Barbie Forteza on choosing between Joshua Dionisio and Derrick Monasterio as loveteam partner: "Ayokong may pakawalan sa kanila, kasi parehas silang importante sa akin.”

Marami ang nagsasabing mayroong namumuong relasyon sa pagitan nina Barbie at ang kanyang ka-loveteam sa Paroa na si Derrick Monasterio. Pero ayon kay Barbie: "Kasi, ayokong ma-pressure kaming dalawa na porke’t magka-loveteam kami, kailangan naming i-push ang lahat ng bagay."


Nahihiya pa si Barbie Forteza nang makita namin ang kanyang mamahaling tsinelas na Louis Vuitton sa taping ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa sa Tagaytay noong Miyerkules, January 16.

Ayaw pa nga nitong pag-usapan noong una dahil baka raw isipin naming masyado siyang maluho.

Pero ayon kay Barbie, mahilig daw talaga siya sa tsinelas kesa sa bag, na siyang hilig naman ng ibang babae.

Matagal din daw niyang pinag-isipan kung bibili nga siya ng LV na tsinelas na nagkakahalaga ng P25,000.

Kuwento ni Barbie, “Luna Blanca ko siya binili. Pero, pinagplanuhan ko talaga siya.

“Hindi siya yung love-at-first-sight na antimano, gusto ko na agad.

“Sabi ko, ’di ba Ma, parang deserve ko naman ang something?’

“Tapos sabi niya, ’sige, ano ba ang gusto mo?’ Tapos, nagbigay lang siya ng limit.”

Dose anyos pa lang si Barbie noong nagsimula siya sa showbiz.

Kinse anyos na siya ngayon. Pero sa edad niya, nakapagpundar na siya ng condo niya at sasakyan.

Pero para kay Barbie, pangatlo pa lang daw na biggest expense niya ang LV na tsinelas.

Sa isang banda, naka-outfit na tila Little Red Riding Hood si Barbie nang datnan namin sa set nila sa Tagyatay at hanggang sa ini-interview na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press din.

Buong akala ng lahat, costume ni Barbie sa Paroa ang red hood niya.

Yun pala, niregalo lang daw sa kanya yun ng designer niya sa show na si Steve Salvador.

Ngayon kasi, napapanood na siya bilang Prinsesa ng Gamoa.

Ayon kay Barbie, “Abangan po na magbabalik Paroa na si Prinsesa Ira.

“Abangan din po ninyo kung paano mangyayari yun at kung bakit. At kung magkikita ba si Iñigo at si Mariposa.”

Si Iñigo naman ay gagampanan ni Derrick Monasterio.

NEW LOVETEAM? Sa ngayon, marami na ang nakakapansin sa closeness at sweetness nilang dalawa ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makausap din ng PEP si Derrick, naikuwento nito na kapag wala silang taping, madalas ay nagpupunta sila sa bahay ng isa’t-isa.

Nagluluto o nagbi-bake raw sila.

Hindi naman ito itinanggi ni Barbie.

Ayon kay Barbie, “Nagluto kami ng lasagna kasi sa kanila, may oven. Sa amin, wala.

“At saka, gusto ko rin magluto ng lasagna. Yung huli, carbonara naman... sa bahay ko naman.”

Sila na bang dalawa?

“No,” mabilis na tanggi naman niya.

Pero siya na rin ang nagsabi na, “Siyempre kayo, iisipin niyo, kami na, di ba?”

Sinang-ayunan naman namin siya lalo na nga at sabi namin sa kanya, nakikita naman sa mga Twittter post at Instagram post niya na madalas sila ni Derrick ang nag-uusap.

Katuwiran naman ni Barbie, “Siyempre, kami kasi ang palaging magkasama kaya wala akong ibang mai-post,” natatawa niyang sabi.

Kung titingnan silang magkasama ni Derrick, mukhang masaya sila sa isa’t-isa.

WHERE’S JOSHUA? Kaya diretso namin siyang tinanong na mukhang wala na si Joshua Dionisio, ang orihinal na ka-loveteam niya, sa sistema niya.

Natatawang napatanong si Barbie ng, “Anong sistema?”

Sabi naman namin, “’Derbie,’ na talaga at wala na ang ’Joshbie?’”

“Konti,” natatawa niyang inamin.

“Ngayon kasi talaga, parang wala ng kahit na anong sign ng Joshbie.

“Hindi na kami nagkakasama kahit saan. Talagang Derbie na talaga.”

Matatandaang napaka-passionate rin ng mga fans ng Joshbie noon.

Nasaan na nga ba sila ngayon?

“Actually, nandiyan pa rin naman sila. Umaasa pa rin sila na talagang babalik ang Joshbie.

“Hindi ko rin naman sila masisisi dahil matagal din kaming nagkasama ni Joshua at medyo maganda rin naman ang naging tandem namin.

“Actually, kahit ako... sayang, e... sayang yung nasimulan na.”

Tinanong namin si Barbie kung sakali kaya at dumating ang pagkakataon na magbalik si Joshua at pamiliin siya ng ka-loveteam sa pagitan nina Joshua at Derrick, sino kaya ang pipiliin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo kasi... parang hindi ako ang dapat na magdesisyon ng ganyan.

“Parehas naman kasi akong okay sa kanila. Wala akong problema sa kanila personally and professionally.

“Parehas ko silang kaibigan... so, wala sa akin ang desisyon.

“Wala ako sa tamang lugar,” sabi niya.

Posible kayang naiisip niyang may masasaktan kung mamimili siya?

“Oo,” pag-amin niya.

“Kung mamimili ka, hindi puwedeng parehas mo silang kukunin.

“May isa lang ile-let go, which is, hindi ko rin naman gusto. Ayokong may pakawalan sa kanila kasi, parehas silang importante sa akin.”

Sa ngayon daw, wala na raw siyang komunikasyon sa dating ka-loveteam.

Sa tanong naman kung ano ang nakita niyang kaibahan ng loveteam niya noon kay Joshua at sa loveteam niya ngayon kay Derrick, natatawang sabi ni Barbie, “Siguro, mas childish ang loveteam namin ni Derrick. Kasi, ang kulit-kulit.

“E, kami ni Joshua, may panahon na seryoso talaga. More on work talaga.”

Masasabi niyang mas nae-enjoy niya ang company ni Derrick?

“Hindi naman, marami rin naman akong natutunan kay Joshua pagdating sa trabaho.

“Kasi siya talaga, ang laking una niya sa akin, so, mas marami siyang alam at mas marami akong natutunan sa kanya.

“Kay Derrick, pagkanta ang natutunan ko sa kanya na hindi ko pa rin naman masyadong na-achieve.”

Kunsabagay, magiging recording artist na nga pala siya.

Natatawang sabi naman niya, “Matagal pa po yata yun.”

Yung loveteam nila ni Derrick na nagsimula sa Luna Blanca at ngayon nga’y nasa panghapong serye nilang Paroa, nakikita kaya niyang posible ring magkatuluyan sa tunay na buhay?

“Hindi, sa ngayon hindi,” diin niya.

“Kasi, ayokong ma-pressure kaming dalawa na porke’t magka-loveteam kami, kailangan naming i-push ang lahat ng bagay.

“At saka isa pa, friendship is more lasting.”

Diretsahan naman naming tinanong si Barbie kung yung mga magulang niya, hindi ba minsan nag-aalala na baka ma-in love na nga siya kay Derrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa naman niyang sagot, “Ay hindi!”

Bakit naman?

“Kasi, si Derrick... ano, e... kapatid.

“Ako, ha... kapatid.

“Kasi, yung sa amin ni Derrick, walang halong malisya.

“Kahit anong ginagawa namin, kahit magkatabi kami o nakikita niyo sa Instagram... siyempre, iisipin may something na.

“Pero kami, kebs,” sabi pa niya.

Pero bukas si Derrick sa pagsasabing may “crush” ito sa kanya.

“Ako rin naman,” sabi ni Barbie.

“Siyempre, napakahusay naman niyang kumanta at saka, nagi-improve na rin po siya sa acting.”

MATTERS OF THE HEART. Masasabing bata pa rin talaga si Barbie sa edad niya. Kung tutuusin, yung edad niya ngayon, sa normal na teenager ay nag-aaral pa lang. Pero siya, tinatanong na tungkol sa lovelife.

Hindi ba siya wina-warningan ng mga magulang pagdating sa bagay na ito?

“Doon naman po ako natutuwa sa parents ko dahil binibigay nila sa akin ang desisyon sa kung ano ang gusto kong gawin,” dagdag ng dalaga.

Napag-uusapan na nila ng magulang niya kung puwede na siyang paligaw, mag-boyfriend?

“Very open ang parents ko. Since magka-loveteam pa kami ni Joshua.

“Kasi, naisip ni Mama na baka may ganoon na nga... kaya mas gusto niya kung sakali, alam niya... kesa yung nagtatago ako... which is, tama naman.”

So, for the record, nagka-boyfriend na ba siya?

“No, hindi pa po,” mabilis niyang sagot pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN