Lotlot de Leon on reconciliation with mom-in-law Pilita Corrales: "Masarap ang feeling!"

Bagamat walang karelasyon si Lotlot de Leon ngayon ay nananatili siyang optimistic. Sabi niya: “Hopefully this year! Kung meron, kung may makikilala, bakit hindi?”


Kung naging fruitful ang buong 2012 para sa career ni Lotlot de Leon, maganda rin ang pasok ng taong 2013 sa kanya.

Sa pagtatapos ng fantasy series ng ABS-CBN na Aryana, meron kaagad siyang bagong naumpisahang project.

“Kasama po ako sa cast ng Juan dela Cruz,” pagbabalita ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa farewell at thanksgiving presscon ng Aryana noong Lunes, January 14, sa ALJ Building ng ABS-CBN.

“Ito yung fantasy series na bago, kung saan bida si Coco Martin… Mommy ni Erich Gonzales yung role ko.

“Good din yung character ko rito.

“Yung sa Aryana lang kasi, medyo naiba, kasi mahilig akong mag-mini-skirt... medyo ambisyosa.

“Doon sa role ko sa Juan dela Cruz, mas simple—isang simpleng ina na mapagmahal sa anak, isang mapagmahal na asawa.”



HOLIDAY BLESSINGS. Kita sa mukha ni Lotlot na kuntento at masaya siya ngayon dahil sa magagandang kaganapan sa kanyang buhay sa pagpasok ng Bagong Taon.

Dagdag pa sa career, okay rin ang kanyang personal na buhay with her kids, lalo na’t nagkabati na sila ng kanyang biyenan na si Pilita Corrales nitong nakaraang Pasko.

“Opo. Maayos na po ang lahat,” pagkumpirma ni Lotlot.

“Masarap ang feeling.

"Everything naman, in God’s time, e.

“So kung anuman po yung nangyari, siyempre, a… when you forgive, it’s a healing process.

“I’m just happy because my kids are happy.”



PILITA’S MOVE. Bisperas ng Pasko nang hindi niya raw inaasahang makatanggap ng regalo mula kay Pilita.

“She gave me a perfume,” sabi ni Lotlot.

May kasama raw itong card. At nakasulat doon ang isang nakaka-touch daw na mensahe.

“She apologized for everything that she said or done.

“And then she said na gusto nga niya maging maayos na lahat. Sana raw mapatawad ko siya.”

Hindi rin daw nga inaasahan ng mga anak niya na magyayaya siyang pumunta sa bahay ng Lola Pilita nila the following day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah. Kasi hindi ko rin po inaasahan yung sulat. Kasi sampung taon po kaming hindi nag-usap, e.

“So kung anuman po yung nangyari, inisip ko na lang na… hanggang doon na lang iyon.

“Hindi na… kumbaga, ako naman, I’ve always kept silent. Wala rin naman po silang narinig sa akin.

“Lahat sa loob lang... lahat ng sama ng loob.

“So naging proseso po para sa akin yung iniisip ko kung kaya ko ba.

“Kasi siyempre, importante po na magpatawad.

“Pero ang pinaka-importante, yung pagbibigay mo ng patawad, e, sinsero.

“Happy ang Chrismas naming lahat. Kasi sama-sama kaming nag-Mass.”

Magkakasama sa misa sina Lotlot, si Pilita, and even her ex-husband na si Ramon Christopher, pati na rin ang hipag niyang si Jackie Lou Blanco.

“Si Mamita, kahit matagal na panahong nagkaroon kami ng misunderstanding, she’s always been a mom naman to me, e.

“Kaya lang, siyempre, ayoko na po kasing balikan yung nakaraan, e.

“Ang importante na lang, naging maayos na—at happy ang mga anak ko.”



MOMMY NORA AUNOR. Hindi pala sila nagkasama ng kanyang inang si Nora Aunor nitong nakalipas na Kapaskuhan?

“Opo. Busy kasi si Mommy, e,” tugon ni Lotlot.

“Di ba? Dalawa yung pelikula niya nitong nakaraang MMFF kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita.”



LOVELIFE. Kumusta naman ang estado ng kanyang lovelife sa ngayon?

“Wala. Zero balance!” sabay ngiti niya.

“Hopefully this year!” at tuluyan na siyang natawa.

“Kung meron, kung may makikilala, bakit hindi?

“Whether showbiz o hindi, ang importante ay yung mahal niya ako. At mahal niya ang mga anak ko.

“Yun!”

Wala ring karelasyon ngayon si Monching. Ano kaya kung magbalikan na lang sila?

“Magkaibigan na lang talaga kami ni Mon!” natawang reaksiyon naman ni Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN