Rocksteddy vocalist Teddy Corpuz on his showbiz career: “Pang-marathon siya … pang-malayuan siya”

Ipinaliwanag ni Teddy Corpuz ang kaibahan nila ng partner niyang si Jugs Jugueta sa mas kilalang tambalan ng mga beteranong komedyante na sina Wally at Jose: “Kami ni Jugs, mas musikero kami. Si Wally and Jose mas comedian, e. So, yung pagiging komedyante namin ni Jugs, hindi namin siya pinaga-aralan, hindi namin siya kina-career masyado.”


Hindi maituturing ni Teddy Corpuz, lead vocalist ng bandang Rocksteddy, na umaapaw sa projects ang kanyang 2012 bagamat araw-araw siya halos napapanood sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime!

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Teddy sa nakaraang press launch ng Ginuman Fest ng Ginebra San Miguel, na ginanap sa Area05 Superclub, Quezon City, sinabi ng singer/comedian/TV host na sakto lang ang nakaraang taon niya pagdating sa career.

“Career-wise, pagdating sa mga projects, sa mga gigs, sakto lang siya,” panimula niya.

“Hindi siya ganung ka-overflowing, pero when in comes to sa banda kasi namin, tanggap naman namin na hindi ganung kalakas yung band scene right now.

“Hindi siya ganung kalakas. A lot of bands are really gasping for gigs and... sa amin, ang isa sa mga ikinabubuhay namin yung banda naman.

“So, sakto lang yung 2012 namin... ahm, pero hindi siya ganung ka-overflowing, hindi siya ganung ka-sobra.

“Saktong-sakto lang which is masaya naman for us, dahil bukod sa ibang mga banda na struggling right now... kami, at least, sakto lang yung mga gigs namin right now.”

GOING SOLO. Sa pagiging isang solo artist ni Teddy, masasabi ba niyang sakto lang ang career niya nung nakaraang taon?

“As an individual talent, masaya yung 2012. Hindi lang Rocksteddy meron ako, e,” balik-tanaw niya.

“Meron akong Showtime, suma-sideline-sideline rin ako directing music videos, short films, so... okey din yung 2012 specially with the endorsements. Okey rin naman yung mga endorsements lately.

“I think 2013 has higher expectations. Mas mataas na mga projects, mas maraming projects, mas maraming commercials, mas maraming pelikula.

“I guess, mas mataas pa yung ano…mas natatakot ako sa 2013 kasi pataas nang pataas yung level ng showbiz career-wise, e.

“Which is good kasi para sa akin, nag-start out ako 2004-2003 sa kabilang channel, sa GMA 7 with Idol Ko si Kap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maliit pa noon si... baby pa si Sarah Lahbati noon, siya pa yung baby-baby namin nun sa show.

“With Sugo, kasama si Richard Gutierrez. Matagal-tagal na rin ako sa showbiz.

“Maganda for me kasi I look at my career dahil hindi siya spread, e... pang-marathon siya. Pang-malayuan siya. So..ganun naman ang buhay. Hindi naman siya pabilisan, pahabaan siya.

“So, mas masarap yung konti-konti lang, hindi ganung todo. Hanggang sa wala na akong mailabas na bago. Mas maganda yung ganon, for me, ha?”

Paano mo napagsasabay yung singing, acting and hosting na hindi naapektuhan ang alinman sa isa’t-isa?

“Siguro walang ano, e... as of now, hindi ko muna siya pinaghihiwalay actually yung character ko sa Rocksteddy, yung character ko sa Showtime na makulit.

“So, as long as nandun ako sa genre ng gusto kong puntahan which is comedy, okey lang for me.

“Sabi ko nga, hindi pa ako ready mag-MMK [Maalaala Mo Kaya], yung drama-drama... okey akong mag-comedy muna. Comedy-roles, comedy hosting. Hindi pa ako ready mag-seryoso,” amin niya.

THE NEXT WALLY AND JOSE? Marami ang nakakapansing hinuhubog na sila ni Jugs Jugueta (lead vocalist ng Itchyworms) sa Showtime bilang mala-Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga!

Ito ba ang image plan ng Showtime sa kanilang dalawa?

Mabilis na tanggi agad ni Teddy, “Hindi eh! Sa totoo lang, tatlo dapat kami,” eksplika niya.

“Hindi kami Jug and Teddy lang. Meron pang isang band vocalist na nag-decline lang.

“Yung original concept ng Showtime, that was it. Unintentionally, hindi yun ang talagang gustong puntahan namin.

“Basta, malupit! Maganda yung how things turned out na minsan pag nagkikita kami nina Wally, nina Jose... kumustahan, ganyan. Since nasa siyete (GMA 7) naman ako dati.

“Wala, hindi talaga yun ang gustong puntahan nang Showtime. Kung nakikita man ng iba yung resemblance, siguro, nagkataon lang... nagkataon lang siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung doon sa path na yun pupunta yung tandem nila ni Jug, willing ba silang bumangga kina Jose at Wally?

“Willing kaming bumangga? Hindi! Hindi!... Kasi unang-unang mas nakakatawa yung dalawang yun, e,” mabilis niyang inamin.

“I mean, siguro magkakaiba kami ng humor, magkakaiba kami ng taste. Pero para sa akin mas mataas at mas malaki yung respeto ko sa mas mga nauna sa akin.

“So, mas bina-value ko yun. Kung babangga, siguro hindi yun ang intensyon, yung babanggain hindi yun.”

“Sasabayan puwede. Pero I doubt it din kung makakasabay ako kasi titignan ko pa lang yung dalawang yun natatawa na ako, e.

“Parang hindi ganung kataas yung level ng confidence ko right now when it comes to comedy. Mas mataas yung tingin ko sa kanila.

“Bow ako dun sa dalawang yun, sobra. Kahit kami sa Showtime, bow kami sa Bulaga. Lahat... ano lang ito, e... parang wave na sinakyan lang namin.”

Ibig sabihin kung saan sila papunta, sumasabay lang sila sa agos?

“Yes. with one step at a time, one day at a time. Kung saan kami papunta? Magsasama-sama kami, masaya kami doon,” dagdag niya.

“Ang mahirap lang yung wala kang kasama. Alam mo yun? Basta, yung mindset namin just one day at a time.

“Make Showtime one step one day at a time, one rating at a time. Magiging ipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako naapektuhan ng ratings or what.

“Oo, naapektuhan ako pero mas naka-focus kami sa goal, e... which is yung pasayahin lang yung tao right now.”

Ano ba ang kaibahan nila kina Jose & Wally?

“Mas nakakatawa sina Wally and Jose!” mabilis niyang sagot.

“Kami ni Jugs, mas musikero kami. Si Wally and Jose mas comedian, e. So, yung pagiging komedyante namin ni Jugs, hindi namin siya pinaga-aralan, hindi namin siya kina-career masyado.

“Sina Wally and Jose career nila yan. e. Kami, kung ano lang lumabas sa amin kung nakakatawa, nakakatawa! Kung waley, waley!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman lahat sa tropa... yung bangka, hindi naman siya ang laging nakakatawa, di ba?

“Merong mga hirit-hirit yan sa lahat ng magkakaibigan na may nakakatawa. Minsan waley.

“So, for us, hindi kami yung bangka. Ano lang kami, masaya kami kung nasaan kami right now, kung saan nasaan kami right now.

“If people compared us to Wally & Jose, okey lang din. Flattered kami. Good reviews or bad reviews okey lang kami dyan.”

Magsisimula ang Ginuman Fest ngayon January 19 sa Plazuela, Tarlac kung saan maliban sa Rocksteddy at Itchyworms ay makakasama rin nila ang bandang Callalily at Kenyo.

Pagkatapos sa Tarlac, susundan ang Ginuman Fest sa sa Davao (Feb. 1), San Fernando, La Union (Feb. 16), San Pedro Laguna (Feb. 23), Cebu (March 1), Antipolo (March 9), Pampanga (March 16), Tuguegarao, Cagayan (March 22), Kalibo, Aklan (Apr 12), Dasmariñas, Cavite (Apr 19), Lipa (April 26), Solano, Nueva Vizcaya (May 17), Lucena, Quezon (May 24), Naga ( May 31) at Metro Manila (June 8).

Tiniyak naman ni Teddy na hindi maapektuhan ang stint niya sa Showtime kung lahat ng mga nabanggit na schedules ng tugtog nila ay pupuntahan ng kanyang banda.

“After Showtime, aalis kam, ganun lang... Nagawa na namin yan last year.

“Wala, mani-mani lang sa amin yang mga gigs na yan. May pahinga naman kami, Sunday yung rest namin.

“Pero sa Ginuman Fest, allowed naman kaming um-absent sa Showtime e, to give way sa ibang mga gigs namin.

“Saka marami namang puwedeng mag-handle nung part namin. Nandun naman sina Colleen, Ryan (Bang). Hati-hati naman kami sa trabaho, e. Yun ang masarap sa amin, e. Marami kami, kaya puwede namang um-absent,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN