Barbie Forteza gets the best Christmas gift from Derrick Monasterio, says she and Derrick are just friends now

Ayon kay Barbie Forteza, walang namumuong relasyon sa kanila ni Derrick Monasterio. Sabi niya: “Sa ngayon, mas close kami kasi halos every day na rin kami magkasama sa taping. Kapag wala namang taping, minsan nagkikita din kami... magka-text kami.”


Simple lamang ang naging selebrasyon ng Kapuso Tween Queen na si Barbie Forteza nitong nakaraang Pasko.

“Nag-dinner lang po kami with my family, sa father’s side.

“Tradition na kasi yun, every year dun kami nag-Christmas dinner,” umpisang kuwento ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via e-mail.

At dahil nga dumaan ang Pasko, natural lamang na may mga palitan ng mga regalo.

Isa sa mga maituturing ni Barbie na pinaka-espesyal na regalong natanggap niya ay galing kay Derrick Monasterio, ang leading man niya sa fantaserye ng GMA-7 na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

“Isa sa mga best gift na natanggap ko yung ibinigay ni Derrick na pabango at make-up kit.

“Kasi yun po talaga yung gusto ko at kailangan ko.

“Tapos, may element of surprise pa kasi hindi ko in-expect na talagang inalam niya kay Joyce kung ano ang gusto ko.”

Kasamahan din nila sa Paroa ang teen star na si Joyce Ching.

Balitang masugid na ang panliligaw ng binata kay Barbie. Kumusta na ba sila ni Derrick?

“Masugid talaga?” nagulat na tanong ni Barbie.

“Sa ngayon, mas close kami kasi halos every day na rin kami magkasama sa taping.

“Kapag wala namang taping, minsan nagkikita din kami... magka-text kami.

“Pero friends lang po muna kami ngayon.”



FAMILY CELEBRATIONS. At kung sa pamilya ng ama niya sila nag-Pasko, sa mother side naman ng pamilya ni Barbie sila nag-celebrate ng Bagong Taon.

“Tradition naman na kapag New Year dun sa mother’s side.

“Simple lang—nag-videoke kami, may konting handa, tapos may mga games.

“Nagsayaw pa nga kami ng mga tito ko, tita ko at mga pinsan ko ng ’Oppa Gangnam Style,’” ang natatawang kuwento pa ni Barbie.

Tinanong naman ng PEP si Barbie kung ano ang kanyang New Year’s resolution.

“Resolution ko po ay maging mas independent na para hindi na po laging napapagod sila Mama sa pag-asikaso sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan po, kapag may sakit sila ni Daddy, hindi pa rin sila makapag-stay sa bahay at makapagpahinga...

“Kasi kailangan pa nila akong samahan sa taping or shooting.”



GOOD YEAR. Ang maituturing naman ni Barbie na pinakamagandang nangyari sa kanya sa nagdaang taong 2012…

“Madami po kasing maganda, e, madami po talaga.

“Bawat project na nakuha ko, puwede kong sabihin na pinakamaganda,” sabi ni Barbie.

Very thankful ang teen actress dahil sunud-sunod ang projects niya sa telebisyon at pelikula.

Bukod sa Paroa, dalawang pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang kasali si Barbie, ang Sosy Problems at ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si AKO.

Ano naman ang hindi kagandahang pangyayari sa buhay niya sa nakaraang taon?

“Wala naman po masyadong pangit,” paniniguro niya.

“Kasi, talagang tuluy-tuloy po yung projects ko, ’tsaka okay naman po ang health ng family ko.”



INVESTMENTS. At ngayong 2013, may mga expectations ba si Barbie sa kanyang personal na buhay at sa kanyang showbiz career?

“I expect myself to do better, kahit na I know I’m already giving my best,” tugon niya.

“Ine-expect ko pong mai-improve ko pa yung sarili ko sa trabaho ko.

“At sana din po madagdagan pa ang investments namin this year.”

Sa nakaraang taon ay nakapagpundar si Barbie ng bagong sasakyan at condo unit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN