Atty. Persida Acosta on her flourishing showbiz career: "Hindi naman ako puwedeng maging gaya ni Bong Revilla, Dawn Zulueta... Baka pag yun ang ginawa ko, marami ang mainggit niyan."

Ayon kay Atty. Persida Acosta, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang mga informative legal at public service shows: “Kasi hindi ako after sa bayad or sa talent fee or honorarium.... After ako sa results na ikabubuti ng bayan natin. Dahil public servant ako, e."


Kasalukuyang nire-replay na lang sa TV5 ang legal public service program na Public Atorni: Asunto o Areglo ni PAO (Public Attorney’s Office) Chairwoman Atty. Persida Acosta.

Bagamat wala pang malinaw na advice ang Kapatid Network sa magiging estado ng TV career ni Atty. Persida, wala naman daw siyang nararamdamang hinampo sa istasyon kung sakaling hindi na magkaroon ng Book Two ang kanyang nasabing programa o di kaya’y magkaroon ng panibagong show.

“Hindi naman,” nakangiting bungad pahayag ni Atty Persida, “ kasi na-promote naman ang advocacy namin na mediation.

“Saka, iniisip ko na nasa gobyerno ako, kaya wala akong karapatang ma-disappoint sa kanila.

“Dapat nga maging thankful ako dahil nagkaroon ng pagkakataon na ma-cover yung programa namin.

“Kung meron man silang naging pagkukulang sa akin, e, pinatatawad ko na sila... ganun lang yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Persida sa kanyang opisina sa PAO, Quezon City noong Lunes, Enero 14, para kumustahin ang magiging kahihinatnan ng kanyang showbiz career sa taong ito.

Nakumusta nga namin ang kanyang show at giniit niyang kahit matagal nang natapos ang taping niya ay hindi siya nasaktan sa pagtatapos ng kanyang tapings.

Eksplika niya, “Kung siguro sa iba talagang masasaktan.

“Pero sa akin, iba kasi ako, e. Ang katuwiran ko, basta yung aking advocacy ko ay napalaganap sa taong bayan... yun lang ang sa akin... public service.

“Ngayon, kung sa tingin ng ibang artista ay hindi maganda yung nangyari sa akin na ginawa nila, nasa sa kanila yun.

“Pero sa akin, walang masamang tinapay. Lahat ay mabuti para sa akin.”

NEW OFFERS. Ano po ba ang mangyayari sa naumpisahan nang showbiz career ninyo ngayong 2013?

“Merong mga offer sa akin na mag-special participation ako sa mga movies. Pero puro mga plans pa lang yun,” kuwento ng abogada.

“Lalabas ako mismo. In fact, meron na akong kopya ng isang script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maaaring gumanap ako bilang isang prosecutor. Doon sa isa, bilang isang doctor.

“Pero puro mga special participation. Kasi hindi naman ako puwedeng maging gaya ni Bong Revilla, Dawn Zulueta.

“Baka pag yun ang ginawa ko, marami ang mainggit nyan? May trabaho ako dito, e.

“Siguro yung mga shooting na pang-dalawang gabi, okey na,” saad niya.

Hindi ba posibleng silipin siya ng Malacañang o ng mga detractors niya sa pagpasok niya sa acting?

“As long as walang conflict sa trabaho mo at hindi masasabing double compensation.

“May mga rules diyan na dapat sundin at saka nagbabayad ka nang tax... tamang tax.”

Kung sakali mang lalabas kayo uli sa telebisyon bilang regular host o di kaya ay sa pelikula, hindi pa rin kayo tatanggap ng talent fee? Honorarium pa rin po ba?

TALENT FEES. Sa hosting stints ni Atty. Persida sa Face to Face at sa Public Atorni, honorium lang ang gusto nitong tanggapin at mahigpit itong tumatanggi sa talent fee.

“Lahat ng mga kumausap sa akin, dapat talent fee talaga.

“Dahil ganun din namang tax, pareho rin naman. Babagsak rin sa 32 percent. Kasi ang aking tax na binabayaran sa gobyerno ay 32 percent.

“Nasa bracket ako ng 32 percent. Yun pa rin ang binabayaran ko. So, bakit hindi na lang talent.

“Pag honorium kasi, nababarat. Pag talent fee, hindi puwedeng baratin kasi may range yan, e.”

Sa muli niyang paglabas sa telebisyon bilang main host o regular show, magpapa-charge na po ba kayo ng talent fee?

“Dalawa na yung nag-volunteer na maging talent manager. So, siguro... pag-uusapan.

“Para sa akin come what may, e. Kung ano ang kalooban sa akin ng Diyos, kung may career, yun ang mangyayari.”

DARLING OF THE PRESS. Aminado naman si Atty. Persida na nagugustuhan na niya ang mundo ng showbiz.

“Masarap kasing kaibigan ang mga taga-showbiz,” bulalas niya agad nang nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaya ninyo,” tukoy niya sa aming press, “masarap kayong magmahal.

“Pag alaga ninyo ang isang icon, hindi ninyo pababayaan.

“Gaya ko, ang naging lakas ko sa pagsubok sa akin ng panahon as PAO Chief... kayo rin, nandyan kayo lahat.

“Hindi ako pinabayaan ng media, ng print, showbiz, movie reporters, radio reporters.”

Kaya naman naging Darling of the Press siya ng showbiz media.

“Yun nga po ang pinagpapasalamat ko.

“So, wala akong lakas sa sarili ko lang... parang ang naging lakas ko ay ang pagmamahal at paga-alaga sa akin ng press. Kaya ako grateful.”

Kung dati ang gusto ninyo lang ay maging public service host, bakit gusto na ninyong umarte na rin?

“Kasi best friend ko si Jojie Alonzo (Atty. Jojie Alonzo)... producer na siya, di ba?

“Saka ano rin siya... sa TV talk show host na rin siya…siya ang nag-advice sa akin.”

Bukas po ba kayo sa possibility na lumipat ng GMA-7 o ABS-CBN 2 kung sakaling may offer?

“Sa akin, as long as makakapag-produce ng wide information ang aking programa... yung makakatulong sa mahihirap.

“Kasi hindi ako after sa bayad or sa talent fee or honorarium.... After ako sa results na ikabubuti ng bayan natin. Dahil public servant ako, e.

“Kaya lahat ng award ko... public servant, public service host, public service program, mga ganun...

“Puro mga naka-ugnay sa aking pagiging public servant.”

Kung sakaling babalik raw sa morning show or program si Atty. Persida, wala raw magiging problema sa kanya.

“Okey lang. Two months ako sa Unang Hirit (GMA-7) nong 2004.

“Saka kailan lang, last Friday, nag-Umagang Kay Ganda ako dun sa punto por punto.

“Ako yung nag-explain sa Cybercrime at sa Anti-Voyeurism Law.

“So, in-advice ko yung mga tao na... pag kayo in-love na in-love, huwag na kayong mag-document ng sarili niyo.

“Pag nagkagalit kayo, gagamitin pang pang-black mail sa inyo or nakuhang ex- nung isa diyan... e, gagamitin pa sa inyong pang-black mail!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di magkuhanan na lang kayong naka-damit. Kaysa naman yung ginagawa ninyo in private, kukuhanan ninyo pa.

“May makapulot pa niyan, nakakahiya sa mga anak ninyo.”

Tinanong namin si Atty. Persida kung totoo ba ang balitang kumalat noon na isang PAO Attorney ang humawak ng kaso ni Amalia Fuentes nang magsampa ito ng kaso laban kay Ruffa Gutierrez at sa naka-away nitong tenant ng bahay niya.

Mabilis na sumagot si Atty Persida, “Pina-imbistigahan ko yan... hindi!”

“May sarili siyang private lawyers. Unfair yung pagkakasulat niyan. O baka na-mislead lang.

“Pinaimbistigahan ko yan... nasa diyaryo, nabasa ko.”

SARAH’S CASE. May masasabi naman ba si Atty. Persida tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan ni Sarah Lahbati laban sa GMA-7 at GMA Artist Center?

“Well, kung ano yung kontrata niya, sundin niya. Kasi kung may violation ng contract, may karapatan ang GMA-7 na buweltahan siya.

“Ngayon, kung siya naman ang GMA-7, kumunsulta siya sa abugado... Ganon lang yun, e. Hindi ko kabisado yung kontrata niya kaya mahirap magbigay ng advice.”

Paano kaya yung kaso ngayong naka-alis na ng bansa si Sarah?

Mahahabol pa ba siya ng GMA-7 ngayong naka-file na ang demandang libel at civil case sa young actress?

“Kung exclusive yung contract niya, e, di sumunod siya.

“Kung na-delay na payment ang problema, intindihin mo na lang yung network, sumisingil pa yan ng commercials, e.

“Hindi naman kaagad bayad yan. Saka may accounting division yan e, di ba? Kailangang patient ka rin.”

May karapatan bang tumanggi si Sarah sa kontrata at pumili ng ibang manager?

“Sa bawat kontratang pinag-usapan, yun ang dapat masunod. Unless may violation ang isa’t-isa o sinuman sa kanila.

“Pag may violation, puwede ka nang bumasag dun sa kontrata. Ganun lang yun.

“Pero dapat, pag-uusapan ng lahat. Hindi yung basta magdedesisyon ka na lang ng adverse.

“Kasi yung relationship nagiging strained na kaagad e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tanong mo kanina, nire-replay na lang ang Public Atorni? Sa akin, okey lang.

“So what, kung gusto nilang i-replay? Ang problema lang, gusto ng ibang network kunin, hindi nila makuha dahil nire-replay pa yung aming show.”

“Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi ko kabisado ang contract ni Sarah kaya wala akong masyadong masasabi sa isyu niya.

“Kailangang makuha ko muna yung kontrata nila, mabasa ko at ma-analyze bago ako makapagbigay ng matalinong ano diyan... masasabi.”

Ngayong wala na sa bansa si Sarah at nasa Switzerland na, ano kaya ang mangyayari sa kaso niya?

“Kung wala siya, e hindi siya mahahabol. Puwera na lang kung may extradition-treaty ang Pilipinas sa pupuntahan niya.

“Kung sa Switzerland? Parang wala... kaya nga maraming nagdi-deposit dun, e,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN