Gian Magdangal on doing character roles: “Hindi naman ako actor talaga—I’m a singer who is crossing over into acting on television.”

Parang ayaw ni Gian Magdangal na ma-typecast na kontrabida tulad ng kanyang mga ginampanan dati. Sabi niya, “Puwede pa rin naman akong mabait. Para lang siguro mabalanse ang mga roles na gagawin ko for television.”


Puring-puri ni actor-director Ricky Davao ang singer-turned-actor na si Gian Magdangal sa pagganap nito bilang kontrabida sa drama series na Forever.

Si Gian gumaganap na katunggali ni Geoff Eigenmann sa bagong panghapon na teleserye ng GMA-7.

Inamin ni Gian sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng Forever sa GMA Network Center, last January 8, na kaya niya tinanggap ang muling magkontrabida ay dahil kay Direk Ricky.

Na-impress daw si Direk Ricky kay Gian noong idirek niya ito for the first time sa Kokak (2011).

Kaya sa Forever, muling hiniling ni Direk Ricky si Gian para gumanap na Rico.

Ayon pa kay Direk Ricky, may certain range in acting si Gian na hindi niya nakikita sa ibang mga artista ngayon.

Sobrang flattered naman si Gian sa mga papuring ito ni Direk Ricky sa kanya, kaya labis ang pasasalamat niya sa actor-director.

Kuwento ng Party Pilipinas mainstay, “Sinubukan ko lang talaga itong acting.

“Since I’ve been coming out na nga in musical theater productions, hindi naman ito naiiba sa pag-arte sa TV or sa pelikula.

“My very first teleserye was Rosalinda in 2009.

“Ang role ko doon ay best friend ni Geoff Eigenmann. Ngayon, kontrabida na niya ako."



MORE KONTRABIDA ROLES. Gaya ng nabanggit, hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap na kontrabida si Gian. Una siyang naging kontrabida sa Kokak na idinirek din ni Ricky Davao.

Saad ng singer-actor, “Noong una, hindi ako kumportable na maging kontrabida when they gave me the role of Norman in Kokak.

“Kasi baka hindi ako credible na kontrabida.

“Pero noong sabihin sa akin ni Direk Ricky that I have to build my own character based on the role, tinuluy-tuloy ko na.

“Kasi psychotic ang role ko sa Kokak—obsessed at sadista. So I have to really get into that role.

"Ayoko rin naman mapahiya sa aming director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s very much like when we’re doing a role for musical theater. Nilalagay din namin ang sarili namin sa role.

"So I did the best I can.

“Hindi ko naman akala na magugustuhan iyon ni Direk Ricky.

“Kasi hindi naman ako actor talaga—I’m a singer who is crossing over into acting on television.

“Dahil naman sa guidance ni Direk Ricky, nagawa kong maging credible na kontrabida—maging credible na actor.”



TYPECAST. Dahil nga sa epektibo si Gian na kontrabida, okey lang ba na parating kontrabida na lang siya sa mga teleserye?

Tugon niya, “I could only do one teleserye a year kasi, so parang okey lang naman.

“If it’s a character role, yung matsa-challenge talaga ako, I won’t mind.

“Puwede pa rin naman akong mabait. Para lang siguro mabalanse ang mga roles na gagawin ko for television.”



FIRST LOVE. Kahit busy na sa acting sa TV si Gian, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang love for singing.

Kasama nga siya sa cast ng re-staging ng Katy The Musical sa CCP Little Theater na magsisimula sa January 17.

Makakasama ni Gian dito sina Isay Alvarez, Tirso Cruz III, Dulce, Epi Quizon, Aicelle Santos, at Lou Veloso. Mula ito sa direksyion ni Nestor Torre.

Sabi ni Gian, “Hindi ko basta puwedeng iwan ang musical theater.

“Since 2009, I’ve been coming out in many productions like Rent, Noli Me Tangere The Musical, The Wedding Singer, West Side Story, and Kaos.


"Now, I’m part of Katy The Musical.

“My first love is to sing and I am just happy that I can do both—singing and acting.

“Tapos meron pang Party Pilipinas every Sunday. So music has always been a part of my career.

“Pero siyempre, we are always looking out for something new to do in our life, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong acting na nga yung bago sa akin.

“And I am lucky to be working with great people like Direk Ricky. He has been so generous with his knowledge in acting.

“Sine-share niya ‘yan sa amin ang talent niya and we are very thankful for that.

“Marami kaming natututunan sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN