Cristine Reyes and Rayver Cruz confirm their breakup

Rayver Cruz said it was a mutual decision between him and ex-girlfriend Cristine Reyes to stay silent about their breakup because, “[N]ag-start ang relationship namin na sobrang daming naapektuhan. So, sa tingin namin ganoon ang tama.”


Hiwalay na pero nananatiling magkaibigan ang dating magkasintahang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Ito ang inamin ng dalawa sa eksklusibong panayam sa kanila ng The Buzz, na ipinalabas kahapon, January 13.

Sabi ni Rayver, “Oo [hiwalay na kami]. Ang maganda dito, okay kami dahil magkaibigan kami.”

Matatandaan na noong mga huling buwan ng 2012 ay may usap-usapan na tapos na ang dalawang taong relasyon ng dalawa. Subalit ilang beses itong pinabulaanan nina Rayver at Cristine.

Sa katunayan, sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver noong November 2012 lamang, sinabi pa niya na “Paulit-ulit na lang. Two years na kami pero paulit-ulit yung issue.”

(CLICK HERE to read related article)

Pero sabi ni Rayver sa panayam ng The Buzz, “Matagal na kaming naghiwalay, last year pa.

“We gave our best dito sa relationship namin. Gano’n siguro talaga.

“Hindi naman halos lahat ng relationships nagwo-work, di ba?”

Sadya raw nilang piniling maging tahimik tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Paliwanag ni Rayver, “Dinecide namin na noong naghiwalay kami, discreet na lang, huwag na lang maingay.

“Huwag na lang sabihin in public kasi nag-start ang relationship namin na sobrang daming naapektuhan.

“So, sa tingin namin, ganoon ang tama.”

Gayunman, hindi na rin nilang naiwasang itago ang kanilang paghihiwalay dahil, ani Rayver, “Sa huli kasi ang dami nang nakakahalata and AA [palayaw ni Cristine] is being unfairly judged na naman.

“Nag-decide ako na dapat sabihin na natin.”

Nilinaw rin ng 23-year-old actor na walang third party sa kanilang relasyon.

Gusto lamang daw nilang mas pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang showbiz career kaya nagdesisyon silang maghiwalay.

Dagdag naman ni Cristine, “Siguro kasi bata pa kami pareho. Gusto namin mag-focus sa work. Gusto namin mag-focus sa sarili namin. Walang third party.”

Bagamat tapos na ang kanilang romantic relationship, siniguro naman ng dalawa na pananatilihin nila ang kanilang pagiging magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rayver, “Para sa akin, hindi na iba sa buhay ko si AA. Parte na iyan ng buhay ko hanggang sa pagtagal.”

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Cristine, “Siyempre, nandito pa rin ako para sa kanya. Parte na rin po siya ng buhay ko and hindi ko ibabalewala ang pinagsamahan namin. Anytime, nandito lang po ako.”


ON RUMORS INVOLVING DEREK RAMSAY. Samantala, naging pagkakataon din ito para kina Rayver at Cristine upang linawin ang usap-usapan tungkol sa pagkakaugnay ng aktres sa aktor na si Derek Ramsay.

Ayon kay Cristine, hindi dapat bigyan ng ibang kulay kung makita siyang lumabas kasama ang Kidlat actor.

Paliwanag niya, “Para sa akin, wala naman masama doon kasi, ever since, kahit nung sila pa ni Angelica [Panganiban], pumupunta kami sa house nila. Nagha-hangout kami doon.”

Kahit si Rayver ay pinabulaanan ang bali-balitang nililigawan ni Derek si Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN