Paulo Avelino on Angeline Quinto’s "class A" description of him: "Hindi naman ako naghahangad na maging ibang tao. Hindi ako naghahangad maging ibang lahi."

Paulo Avelino on growing popularity despite being a young father: “Ang panahon ngayon, nag-iiba na rin, e. Hindi katulad dati na matampuhin masyado yung mga tao, like kung ang isang artista, magkakaroon ng anak o magkakaroon ng nobya na ayaw ng fans, nagtatampo kaagad. And mas open sila. Kumbaga, ang importante sa kanila, yung nakikita nila sa iyo sa screen, kung ano ang pinu-project mo, at kung gaano ka kagaling umarte.”


Hindi pa raw nasasabi ni Paulo Avelino sa totoong buhay ang mga salitang Kahit Konting Pagtingin, na titulo ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN kung saan kasama niya sina Angeline Quinto at Sam Milby.

Hindi pa raw kasi niya naranasang mamalimos o magmakaawa para sa atensiyon at pagmamahal.

“Ako po kasi, kumbaga, magmamakaawa po siguro ako para sa ibang bagay, pero hindi po sa pagmamahal.

“Ang pagmamahal kasi mutual iyan, e.

“Kumbaga, hindi mo kailangang magmakaawa o hindi kailangang magmakaawa ng partner mo para maging kayo,” saad ni Paulo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin noong Enero 16 sa Laffline Comedy Bar sa Timog Avenue, Quezon City.

Maging sa pagmamahal ng fans ay hindi niya kailangang magmakaawa dahil noong lumipat siya sa ABS-CBN ay mas lalo pang dumami ang kanyang mga tagahanga.

Ika nga, “yummy” pa rin ang tingin ng marami sa kanya kahit na nagbunga ng isang anak ang relasyon niya kay LJ Reyes.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Ang panahon ngayon, nag-iiba na rin, e.

“Hindi katulad dati na matampuhin masyado yung mga tao, like kung ang isang artista, magkakaroon ng anak o magkakaroon ng nobya na ayaw ng fans, nagtatampo kaagad.

“And mas open sila. Kumbaga, ang importante sa kanila, yung nakikita nila sa iyo sa screen, kung ano ang pinu-project mo, at kung gaano ka kagaling umarte.”

LEADING MAN STATUS. Hindi rin niya kailangang mamalimos ng project sa ABS-CBN dahil kusa nang dumarating ang mga ito sa kanya.

Matapos ba namang kilalanin siya bilang Breakthrough Actor of 2012 dahil sa napakahusay niyang pagganap bilang Nathan sa phenomenal teleseryeng Walang Hanggan, kaya siguradong masusundan ito ng mas marami pang proyekto.

Isa na nga riyan ang Kahit Konting Pagtingin, na ipinagpapasalamat nang malaki ni Paulo.

Ano ang feeling na pagkatapos ng kontrabida role sa Walang Hanggan ay isa na siya sa leading men ni Angeline sa Kahit Konting Pagtingin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako siyempre, natutuwa ako,. hindi dahil leading man ako, pero natutuwa ako dahil binibigyan ako ng importansiya ng ABS-CBN.

“Kumbaga, binigyan nila ako ng ganitong role na malaki rin ang responsibilidad ko bilang aktor sa role na ito.”

WORKING WITH ANGELINE & SAM. Ipinagmamalaki rin ni Paulo na makatrabaho sina Angeline at Sam. Habang tumatagal daw ay mas lalo pang gumaganda ang samahan nila.

Ano ba ang nagustuhan niya kay Angeline?

“Sa ngayon, gusto ko yung pagiging natural niya na nakakatawa—na hindi mo maintindihan kung seryoso ba siya o hindi.

“Hindi mo masabi kung kailan hihirit talaga si Angeline. Masaya siyang kasama.”

Maganda rin daw ang bonding nila ni Sam sa set lalo na nga’t gumaganap sila bilang magkapatid sa serye.

“Si Sam naman, ang bonding namin, puro gadgets iyan, puro film, yun ang pinag-uusapan namin.

“Nagpapalitan kami ng mga pelikula. Nag-uusap kami kung ano ang mga bagong lalabas na gadgets.”

“CLASS A” KISS. Sa presscon ay natanong si Angeline kung paano niya ide-describe ang lasa ng halik ng kanyang leading men na sina Sam at Paulo, maging ang halik ni Coco Martin na nakapareha ng singer-actress sa pelikulang Born To Love You ay nausisa rin.

Ayon kay Angeline, “lasang imported” daw ang halik ni Sam, habang “lasang lokal” naman ang kay Coco, at “Class A” naman ang kay Paulo.

Ang halik daw ni Sam ang pinakagusto niya.

Kaya naman natanong ng PEP kay Paulo kung hindi ba sumama ang loob niya kay Angeline.

“Hindi naman. Siyempre personal niyang choice iyan, e.

“Pero ang amin naman, nagtutulungan lang talaga kami sa teleserye at ang pinakaimportante naman is yung onscreen chemistry ninyo.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa “class A” description ni Angeline sa kanyang halik na parang pang-segunda lang?

“Sa akin, wala namang problema kung maging class B man ako o maging class C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero tulad nga ng sabi ko, hindi naman ako naghahangad na maging ibang tao. Hindi ako naghahangad maging ibang lahi.

“Kumbaga, atin ito, Pilipino tayo at, kumbaga, gusto kong makilala bilang sariling atin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN