Shalani Soledad-Romulo on persistent preggy question: “All in God’s time... kung kailan ka bibigyan.”

Hindi kinumpirma ni Shalani kung makakasama siya sa bagong noontime show ni Willie Revillame na Wowowillie, na magsisimulang ipalabas sa January 26


Magbabalik-telebisyon ang TV5 game show na Game ’N Go sa reformatted version nitong Game ’N Go All Stars, at kasama pa rin dito si former Valenzuela Councilor Shalani Soledad-Romulo.

Ang butihing maybahay ni Pasig Congressman Roman Romulo ay tatakbo bilang Congresswoman ng 2nd district ng Valenzuela.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magandang public servant/game show host sa kakatapos na Go5! trade launch nitong nakaraang Martes, January 15, ibinalita nito ang pagbabagong aasahan sa kanilang programa.

Detalyadong sabi ni Shalani, “It will be launched on the 27th of this month. It will be all-star!

“That means lahat ng mga magiging contestants namin... all of them are celebrities.

“Of course, nandun pa rin sina Edu Manzano, Joey De Leon, Gelli De Belen, Arnell Ignacio and Daniel Matsunaga.”

Excited si Shalani sa pagbabalik ng programa dahil nangangahulugan daw ito na mas maraming magiging kaganapan sa show na ikatutuwa ng lahat.

CONGRESSIONAL BID. Pagdating naman sa kanyang political career, umaasa si Shalani na muli siyang tatanggapin ng kanyang mga kababayan.

“Sana, sana... because I already filed my candidacy for Congress sa 2nd district [Valenzuela], so sana maging successful yung bid natin for Congressional seat.”

Tungkol naman sa kanyang personal life, umaasa naman si Shalani na magkaroon na sila ng supling ng mister niyang si Congressman Romulo.

“Sana magka-baby na this year. Since we got married we really want it to have a baby. Sana this year,” hiling niya.

WOWOWILLIE. Kabilang sa mga ipinakilala ng TV5 sa kanilang trade launch ay ang pagbabalik ng show ni Willie Revillame sa reformatted game concept na Wowowillie.

Dahil dito, naitanong namin kay Shalani kung hindi na ba siya babalik para mag-co-host dito?

“Yes, Wowowillie will be seen again on the 26th… so, sana abangan rin ng lahat ng ating Kapatid.

“In fact, I guested during the Christmas episode of Wil Time Bigtime and masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s so nice to see all of them again, because they’ve been my family for sometime also.

“And masaya... it’s nice going back and it’s nice seeing all of them again,” banggit niya.

Babalik ka na ba?

“Basta’t nag-guest ako sa Christmas episode. So, far, wala namang ibang sinabi sa akin.

“Basta, yung Christmas episode I had fun seeing all of them again,” nakangiti niyang saad.

Pero willing ka na bumalik sa showbiz in case na may offer sa iyo para dito?

“I have always loved my Wil Time Bigtime family naman. So, let’s see. Mahirap naman sagutin yan kasi wala naman silang sinasabi,” paliwanag niya.

CAMPAIGN PERIOD. Ibinalita ni Shalani na magsisimula ang kampanya ng mga tatakbo sa pulitika sa March 29.

Ibig sabihin, ito raw ang simula ng pag-house-to-house ng mga kakandidato para ikampanya ang kanilang mga sarili.

Hindi ba masasagasaan ang show mo kapag nagsimula na ang campaign period?

“Yes, pagdating nang March 29 I have to comply with what is mandated by the Comelec," paglinaw niya.

“I think there will be a ban yata on all candidates who have already filed their candidacy.

“So, may ban yata in terms of coming out or appearing yata on television.

“So, I still have to check on it kung ano ba talaga yung provision. But of course, I have to comply kung ano yung prescription ng Comelec.”

PREGGY WHEN READY? Natawa si Shalani nang mausisa uli namin ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Tinanong namin ang magandang TV5 talent kung bakit natatagalan siyang magbuntis?

“Hindi ko alam... hindi ko rin alam,” nangingiti niyang sabi.

Hindi kaya pareho silang busy ng kanyang mister?

“Siguro. Pero since after the wedding, we really wanted to.

“Hindi naman kami nagpa-family planning. Wala naman... basta, we really wanted to have a baby,” ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala namang problema sa isa sa kanila ni Congressman Romulo?

“Ah, wala naman siguro,” sabay tawa niya.

Hindi pa ba kayo nagpapa-check up?

Sa pinakahuling interview namin sa iyo nung i-launch ang Game ’N Go last year, sinabi mong pag hindi pa kayo nakabuo ng baby ni Pasig Congressman, magsi-seek kayo ng clinical advice.

“Ahmm, wala pa. My friends have been asking me to have a check-up daw.

“In fact, sabi ng Tita ko last year magpi-Fiesta yung Obando so, sabi niya sa akin, ’Shalani, nag-reserve na ako ng slots para sa inyo sa Obando.’

“So, at that time... siyempre, natatawa ka lang.

“’Tita, wala pa naman kaming one year na kasal. So, hindi pa kailangang sumayaw.’

“Ang Obando, sometime May yun, e,” kuwento niya.

Walang pinaplanong dami ng anak ang gusto ni Shalani. Aniya, kung ano raw ang ibigay sa kanila ng Diyos, pero sabi rin niya huwag naman daw masyadong marami.

“Huwag naman sobrang marami dahil magastos rin yun,” bulalas niya.

Naniniwala ba siya na kapag nagsayaw siya sa Obando magkaka-baby ang isang couple?

“Ay, ako I believe in the power of prayers," diin niya.

"Siguro, kung ano ang ipinagdadasal mo, kung makakabuti sa iyo, siguro ibibigay rin sa akin.”

Pero di ba dapat kapag nagbuntis, total rest?

“Marami,” mabilis niyang sagot, “May nagsasabing total rest, kailangang magpa-check up ka.

“Marami. Kailangan ganito... kailangan ganyan. Siguro in due time.

“All in God’s time. Kung kailan ka bibigyan.”

Hindi ba kayo nadi-disappoint or nalulungkot dahil matagal ibigay ang inaasam ninyong supling ni Congressman Romulo?

“Ahmm... hindi naman. Kasi we believe in proper time kung kailan ito ibibigay sa iyo.”

Kahit first time na magiging mother kung saka-sakali si Shalani, alam niyang magiging mabuti siyang ina at maaalagaan niya ang kanyang anak.

Anya, naniniwala siyang merong mother instinct ang bawat babae na kusang lalabas para maalagaan niya ang kanyang mga magiging anak..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kaya kung dumating ang baby bago o sa mismong araw ng kampanya?

Hindi ba ito magkakaroon ng problema sa kanyang pangangampanya at pagbubuntis niya?

“Ah, let’s see... it’s hard to answer, pero sana whenever that time happens, sana kayang-kaya lang,” saad niya.

HONEYMOON. Wala pa ba silang honeymoon?

“Meron actually... after the wedding," sagot niya.

“Pero it was short-lived lang. Kasi madami ring trabaho sa Manila.”

Sa palagay ba niya kailangan ng bagong environment o ibang atmosphere para makabuo sila ng baby?

“Oh, well... we’re looking forward to have a vacation. So, sometime siguro after the election," asam niya.

“Pagkatapos siguro ng pagka-busy sa eleksyon.

“Yung sa lugar kahit saan siguro, but probably I would love sa beach... dito sa atin.

“Marami namang magagandang lugar dito sa atin... basta yung lugar na puwede ka talagang makapag-pahinga at least kahit three days na wala ka talagang gagawing trabaho.”

Baka naman talagang umiiwas muna sila sa lambingan dahil sa dami ng trabaho?

“Wala, e. I don’t think na maiiwasan mo yun kahit may trabaho,” sagot ni Shalani saka tumawa ng malakas.

BLOOMING. Mula nang mag-asawa ito, kapansin-pansin na mas glowing at blooming ngayon si Shalani. Magaling yatang mag-alaga ang kanyang asawa?

“Thank you,” nakangiti niyang sabi.

Anong naibibigay ng marriage na ito para mas mag-reflect ito sa kanyang magandang aura ngayon?

“Siguro confidence... confidence in the sense that... knowing that whatever you do, you still have someone na kasama mo.

“Parang, whatever decisions you make, meron ka na agad kakampi, automatic na kakampi.

So, that’s confidence.”

Paano ba si Congressman Romulo bilang asawa? Bilang lover? Bilang boyfriend?

Natawa muna si Shalani bago nagsalita, “Actually, si Roman mabait.

“He takes your feelings into consideration.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN