Rodjun Cruz on brother Rayver’s breakup with Cristine Reyes: "Hindi naman siya affected masyado."

Bagamat matagal nang lumalabas sa telebisyon si Rodjun Cruz, ang indie comedy film na I Love You Pare Ko ang unang salang niya sa pelikula. Dito ay gagampanan niya ang isang hunk na object of affection ng kaibigan niyang bading (ginagampanan ni Rocco Nacino).


Bilang nakatatandang kapatid, may pahayag si Rodjun Cruz tungkol sa pinag-uusapang breakup ng kanyang younger brother na si Rayver Cruz sa nakarelasyong si Cristine Reyes.

"Opo, sinabi na po nila [ang tungkol sa breakup], pero actually, as a brother, nirerespeto ko po si Rayver at saka yung desisyon nila ni Cristine," sabi ni Rodjun.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun noong January 18 sa GMA-7 studios matapos ang promo-guesting nila ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa Walang Tulugan With The Master Showman.

Ang promo-guesting sa show ni German "Kuya Germs" Moreno ay kaugnay ng indie comedy film na I Love You, Pare Ko.

Patuloy ni Rodjun, about Rayver and Cristine, "Masaya naman po ako kay Ray dahil siyempre, pinag-usapan naman nila ni Cristine..."

Sa kabila raw ng pangyayari, "Meron din po silang show na gagawin."

Ang tinutukoy ni Rodjun ay ang ABS-CBN primetime soap na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Sa palagay ba ni Rodjun ay nakaka-move on na o agad makaka-move on si Rodjun sa nangyaring breakup?

"Okey naman," sambit niya.

"Hindi naman siya [Rayver] affected masyado.

"Tsaka sabi niya sa akin, yun ang first and last time na interview niya [about the break-up].

"Bilib nga po ako sa kanya, e. At nirerespeto ko rin po yung desisyon niya...

"Sinabi naman nila ni Cristine [sa media] kaya nirerespeto ko yung desisyon nila."

Definitely, ayaw na ring mag-comment ni Rodjun sa iba pang nagsasangang issue ngayon, tulad ng bulung-bulungang "ugnayang" Cristine at Derek Ramsay.

Sabi lang ni Rodjun, "Ako, pag may nagtanong din sa akin... siyempre, respeto ko din yun kay Rayver.

"Ayoko na ring magsabi, ’O, ano?’ Basta ang importante, masaya si Rayver, di ba?"

Ano sa palagay ni Rodjun ang mas matindi para kay Rayver: ang breakup nila ni Sarah Geronimo o ang paghihiwalay nila ni Cristine Reyes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa nang bahagya ang young actor at sinabing, "Hindi ko po alam."

DEBUTING MOVIE ACTOR. Malaon na ngang napapanood si Rodjun sa telebisyon, pero maraming kabataang fans ang posibleng hindi nakakaalam na ngayon lang siya mapapanood sa big screen—sa pamamagitan ng isang indie film.

"Oo, first time ko talaga magkaroon ng movie," sabi ni Rodjun, na masaya raw siya sa unang pagbibida sa pelikula.

Pero ang gay role na napunta kay Rocco sa I Love You, Pare Ko ay una raw inisip para gampanan ni Rodjun. Si Neil "Buboy" Tan ang nagdirek ng pelikula.

Sabi ni Rodjun, "Siyempre po, professional naman kami ni Rocco, kung ano yung ibinigay sa amin na role, gagampanan namin."

Sakaling siya ang napili sa role na gay, o kung may iba pang offer na gay role in a future project, handa na ba si Rodjun?

"Oo naman," paniniyak ng aktor.

Gaano naman ka-intimate ang scenes nila ni Rocco, bilang screen "lovers"?

Ayaw magdetalye ni Rodjun.

Sabi niya, "Yun ang dapat nilang abangan. Interesting!

"Kaya kahit sa trailer, konting clips pa lang dun sa YouTube, matatawa ka na!

"Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng pamilya o magkaka-barkada.

"Hindi nakaka-offend... at mayroong aral na matututunan dito."

HOMOPHOBIC? Ano naman ang masasabi ni Rodjun tungkol sa mga gay, bading, homosexuals, o mga kabilang sa tinatawag na "third sex"?

"A, siyempre, nirerespeto namin lahat.

"Pare-pareho naman tayo and kanya-kanyang gusto lang ’yan sa buhay, kanya-kanyang opinyon. Pero nirerespeto ko lahat."

Naging "homophobic" ba si Rodjun at one point in his life?

"A, wala... hindi naman po ako... nirerespeto ko po sila, at saka marami po akong kaibigan [na gay].

"Sa totoo lang, wala naman po akong bad experience sa mga gays po.

"Kasi, lumaki din po ako sa showbiz industry... na marami pong respetadong gays.

"Basta ako, nirerespeto ko yung bawat opinyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, siyempre, lahat tayo, tao lang. Kanya-kanyang anu-ano [opinyon] lang po ’yan."

"RORO" LOVETEAM. Earlier, sa taped as live guesting nina Rodjun at Rocco sa show ni Kuya Germs ay masaya ang naging biruan habang ini-interview ang dalawang young actor.

Sabi ni Rodjun tungkol sa kanilang pelikula, "Ito yung dapat nilang abangan. Dahil ito yung pinakabagong loveteam—RoRo loveteam!"

Kinuha sa unang dalawang letra ng first names nina Rodjun at Rocco ang "RoRo."

Bukod sa indie comedy film, Rodjun is into series of TV guestings, tulad ng ginawa nila ng kapatid na si Rayver sa Maalaala Mo Kaya late last year.

After I Love You Pare Ko’s showing on February 6, may Valentine show sila ni Edgar Allan Guzman sa Music Box; at magku-concert din si Rodjun, kasama ang Sakto Boys, sa March 23, sa Metro Bar.

"Sana po, suportahan ninyo ako. For ticket inquiries, please call 09225558471," pag-inform pa ni Rodjun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN