Are Sunshine Cruz and Cesar Montano having marital problems?

Tila hindi maganda ngayon ang lagay ng relasyon nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Ito’y matapos maugnay ang pangalan ni Cesar sa aspiring actress na si Krista Miller. Kaya naman isang mensahe ni Sunshine kay Krista, na ipinarating niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (shinemontano): "You messed with the WRONG person."


Mayroong pinagdadaanan ngayon ang mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Ito’y dahil sa pagkakaugnay ni Cesar sa aspiring actress na si Krista Miller.

Unang nakapukaw ng pansin ang sunud-sunod na posts ni Sunshine sa social networking site na Twitter noong Enero 15.

Naka-tag si Krista sa kanyang post sa account na (shinemontano) kung saan sinabi niyang, "@iamKRISTAMILLER I know you. Yes I do!;) ask my kids coz they know you too! Lol! :p"

Ang sumunod na post ng dating aktres ay tila patama pa rin kay Krista.

Aniya, "some talents would choose to have a career in showbiz the easy way. I don’t believe in shortcuts. Magpursige ka, dapat marunong makisama at sana may RESPETO ka sa kapwa.;)"


"DECENCY AND RESPECT." Samantala, sunud-sunod din ang mga post ni Sunshine kahapon, Enero 17, sa kanyang Instagram account (shinemontano).

Limang larawan mula sa account ni Krista (iamkristamiller) ang kanyang ni-repost.

Una’y ang solong larawan ni Krista na may close-up at whole body shot, at may caption na: "I hope one day, i’ll be your first priority."

Isang close-up picture naman ang muling ni-repost ni Sunshine, at dito’y sinagot niya ang caption ng naunang larawan na ni-repost ng misis ni Cesar.

Ani Sunshine, "iamkristamiller you might soon be his first priority. Pagdasal mo."

Sumunod ay isang close-up at half-body picture naman ni Krista ang ibinahagi ng asawa ni Cesar, na mayroong caption na: "You messed with the WRONG person @iamkristamiller"

Isa pang close-up picture ng aspiring actress ang ni-repost ni Sunshine, kung saan sinabi niyang, "The decency to return what is not yours and what you don’t DESERVE. @iamkristamiller"

At ang panglimang larawan na ni-repost ni Sunshine ay ang kuha ni Krista kasama si Cesar.

Dito’y sinabi ng aktres, "The decency and respect that you should have given a family @iamkristamiller"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon din ni-repost si Sunshine na edited picture, kung saan pinagsama niya ang dalawang larawan na nai-post ni Krista sa kanyang account.

Nasa kaliwang bahagi ng larawan ang isang T-shirt at chocolate, habang sa kanang bahagi ay isang bagong iPhone5.

Nakalagay sa caption ng larawang ito ay (published as is): "I have been quiet. Weeks of texting andsending photos. I was REALLY QUIET but you don’t know the meaning of being DISCREET? I BOUGHT THAT SHIRT and it’s a guy’s shirt for heaven’s sake!, the chocolate is from my sis in law and that is my iphone5. Di mo na dapat ipagmalaki sa social networking."

Kaugnay pa rin ng larawang ito, mayroong post si Sunshine sa kanyang Twitter account kung saan sinabi niya, "iamKRISTAMILLER just have the decency to return the iphone5 my dear. Im sure you can do better that that. @heavensmother she has my iphone5 and shirt! Lol!"

Ang account na "@heavensmother" ay sa kanyang pinsan na si Geneva Cruz.

Ang huling post ni Sunshine sa Instagram ay ang kanyang mensahe sa kanyang mga mahal sa buhay.

Aniya, "im so sorry dear Friends and Family. I have been really quiet but when kids are affected unfair na yun. it is actually them who told me about this. they are hurt! im moving on. with my children. God bless you both For doing this to us."

At press time, wala na sa Instagram account ni Sunshine ang mga nasabing posts. Ang pinakahuling update ay nai-post 22 hours ago: "tomorrow will be a better day. moving on."

Pero ang mga tweets niya tungkol kay Krista ay naka-post pa rin sa account ni Sunshine.



GENEVA REACTS. Ang isa sa mga pinsan ni Sunshine na lubos na nagpapakita ng suporta sa pinagdadaanan niya’y si Geneva Cruz.

Ang unang post ng singer matapos makarating sa kanya ang balita ay, "Mess w/ @shinemontano & you’ll mess w/ our whole family too. We come in peace, pero konting respeto naman, babae ka rin. @iamkristamiller"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sunud-sunod na 12 posts ni Geneva kahapon, Enero 17, ay mensahe niya umano sa mga babae na "stealing some other woman’s husband" at sa mga lalaking nag-"cheat" sa kanilang mga asawa.

"Why do other women try stealing some other woman’s husband when they have so many single available men to choose from? What’s wrong w/ you?"

"There’s so many lovely single men waiting to meet the right women. Men who would cherish a good woman & treat her like a queen!"

"But some women only want what they can’t have. Her life partner could be standing right in front of her, but she won’t even consider him!"

"I’ll never understand it! And I refuse to do so. Hooking up with unavailable married men is death. There’s no logic. No responsibility."

"You are so insensitive. What are you a non-living thing? Purchase your own husband & get off my cousin’s. It’s never too late to change."

"’But he was the 1 that chased me!’ Fine! A lot of married guys chase women, & married men knw very well how to chase em. But are you stupid?"

"Once you bite, the chase will be over for him & you will find it difficult to give him up. Think he’ll give up leave his family for you? Think!"

"I was a wife half of my life & I know exactly how married women feel. #smh I have no interest in cheaters. Cheaters on deserves cheaters."

"Don’t cheat on your wives if you don’t want to be cheated on. What goes around, comes back around. Respeto lang."

"You already have the SUN— the biggest star in the universe in the palm of your hand, what are you doing w/ a dead star? :p

#blackholealert"

"I feel better now. Haha! Sorry.:p I think married ppl should protect their relationships, most especially the ones with kids..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag mahuli kayo ng mga anak nyo mag-cheat, ang mag su-suffer psychologically ay sila rin, kawawa naman. ’Wag naman. ’Wag kang selfish."


"GO BACK HOME." Bandang gabi naman kahapon, patungkol sa pagiging makasarili at pagbabalik ng tinutukoy niyang "Brother" sa kanyang "wife."

"But it is a fact that focusing on yourself will always get you into trouble of some kind."

"Jesus commands us to ’love one another,’ and ’consider others more important than yourselves.’"

"Rem., the Bible says if you lust in your heart you have already committed the sin."

"Wake up people, before it’s too late. Brother, don’t look away from your God & your wife, but go back home where you belong."

"Good night. Be kind to one another. xoxo"



GENEVA TO KRISTA. Nagpatuloy ang posts ni Geneva sa kanyang Twitter account ngayong umaga, Enero 18.

Dito’y nagbigay siya ng mensahe para kay Sunshine, at sa nauugnay na babae kay Cesar na si Krista.

Ani Geneva, "@shinemontano @iamKRISTAMILLER Good morning cous! I just read this. Please know that you’re a fantastic mom, wife, & daughter, don’t believe otherwise. Krista, just give mu cous what’s rightfully hers, think deep about what you’ve done, apologize, & start anew...it’s never too late to change for the best. My cous has been through so much na... enough of this madness, & please leave her family in peace. Thank you."

"Before you accuse, criticize, and abuse... walk a mile in her shoes."

"Please leave my cousin and her family be. Thanks & Godspeed."

Kasalukuyang kinukuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Cesar tungkol sa isyu subalit wala pang sagot ang kampo ng aktor.

Samantala, pinadalhan na rin namin si Krista ng mensahe sa pamamagitan ng Twitter. Wala pa siyang sagot, pero ang tweet niya two hours ago ay tila patungkol sa isyu: "Misinterpretation leads to wrong accusations. God bless!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang website na ito sa panig ng mga sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN