Ryan Agoncillo reveals celebrating after wife Judy Ann Santos’s tax-evasion case was dismissed

“Right after the acquittal, we had a couple of drinks right after just to let off some steam. It was fun!” sabi ni Ryan Agoncillo tungkol sa selebrasyon na ginawa nila matapos ma-dismiss ang tax evasion case ng misis niyang si Judy Ann Santos.


Isa marahil sa mga nabunutan ng tinik sa lalamunan sa balitang pagka-dismiss ng kasong tax evasion ng young superstar na si Judy Ann Santos ay ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Matatandaang ilang taon ding ipinaglaban ni Juday ang kaso sa Court of Tax Appeals dahil sa diumano’y hindi niya pagbayad ng tamang buwis noong 2002.

Sa panayam ng InterAksyon, na lumabas ngayong araw, January 19, inamin ni Ryan na nag-celebrate silang mag-asawa at mga kaibigan matapos mailabas ang desisyon ng korte na pabor sa kanilang panig.

Sambit ni Ryan, "We did! We did!

“Right after the acquittal, we had a couple of drinks right after just to let off some steam. It was fun!”

Masaya raw si Ryan na natapos na ang kaso ng kanyang asawa at handa naman daw silang bayaran at i-settle ang halagang P3.4 million tax deficiency na iniutos ng korte.

Sabi ng TV host-actor, “Walang may gusto ng may kaaway. Walang may gusto ng kaso so whatever needs to be done will be done.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN