Judy Ann Santos cleared of tax evasion

“Thankful ako na maganda ang bungad ng taon sa akin, daig pa ang Best Actress Award. I can finally move on with my life. It’s an answered prayer,” sabi ni Judy Ann Santos nang malaman ang tungkol sa pagkakaabswelto niya mula sa tax evasion case ng BIR laban sa kanya.


Absuwelto na sa kasong tax evasion ang young superstar na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Ito ang naging desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na pinirmahan ng third division associate justices na sina Lovell Bautista and Amelia Cotangco-Manalastas.

Ayon sa 46-page decision ng Court of Tax Appeals (CTA), “underdeclared” lamang ang income ni Judy Ann.

Dahil dito, iniutos na lamang ng CTA na magbayad ang MasterChef host ng mahigit P3.4 million para sa income tax deficiency noong 2002.

May karagdagan ding 20 percent interest para sa bawat taon bilang tax penalty at delinquency interest.

Matatandaan na nagsimula ang kalbaryong ito ni Judy Ann nang magsampa ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi tamang pagdedeklara diumano ng aktres ng kanyang annual income tax return para sa kanyang kinita mula sa kanyang talent fee at endorsements noong 2002.

Sa kabila ng naging decision ng CTA, hindi pa rin daw titigil ang BIR sa pagsulong ng reklamo nila laban sa aktres.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Miyerkules, January 16, sinabi ng BIR na magsusumite pa rin sila ng petisyon para sa criminal na aspeto ng tax evasion case laban kay Judy Ann.

Sa isang statement, sinabi ng BIR, “It has always been the BIR’s position that the tex code provides the presumption of fraud in cases of underdeclaration of 30 percent.

“Ms. Santos’s underdeclaration exceeds 100 percent and the defense never submitted any evidence to disprove such presumption.”

Iginiit din ng BIR na ang desisyon ay salungat sa “willful blindness” doctrine ng Court of Tax Appeals at ng Supreme Court.

“MAGANDA ANG BUNGAD NG TAON SA AKIN.” Samantala, sa phone interview ng ABS-CBN kay Judy Ann, masaya niyang tinanggap ang balita.

Aniya, “Thankful ako na maganda ang bungad ng taon sa akin, daig pa ang Best Actress Award.

“I can finally move on with my life. It’s an answered prayer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First of all, nabigyan ko ng peace of mind ang nanay ko.”

Muli rin niyang sinabi na handa siyang bayaran ang kanyang mga pagkukulang at umaasa na matapos na ang lahat ng ito.

“Wala naman po akong planong takasan ang kahit anong gustong pabayaran sa akin.

“Wala pong kasing katapat na presyo yung peace of mind, yung katahimikan ko at ng pamilya ko.

“Dasal ko na lang po talaga ngayon is sana matapos na talaga nang tuluyan,” pahayag ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN