Mylene Dizon on her new non-showbiz boyfriend: "Naninimpla pa rin... baby steps ako ngayon. Nandito pa ako sa birth pains ng relationship, kumbaga."

When asked to explain why kiligseryes rate well and are well-accepted by Filipino televiewers, Mylene says, “Alam mo kanya-kanya namang taste yan, e. Sometimes kaya naman successful I think ang isang soap opera sa Filipino culture, we sometimes look for things we can relate to or something that we can feel and sometimes we’re not always on the very, very dark spot in our lives.


Mawala man siyang pansamantala sa showbiz, tiyak na may babalikan palagi si Mylene dahil sa husay at tatak na iniiwan niya sa bawat role na kanyang ginagampanan.

Mapa-bida man o kontrabida, kabilang si Mylene sa mga mahuhusay nating character actresses sa kasalukuyan.

Muli siyang mapapanood ngayon sa seryeng Kahit Konting Pagtingin ng Kapamilya network.

Huling napanood si Mylene sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan kung saan maikli lang ang kanyang naging role bago siya nagdesisyon na mag-lie low at pansamanatalng iwanan ang paggawa ng serye at pelikula.

Sa presscon ng Kahit Kaunting Pagtingin noong Miyerkules, January 16 sa Laffline, agad kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mylene kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan sa mga panahong nagdesisyon siya na magpahinga mula sa showbiz.

“Mabuti naman, heto, work uli... work, work. Nagpahinga ako ng matagal, e," masaya niyang panimula.

"I traveled and I discovered surfing. I really got into it that’s why I’m pretty dark right now.

"Talagang na-in love ako sa kanya [surfing], so I focused on that muna... I was really driven to get into it at first.”

NON-SHOWBIZ BF. Sa huling intereview ng PEP kay Mylene ay nabanggit nito na wala daw siyang boyfriend.

Kung magkakaroon man daw siya ng isang relasyon ay gugustuhin niya itong maging seryosohang relasyon na, lalo’t di na siya bumabata.

Inamin naman sa amin ng aktres na may non-showbiz boyfriend na siya ngayon.

“Mayroon, he’s not from the industry... he’s a businessman. He’s 38, he’s my age," saad niya.

"Okay naman, he’s not from here pero okay naman. Bagu-bago pa lang naman.

“I can’t say na sobrang happy... well, okay lang... naninimpla pa rin, baby steps ako ngayon... unti-unti lang.

"Nandito pa ako sa birth pains ng relationship, kumbaga. We’re adjusting to each other and I’m just happy I’m back working again, full time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kahu-hulihang relasyon ni Mylene ay ang naging pagsasama nila ni Paolo Paraiso kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak.

Ngayong non-showbiz ang boyfriend ng aktres ay wala kayang nagiging problema lalo’t pribadong tao ang bago niyang karelasyon?

“Hindi naman... maraming napapag-usapan... ang mahirap lang, di sila sanay... yung pagiging artista kong lumalabas kahit wala ako sa harap ng camera.

"There are things na nagagawa ko or di ako conscious na di pala sanay ang hindi artista sa ganun.

"Sometimes we’re too loud, pag nagtawanan tayo... grabe, yung mga jokes natin... masasakit ang mga jokes natin.

"Yung baklaan na masakit, pero tayo pinagtatawanan lang natin. Sa mga normal persons, medyo iba,” eksplika niya.

Agad na tinanong ng PEP si Mylene kung nakilala na raw niya ang pamilya ng boyfriend at kung nakilala na rin ba ito ng mga anak niya.

“I know some of the family members but I don’t know all. Kilala siya ng mga anak ko, okay naman," sagot niya.

Sa kabilang dako, kinumusta din ng PEP kay Mylene ang relasyon naman nila ni Paolo.

“Ganun pa rin... same as before nung tinanong mo ako. Wala namang problema, nagkikita kami para sa mga bata and nandiyan siya to support the kids, although more on coz his business is doing very well,” banggit niya.

KONTRABIDA WITH A TWIST. Mapapanood muli si Mylene sa Kahit Konting Pagtingin sa darating na January 21 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Kahit kontrabida muli ang role sa nasabing serye, para kay Mylene ay kakaiba ito sa ibang nagawa dahil light ang tema ng istorya at magaan din ang kanyang pagiging kontrabida.

“Slightly kontrabida pero because magaan na soap opera ito, di ito kasing pisikal gaya ng Budoy at Mara Clara.

"This is a different side of of pangongontrabida... it’s more fun, it’s lighter. I wouldn’t say easier, but nicer to do... maiba lang,” amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman ang creative team ng Kahit Konting Pagtingin na ang tagumpay ng Be Careful With My Heart. Agad naming hiningan ng reaksyon si Mylene kung ano sa palagay niya ang rason at sobrang kinakagat ng tao ang mga kilig serye sa ngayon.

“Alam mo, kanya-kanya namang taste yan eh.

"Sometimes kaya naman successful I think ang isang soap opera sa Filipino culture, we sometimes look for things we can relate to or something that we can feel and sometimes we’re not always on the very, very dark spot in our lives.

"Lalo na ang mga Filipino, we laugh at our misfortunes.

"Things like these in our lives, it really appeals to Filipinos.

"We’re light people naman talaga, marami tayong problema oo... pero madali tayong mapasaya and we can always find yung mga nakakatuwa in any situation that happens to us,” detalyado niyang ipinaliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN