Andrew de Real at ng Viva Entertainment.

Matagal napahinga si Candy sa paglabas sa stand-up comedy kaya todo ang paghahanda niya para sa show na ito.

“Mas naging busy ako sa paglabas sa TV at sa paggawa ng movies kaya medyo napahinga tayo sa ganyang mga shows.

“Ngayon dahil nga si Mamu Andrew ang magdidirek at mag-produce ng show na ito, siguro nga it’s time na balikan ko na siya.

“Na-miss ko na rin kasi. Tsaka may mga bago kaming mga skits na magugustuhan nila ng bonggang-bongga,” diin ni Candy.

SINGLE MOM. Kahit busy sa kanyang career si Candy, hindi naman niya napapabayaan ang kanyang anak na si Quentin na ngayo’y nine years old na.

Naikuwento ni Candy na malaki na ang improvement ng kanyang anak, lalo na ang communication skills nito at nakikitang maayos nang nakikipag-interact sa ibang mga bata.

Na-diagnose na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) noong 1-year old pa lang si Quentin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa nga ito sa naging malaking pagsubok sa pagiging ina ni Candy.

Sabi niya, “My son is doing okay now. Maganda kasi ang school na pinapasukan niya at ang mga therapist doon ay mahuhusay.

“Kaya maganda ang nagiging improvements niya.

“Ngayon ay maganda na ang communication skills na siya with other kids his age.

“At kapag may exams sila sa school, nasasagot niya nang mabilis at tama.

“Kaya very thankful ako kay God for taking care of my angel.

“Alam ko na isang malaking pagsubok sa akin at sa anak ko ang lahat.

“But we are surviving every day—my son is surviving it every day.

“I always pray na mas maging maayos pa anak ko.

“Lahat naman ng magulang ay laging hiling sa Diyos na magkaroon ng magandang buhay ang anak nila— hindi ako naiiba sa kanila,” saad niya.

Matagal na siyang annulled sa ama ng kanyang anak at ang huling karelasyon niya, si director GB Sampedro, ay matagal nang wala na sa buhay niya.

Pero hindi raw naging dependent si Candy sa kahit sino dahil ilang years na rin siyang walang karelasyon.

“Mas na-appreciate ko ang buhay ko kapag single ako,” pag-amin niya.

“Mas tutok ako sa mga pangangailangan ng anak ko. At mas may focus ako sa mga trabaho ko.

“Siguro nga, in-allow ng Diyos na wala muna akong lovelife dahil baka mahati pa ang panahon na dapat ay para sa anak ko.

“Kaya okey lang na wala— sanay naman na tayo sa ganyan.

“As long as my son is doing fine at nakikita kong masaya siya, sobrang na rin ang kasayahan ko sa buhay

“The only man in my life now ay ang anak ko— forever na ‘yan!” pagtatapos ni Candy Pangilinan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN