Gloria Romero on doing Forever: “Hindi ko akalain na sa edad kong ito, makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV drama.”

Namamangha at emosyonal si Ms. Gloria Romero sa pagbabalik niya sa isang romantic teleserye tulad ng Forever. Kuwento niya: “It’s a different romantic story and it’s something that I am used to do noong araw pa. It brings back memories, kaya siguro ako naging emotional.”


Hindi napigilan ng Philippine movie queen na si Ms. Gloria Romero na maiyak nang mapanood niya ang audio-visual presentation para sa bago niyang drama series na Forever sa GMA-7 noong January 8.

Paliwanag niya, “Hindi ko kasi akalain na sa edad kong ito [79 years old], makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV drama.

“I’ve done so many series in the past, ngayon lang ako talaga naiyak sa napanood ko.

“Hindi ko alam kung bakit ako naging masyadong emotional… pagpasensiyahan ninyo na ako.

“Siguro nga masayang-masaya lang ako sa paggawa ko ng show na ito.

“Kaya once again, thank you GMA-7 for giving me this one-of-a-kind drama on television.”



WITH GMA-7. Ang Forever ang ika-limang show ni Tita Glo since lumipat siya sa GMA-7.

Una niyang ginawa ang Munting Heredera at sinundan ito ang sitcom na Andres de Saya. Sumunod na ang teleseryeng Makapiling Kang Muli at ang pinakahuli ay ang Cielo de Angelina.

Sa Forever, kasama ng movie queen sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.

Gaganap si Tita Glo bilang si Adora, isang elderly woman na isa lamang ang inibig sa buong buhay niya—si Ramon, na ginagampanan ni Geoff Eigenmann.

Si Ramon ay namatay dahil sa ipinaglaban nito ang kanyang pag-ibig kay Adora.

Ilang dekada ang lumipas at muling mabubuhay si Ramon sa katauhan ng isang artist na si Patrick, na laging ginuguhit ang larawan ng dalagang si Adora.

Sa pamamagitan ng isang antigong relo, babalik sa kanyang dalagang anyo si Adora upang muling buhayin ang naudlot nilang pag-ibig ni Ramon.

Pero dahil sa mga pangyayaring ito, mabubuhay muli ang mapapait na nakaraan at mauulit ito sa kasalukuyang panahon.

Si Heart naman ang gaganap na dalagang Gloria Romero bilang Adora.

Gumanap na dati si Heart bilang dalagang Gloria Romero sa pelikulang Nobody, Nobody But Juan (2009) kunsaan bida ang yumaong King of Comedy na si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEMORIES. Tulad ng mga ibang ginampanan na ni Heart at ni Tita Glo na serye, ang Forever ay tumatalakay rin sa tema ng pag-ibig.

Ayon kay Tita Glo, “Isang reason why I accepted this project is because of its theme—love knows no boundaries kahit sa anong panahon.

“Hindi ito nagiging hadlang sa tunay na pag-iibigan ng dalawang tao.

“It’s a different romantic story and it’s something that I am used to do noong araw pa.

“It brings back memories, kaya siguro ako naging emotional.

“I hope that everybody will watch this kasi, for sure, marami ang makaka-relate sa istorya namin,” saad niya.

May nagawa nang pelikula si Tita Glo na halos ganito rin ang tema—ang Moments of Love ng GMA Films na ipinalabas noong 2006.

Si Iza Calzado ang gumanap na dalagang Gloria Romero, at si Dingdong Dantes naman ang lalaking inibig niya sa magkaibang panahon.

“Oh, yes, halos ganoon din ang tema,” pag-aalala ni Tita Glo.

“But sa TV, mas pinalawak ito at mas nilagyan pa ng ibang mga kuwento—kaya may pagkakaiba pa rin.

“What’s important naman is that we are all working harmoniously on the set.

“Kasi nga, si Ricky Davao ulit ang aking director. We worked last noong Makapiling Kang Muli.

“Napakahusay niya, hindi lang bilang aktor kundi bilang director na rin.

“Lahat kami, maganda ang vibes sa set dahil alam naming maganda lalabas lahat ng eksena.

“I am thankful to God because mga mahuhusay na mga tao ang muling katrabaho ko rito sa Forever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN