Pokwang on possibility of getting engaged to British suitor: “E, bakit hindi? Kung mabubuo ang mabubuo!”

Hindi ipinagkakaila ni Pokwang na may British siyang manliligaw. Inisa-isa ng komedyana ang mga katangiang nagustuhan niya rito: “Mabait kasi siyang tao… disente… may pinag-aralan. Maganda naman ang hanapbuhay… magandang lahi.”


Isang British ang nali-link ngayon kay Pokwang at balitang darating ito sa Pilipinas para bisitahin ang komedyana.

“Malalaman ko pa sa January 26 yung flight schedule niya,” sabi ng komedyante nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa farewell and thanksgiving presscon ng Aryana na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN noong January 14.

“Pero ano yun, ha… hindi ko pa naman boyfriend yun. Bisita ko siya,” maagap niyang paglilinaw.

Pero nanliligaw nga ba sa kanya?

“Papunta na sa ganoon!” sabay ngiti ni Pokwang.

Paano niya ito nakilala?

Kuwento niya, “Noong um-attend ako ng birthday ng kaibigan ko sa Las Vegas last November, nandoon siya sa bar kung saan ginanap yung party.

“Yun lang… tsu tsu tsu tsu!

“Ganda ako, e. Pilipina ako, e!

“Alam mo naman ang Pilipina… pak!” natawang biro pa niya.

Banggit pa ni Pokwang, “Magkaedad kami—single siya—diborsiyado.”

Para bisitahin siya nito, ibig sabihin, seryoso sa kanya?

Sabi niya, “Hindi pa kasi siya nakakapunta ng Pilipinas. So, gusto lang niyang makita ang kagandahan ng ating bansa.

“At proud ako na makita niya ang kagandahan ng Pilipinas.”

So magiging tourist guide siya nito?

“Kung walang trabaho, kung wala akong gagawin, why not?

“Pero alam naman niya, maiintindihan naman niya kung sakali.”



IN THE WORKS. Hindi kaya kung masasamahan niya ang British guy na ito mag-tour sa bansa ay may mabuo nga sa kanilang dalawa?

“E, bakit hindi? Kung mabubuo ang mabubuo!” tawa ni Pokwang.

Ready na ba siya kung anumang puwedeng mangyari sa kanila?

“Tingnan natin... kung buo pa ‘to!” tawa na naman niya.

Since ini-entertain niya ang nasabing British guy, ibig sabihin, type din niya ito?

“Mabait kasi siyang tao… disente… may pinag-aralan.

“Maganda naman ang hanapbuhay… magandang lahi.”



SETTLING. Paano kung maging sila at yayain siya nito na iwan na lang ang kanyang career dito sa Pilipinas at sa abroad na lang sila tumira?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi! Hindi ako basta-basta aalis," mabilis na tugon ni Pokwang.

“Pasyal lang siguro. Pero yung iiwanan ko ang trabaho ko rito, napakawalang utang na loob ko naman sa ABS!

“Ang gaganda ng opportunity na ibinibigay nila sa akin, di ba?”

Ano ang trabaho ng British guy na ito?

“Meron siyang restaurant—chef siya.”

Mahilig at masarap magluto si Pokwang… bagay sila.

Sabi naman ng Kapamilya star, “Kapag umuwi siya rito, pakakainin ko siya.

"Marami tayong masasarap na recipe. Number one sa atin yung adobo, kare-kare...

“Noong nag-meet kami sa Las Vegas, two days after, bumalik na ako ng Pilipinas.

“Nagtatawagan na lang kami.”

So, malaki ang posibilidad na magka-lovelife na siya ngayon 2013?

“Sana! Oo,” mabilis niyang sagot.

“Pero kagaya nga ng lagi ko ring sinasabi, hindi ko naman talaga hinahanap, di ba?

“Kapag nandiyan, e, di nandiyan.”



APPROVAL. Ngayong may British na nanliligaw sa kanya, ano naman ang reaksiyon ng kanyang 16-year-old daughter?

“Actually, noong una, kumukontra! Pero ngayon, hindi na!” tawa na naman ni Pokwang.

“Siguro, naisip din niya na darating ang araw na iiwanan niya rin ako.

“She’s sixteen—at ganoon na rin katagal na wala akong lovelife.

"Natiis ko na ganoon katagal, ha!”

At itong British guy marahil ang inilaan ng kapalaran at tugon sa maraming taong lumipas na wala siyang karelasyon, hindi kaya?

“Pakiramdaman muna natin.

“Kasi, di ba, ilang beses na akong napaso? Di ba?

“Ngayon pa ba naman, tatanga-tanga pa rin?

“Pag-aralan muna natin. Kung talagang siya at nakita ko yung sinseridad, why not, di ba?

“Alam mo minsan, kung talagang kayo, kayo, e. Kahit iwasan mo, di ba?

PROJECTS. Magtatapos na ang Aryana, ano ang susunod na project niya?

“Meron po. Pero ayaw pa nilang sabihin sa akin. Isu-surprise pa ako nila.”

Pelikula?

“Meron po akong gagawin para sa TFC… meron din pong indie film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung indie film, nagre-ready na kaming mag-shoot by next month,” sabi ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN