Nora Aunor on campaigning for ex-President Erap Estrada: "Isa yun sa paraan na nagpapakumbaba ako… isa yun sa dahilan ng paghingi ko ng tawad sa kanya."

Nakasama ni Superstar Nora Aunor ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Never Say Goodbye. Sabi ni Ate Guy sa karanasan niyang ito: “Mas maganda rin yung nakakapagbigay ka ng... halimbawa lang ng mga naransan mo, puwede kong ibigay sa kanila—mabigyan sila ng hindi man aral, payo, kung ano ang nararapat.”


Nabalita noon na pagsasamahin sa isang pelikula ang tatlong sikat at magagaling na artistang sina Nora Aunor, Coco Martin, at Vilma Santos.

Pero hindi malinaw sa ngayon kung bakit walang tiyak na usapan tungkol sa pagsasama ng tatlo sa isang pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora sa trade launch ng mga bagong shows ng TV5, na ginanap sa New Port, Resorts World Hotel noong January 15, nagbigay siya ng pahayag tungkol dito.

Sabi ni Ate Guy, “Nasagot ko na ‘yan… marami nang nagtanong sa akin.

“Sa akin, walang problema sa akin… sila ang tanungin mo.

“Siguro si Direk [Brillante Mendoza] ang tanungin ninyo kung bakit natatagalan.

“Sa akin, bakit naman hindi? Lalo na kay Coco, kasi idol ko rin yun… napakabait na bata.

“Magaling yun, saka parang naranasan ko yung pag-umpisa niya noong araw… parang ako yun, e.

“Yung hirap sa buhay, iyong siya yung tumutulong sa kanyang pamilya.”



PULL OUT. Napag-usapan din ang pagpu-pull out ng pelikula niyang Thy Womb sa ilang sinehan sa unang araw pa lang daw nito sa takilya sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Ayon sa aktres, kahit ganito man ang nangyari ay natupad naman ang pangarap niyang makagawa ng isang makabuluhang pelikula.

“Kaya nga nagtataka ako. Kasi umpisa pa lang ng ipalabas yung pelikula, ang dami nang nagsasabi na na-pull out.

“Alam ko naman yun kasi, di ba, nagpo-produce naman ako?

“Sumasali ako sa MMFF at alam ko na yung mga sinehan na ’yan, may mga usapan ‘yan…

“Na pag inalis yung isa, may papalit na isa, pero ililipat sa kabila.

“Kung ganoon man ang nasa isipan ng iba, basta ako, nakagawa ako ng isang art film…

“Na kakaiba na yung mga pinangarap ko noon na makagawa ng isang pelikula sa isang taon, e, nagawa ko sa pamamagitan ng pelikulang Thy Womb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sabihing di kumita, talagang babawi siya sa takilya dahil ang cost of production niya ay wala pang three million.”



NORANIANS. Dahil nga sa nangyari, may ilan tuloy ang nagsabi na mukhang natutulog at kulang daw sa suporta ang mga Noranians sa kanilang idolo.

Agad namang dinepensahan ng Superstar ang kanyang mga tagahanga.

Sabi niya, “Matagal nang balitang ‘yan, hanggang ngayon pa ba naman?

“Gising na gising ang mga tao, minsan tayo natutulog din tayo, pero di naman buong araw ay natutulog tayo.

“Alam mo, ang mga fans, laging nandiyan at di puwedeng magpabaya ang mga fans.”

BEST ACTRESS. Nang tanghaling Best Actress si Nora sa 38th Metro Manila Film Festival, balitang nilapitan siya ni Angel Locsin para magbigay-pugay at batiin ang Superstar sa kanyang panalo.

Si Angel ang sinasabing pinakamahigpit na nakalaban ni Nora sa MMFF last year, para sa pagganap ng Kapamilya actress sa One More Try.

Ikinatuwa naman ng Superstar ang gesture na ito ni Angel.

Saad niya, “Matagal ko nang nababalitaan si Angel… yung kabaitan ni Angel. Gusto ko yung batang yun.

“Nakikita ko naman sa tao, sa personal, na talagang taos sa puso at totoo yung kanyang sinasabi.

"Oo, di ko talaga inasahan kaya nagulat nga ako. Doon ko napatunayan na napakabait ng batang yun.”

ERAP AND GUY. Masaya rin si Ate Guy sa pagkikita nila noon ni dating Presidente Joseph Estrada sa gabi ng parangal ng MMFF, na mukhang hudyat na natuldukan na ang naging alitan nila.

Handa na ba ang aktres na ikampanya ang dating Presidente kung hihingi ito ng pabor na mangampanya para sa kanya bilang mayor ng Manila?

Sagot niya, “Ay… yun naman ay tanda naman ng kung may kasalanan man akong nagawa noong araw, isa yun sa paraan na nagpapakumbaba ako.

“At kung may nagawa man akong pagkakamali, isa yun sa dahilan ng paghingi ko ng tawad sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa kami nakakapag-usap, hindi ko naman ikinahihiya yun.

“Ako naman, pag may kasalanan ako, humihingi talaga ako ng sorry.

“Open yun sa lahat—hindi ko kinahihiya pag may kasalanan ako.

“Kung nandito ako, walang problema.

"Baka wala ako dito noon, baka nasa States ako noon—Greencard.”



MOVIE REMAKE. Balita rin na gusto muling mag-produce ng pelikula ni Ate Guy kung saan sasali raw sa sa 2013 MMFF at balak daw i-revive ang Super Gee.

Ang Super Gee ang kauna-unahang superhero na ginampanan ni Nora at iprinodyus ng NV Productions noong 1983.

Kasama niya sa pelikula sina Celia Rodriguez, Eddie Garcia, Fred Montilla, Paraluman, Bert Leroy Jr., at Johnny Delgado.

Sabi ni Nora, “Pinag-iisipan ko, pero balak ko... pinag-iisipan pa rin, pinag-uusapan pa rin.

“Gusto kong ibalik yung NV Production kasi.

“Binabalak ko pa, pinag-iisipan ko. Oo, pero di na ako yung bata.”

Mula nang makabalik ng bansa ay hindi nawalan ng proyektong ginagawa si Ate Guy sa TV5 na labis-labis namang pinagpapasalamat ng aktres.

“Ako ay nagpapasalamat sa TV5.

“Unang-una, alam ko di ako pababayaan ng TV5 lalo na sa mga proyekto na gagawin nila…

“At ako naman, ano man ang ibigay nila sa aking proyekto, buong puso kong tatanggapin.

“Sapagkat noong nawala ako, nawala ako ng walong taon, ang TV5 ang nagkaroon ng paniniwala at pagtitiwala pa rin sa akin.

“Sila ang nagpauwi sa akin dito at binigyan ako ng proyekto at kinontrata pa ako ng tatlong taon.

“Yung ginawa na yun ng TV5, di mo mababayaran yun, e, at tinatanaw ko na malaking utang na loob yun.

“Kahit kailan siguro, pag natapos na ang kontrata ko at kukunin ako ng TV5, nandiyan ako para sa kanila."



ARTISTA ACADEMY WINNERS. Sa bagong TV primetime series na Never Say Goodbye, kasama ni Nora ang mga Artista Academy grand winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papuri ang mga sinabi ni Ate Guy sa dalawang baguhan.

“Iba kasi. Naiiba yung istorya at saka masaya ako kasi may mga tulad nila Vin and Sophie…

“Na kahit papaano, di naman sa ano... kasi matagal na rin kaming nag-start at nag-start na rin ako sa ganyan.

“Mas maganda rin yung nakakapagbigay ka ng... halimbawa lang, ng mga naransan mo, puwede kong ibigay sa kanila.

“Mabigyan sila ng hindi man aral, payo—kung ano ang nararapat.

“Karapat-dapat lang naman kasi yung mga batang ‘yan, e, magagaling at magagaling sila—nag-enjoy ako.

“Sabihin na natin na hindi katulad namin at saka naransanan ko rin ‘yan.

“Di ba, naranasan ko rin ‘yan, sa puno nagsimula, tapos matatapos din doon … may nabuo nang pelikula, tatapusin ang buong LP [long-playing record].

“Una yun, nadaanan ko yun.

"Pero sila, masusuwerte sila, kasi nasasabak agad silang makatrabaho yung mga matagal nang artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN