Coco Martin denies involvement in Julia Montes-Enchong Dee breakup

"[K]ung sa family ko nga wala akong time, sa sarili ko rin. Kapag siningit ko ‘yon [lovelife], walang matitira sa akin," says Coco Martin explaining why he remains single until now.


“Labas ako diyan! Hindi po totoo ‘yan.”

Nakangiting sagot ng aktor na si Coco Martin nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa balitang siya umano ang dahilan kung bakit nag-iba na ang relasyon sa pagitan nina Julia Montes at Enchong Dee.

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment media si Coco sa press conference na inihanda ng bago niyang iniendorso na Max’s Restaurant kahapon, January 15.

Imposible raw na masali siya sa isyu dahil, sabi ni Coco tungkol sa dating Walang Hanggan co-star niya, “Katrabaho ko lang si Julia at saka bata pa ‘yon, e.”

Dagdag pa ni niya, kung sakali, “Ayaw ko naman [maging] third party.”

Matatandaan na bago matapos ang taong 2012, balitang nag-break na ang celebrity couple na sina Julia at Enchong.

Pero nilinaw naman nila sa hiwalay na interview na wala namang nagbago sa kanilang pagiging magkaibigan.

Sa isang panayam, sinabi ni Julia na, “Naging busy lang talaga.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sinabi naman ni Enchong na, “Wala namang kailangang ipaghiwalay, pero hindi na lang siya katulad noong dati.”

(CLICK HERE to read related article.)

Sina Coco at Julia ay muling magkakatrabaho sa pelikulang A Moment In Time na ipalalabas sa Pebrero.



STILL NO TIME FOR LOVE. Isang dahilan pa kung bakit mariing pinabulaanan ni Coco ang pagkakasangkot niya sa isyu ay dahil wala na raw siyang oras para sa lovelife.

Ayon sa Kapamilya actor, “Sabi ko nga nitong Christmas at New Year, dapat para sa akin.

"Pero, siyempre, dapat family muna kasi wala na talaga akong time sa kanila.”

Bukod sa product endorsements at pelikula, abala rin ngayon si Coco sa bagong teleseryeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN, ang Juan dela Cruz.

Ayon kay Coco, gusto niya munang ituon ang buong oras niya sa trabaho.

“Gusto ko munang samantalahin kung anong meron ako. Ito muna ang focus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, kung sa family ko nga wala akong time, sa sarili ko rin.

“Kapag isiningit ko ‘yon [lovelife], walang matitira sa akin.”

Hindi naman daw niya nami-miss ang pagkakaroon ng karelasyon dahil, aniya, “Dati namang puro gano’n ako, ordinaryo akong tao.

“After ng pagkakahiwalay, magkakaroon ulit.

“Kumbaga, ito kasi bago sa akin kaya sinasamantala ko lang kung anong meron.”

Kung sakaling may pagkakataon na magkaroon siya muli ng karelasyon, hindi naman daw niya ito iiwasan.

Pero sabi niya, “Gusto ko talaga, kung magkakaroon ng pagkakataon, ayaw ko rin ng taga-showbiz.

“Kasi, mahirap e, lalung-lalo na seloso ako.

“Hindi rin magwo-work kaya hangga’t maaari, gusto ko simple lang.”



MUM ABOUT KATHERINE LUNA. Samantala, noong nakaraang taon ay muling nagsalita ang dating girlfriend ni Coco na si Katherine Luna tungkol sa kanilang seven-year-old daughter.

Ayon sa Ang Babae sa Breakwater actress, gusto rin ng kanyang anak na makilala ang ama nito.

(CLICK HERE to read related article.)

Sinubukan ng press na hingan si Coco ng pahayag tungkol dito, subalit nakiusap ang aktor na huwag na munang pag-usapan ang isyung ito.

Paliwanag pa niya, “Para sa akin po, siguro may tamang oras po para pag-usapan ang ganung mga bagay kasi masyadong sensitibo ‘yon.

“Alam ko sa sarili ko na may tamang oras ang lahat ng bagay.

“Ayaw kong pagsabayin lahat kasi baka mamaya mag-iba ng kahulugan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN