Sarah Geronimo apologizes for "misbehaving" on her own show

Inamin ni Sarah Geronimo na idinaan niya sa kanta ang kanyang saloobin sa pagkakaugnay ng dati niyang manliligaw na si Gerald Anderson sa kaibigan niyang si Maja Salvador. Aniya, “Mali, mali po yung inasal ko… nag-misbehave po ako. Pero yun, nawalan lang ako ng control sa emotions ko.”


Sa episode ng Sarah G Live noong Linggo, January 13, ilan sa mga kinanta ni Sarah Geronimo ang parang may pinatatamaan—katulad na lamang ng “Womanizer” at “Take A Bow.”

Sa ulat ng TV Patrol kanina, January 17, kinumpirma ni Sarah na idinaan niya sa kanta ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakaugnay ng dati niyang manliligaw na si Gerald Anderson sa matalik na kaibigang si Maja Salvador.

Inamin din ng singer-actress na siya mismo ang namili ng mga kinanta niya sa kanyang musical program last Sunday.

Aniya, “Mas pipiliin ko lang po na ayaw magsalita, at yun po yung naging outlet ko—yung show.”

Ilan sa mga nabitawang salita ni Sarah na pinalakpakan at tinilian ng mga audience sa studio ay: “Huwag po tayo dun sa mga womanizer, dun po tayo sa faithful…”

Aminado naman si Sarah na nadala siya sa kanyang emosyon kaya nasabi niya yung mga ganung salita.

Aniya, “Mali, mali po yung inasal ko… nag-misbehave po ako.

“Pero yun, nawalan lang ako ng control sa emotions ko.”

Bukod sa kantang “Womanizer” at “Take A Bow,” kinanta rin ni Sarah sa kanyang show ang “On My Own.”

Pero paglilinaw niya, hindi na siya ang pumili nito.

Aniya, “Ayun naman, e, sa show lang yun. Hindi ko siya ipi-pretend na katabi ko siya.”

Sa kanta kasing “On My Own” mula sa Les Miserables ay may lyrics na ganito:

On my own, pretending he’s beside me
All alone, I walk with him ’til morning…


CLOSE FRIEND MAJA. Dagdag pa sa ulat, kung all-out si Sarah tungkol sa saloobin nito tungkol kay Gerald, ayaw naman nitong magdetalye ng tungkol sa estado ng “close friendship” nila ni Maja.

Paabot niyang mensahe sa kaibigan, “I wish her true…true love.”

LOYAL KAPAMILYA. Samantala, muling pumirma ng exclusive contract si Sarah sa ABS-CBN.

Ito’y taliwas sa mga usap-usapan noon na baka lumipat siya ng istasyon kapag nag-expire na ang kontrata nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sarah, “Sabi ko naman po, wala naman po akong ibang pupuntahan.”

GRAMMY AWARDS? Napapabalita namang “shortlisted” daw ang pangalan ni Sarah na isa sa magpi-perform sa 55th Grammy Awards sa Hollywood.

Pero ayaw munang maniwala ni Sarah sa balita.

Sabi niya, “Hindi ko na po muna pinapaniwalaan kasi wala pa naman pong confirmation. Pero kung totoo man, wow!”

Kasalukuyan namang tinatapos nina Sarah at John Lloyd Cruz ang kanilang pangatlong pelikulang pagsasamahan sa Star Cinema—ang It Takes A Man And A Woman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN