Jordan Herrera on reviving his showbiz career: “Kailangan natin talagang mag-focus sa trabaho… pag nandiyan ang lovelife, talagang nakaka-distract.”

Nauwi sa hiwalayan ang relasyon ni Jordan Herrera at ng dating TV host na si Janelle Jamer. Kuwento niya sa pangyayari: “Napagdesisyunan na lang namin pareho yung breakup… Ang importante, magkaibigan naman kami. Yung care ko sa kanya nandoon lang naman yun.”


Pagkatapos ng matagal-tagal na pagkawala sa showbiz, balik telebisyon muli ang aktor na si Jordan Herrera sa kilig-seryeng Kahit Konting Pagtingin.

Huli siyang napanood sa seryeng Amaya ng GMA, at naging kontrabida naman sa Kambal sa Uma ng ABS-CBN.

Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin noong January 16, sa Laffline, Timog Ave., Quezon City, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jordan kung ano ang naging buhay niya noong nag-lie low ito sa showbiz.

Sagot niya, “Raket-raket pa rin, like yung mga out of town. Na-link ako sa motocross, yun ang sports ko ngayon—nai-invite.

“Pumunta ako sa States para sa family ko, sa mga anak ko.”


MUTUAL DECISION. Kahit pa noong nagsisimula pa lamang siya, hindi itinago ng aktor ang pagkakaroon niya ng mga anak. Kumusta ang mga ito?

“Healthy, okay naman, masaya ang lahat, malalaki na ang mga bata,” ang natutuwa naman niyang tugon.

Naging open book din ang pagakakroon niya ng relasyon sa dating TV host ng Wowowee na si Janelle Jamer.

Kinumpirma ng aktor na nauwi sa hiwalayan ang ilang taon nilang relasyon ni Janelle, pero mutual decision daw ito.

“Magkaibigan kami, to cut the story short, magkaibigan pa rin kami ngayon.

“Matagal-tagal din yung relasyon namin, tumagal din kami, ilang taon din.

“Napagdesisyunan na lang namin pareho yung breakup… Ang importante magkaibigan naman kami.

“Yung care ko sa kanya nandoon lang naman yun,” kuwento niya.

Ayon kay Jordan, sa pagkakaalam niya ay nasa mabuti namang kalagayan ngayon ang ex-girlfriend.

“Okay naman siya, nababalitaan ko. Pabiyahe-biyahe yata siya, yung mga shows niya... and masaya naman siya.

“Lately, hindi kami nakakapag-usap,” amin ni Jordan.


TIMELY BREAK. Marami ang nagsabi na noong naging sila ni Janelle, parehong nanamlay ang kanilang career.

Pinili ng dating TV host na tuluyan nang talikuran ang showbiz habang si Jordan ay hindi na naging ganoong ka-visible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay napagdesisyunan ng aktor na mas maganda kung pagtutuunan niya ng panahon ang kanyang career.

“Oo siguro. Kailangan natin talagang mag-focus sa trabaho,” diin niya.

“Minsan nandiyan, pag nandiyan ang lovelife, talagang nakaka-distract.”

Sigurado si Jordan na mas focused siya this time, lalo pa’t nabigyan siya ng chance ng makabalik.

“Actually, thankful... nabigyan na naman ng break dito nga sa Kahit Konting Pagtingin.

“Maraming salamat sa ABS at sa bumubuo nito.

“Ako si Ivan dito, kanto boy, barumbado, more on kalye-kalyeng tao… ganoon.

“Kaibigan ko dito si Jinky, si Denise, ako yung nagraraket sa kanya.

“Sa umpisa, reject ko na si Angge dito tapos ipapahamak ko siya eventually,” eksplika niya.


GOOD RELATIONSHIP. Masaya ring nagkuwento si Jordan tungkol sa seryeng kinabibilangan niya.

“Sobrang light. Sabi nga nila, sobrang gaan ng set namin. Lahat sila cool lang, mapa-director hanggang sa staff. Lalo na yung mga artista, sila Angeline [Quinto], si Sam [Milby], si Paulo [Avelino], sobrang mababait at masarap katrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN