Derrick Monasterio on level of friendship with Barbie Forteza: “Nandoon na siya sa taas. Espesyal sa akin ang taong ‘yan.”

Ibinulgar ni Derrick Monasterio kung sino ang crush ni Barbie Forteza pero siunundan din niya kung sino naman ang crush niya. Aniya: “Dennis Trillo ‘yan—crush. At saka, wala namang chance na maging sila. At saka ako, may crush din naman ako… si Kendall Jenner [isang American model].”


Nagpanggap na si Derrick Monasterio na isa siyang Gamoa, taong gamo-gamo, para lang makita ang karakter ni Barbie Forteza sa kanilang early primetime series sa GMA-7, ang Paroa Ang Kuwento Ni Mariposa.


Ginawa ito ng karakter ni Derrick dahil sa pagmamahal kay Barbie bilang Mariposa.

Sa totoong buhay rin ba ay mahal niya si Barbie?

Sagot ni Derrick, “What we have is special.

“Kumbaga, na-reach na namin ang pinaka-topmost ng friendship namin.”

Ano naman yung "topmost" na yun?

“Kumbaga, sobra—as far as being friends.

“Di ba, may mga level ang friendship? Nandoon na siya sa taas.

"Espesyal sa akin ang taong ‘yan,” tuloy niyang esplika.

Friendship lang talaga? Sa mga online accounts kasi ng dalawa, parang sila na lang ang palaging magkasama at magkausap.

“Siguro po kasi, masaya kami sa isa’t isa... Naka-naman! Isa’t-isa!” natatawa niyang sabi.

Patuloy niya, “Siguro po kasi, palagi namang may topic at palaging interesting ang pinag-uusapan namin.

“Usually po si Barbie, yung mga pinag-uusapan namin, mga crushes niya.”

Sino ang crush ni Barbie?

“Si Dennis Trillo po.

“Kapag nila-like nga po ni Dennis Trillo ang picture niya sa Instagram, sumisigaw ‘yan,” pambubuko ni Derrick sa ka-loveteam.

May selos ba siyang nararamdaman ‘pag ganoon si Barbie?

“Wala… Dennis Trillo ‘yan—crush,” pasintabi niya sa tanong namin.

“At saka, wala namang chance na maging sila.

“At saka ako, may crush din naman ako… si Kendall Jenner [isang American model].”

Sa seryosong usapan, nililigawan nga ba niya ang ka-loveteam sa Paroa?

“Hindi naman sa nililigawan, pero talagang ine-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa.

“Tipong kapag kasama mo si Barbie, wala kang boring time, yung ganoon.”

GOODBYE, JOSHUA? Nang dahil ba kay Derrick ay nakalimutan na nang tuluyan ni Barbie ang orihinal niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio?

“Hindi naman sa ganoon... ano ba, nakalimutan na ba?” tanong din ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, hindi naman. Hindi ko alam kung bakit.

“Siguro kasi, busy rin si Joshua sa buhay niya ngayon.

“Hindi ko alam kung nagko-communicate sila.”



LOVETEAM. Kumusta ang loveteam nila ni Barbie, ang “Derbie?”

“Ay, so far, so good po,” sambit ni Derrick.

“Akala po namin noong Luna Blanca, kung hindi tinangkilik, wala nang kasunod.

“Pero tinangkilik pa siya at dumami pa nang dumami—yung mga fans club.”

Wala bang nagagalit na mga JoshBie (Joshua-Barbie) fans kay Derrick?

“Wala na,” sagot niya. “Nagagalit na sila kapag pine-pair kami sa iba.

"Pero may ilan-ilan na solid JoshBie pa rin. Hindi mo naman po maiaalis yun.

“Pero, nakakuha na rin po kami ng mga ganoong fans na nakikipag-away.”

Muli namin siyang tinanong kung talaga bang hindi siya nanliligaw kay Barbie dahil iba na ang sweetness at closeness na nakikita sa kanila.

Sabi ni Derrick, “Sa ngayon, hindi po talaga.

“Kasi, alam ninyo po ang kasabihan na kapag mag-dyowa kayo at naghiwalay, wala na yun. Pero kapag magkaibigan kayo, long-lasting ‘yan.

“Kumbaga, mas okay na magkaibigan na kami kesa magkahiwalay kami nang hindi okay.”



BEA BINENE. Sila ni Bea Binene ang dating magka-loveteam din at nabalitang niligawan niya ito noon.

“Hindi naman po niligawan,” natatawang paglilinaw niya.

“Nagbigay lang naman po ako ng gift.

"At saka, kami naman po ni Bea noon, magka-loveteam. Yun lang po.”

Pero hindi na sila naging okay ni Bea?

“Yun lang po,” diin niya.

Bakit hindi na sila naging okay?

“Hindi naman po. Well, feeling ko lang po, masyado silang naging focused sa buhay-buhay nila.

“Nakalimutan na ang kaibigan... ganoon lang po yun. Siyempre, naging busy sila.”

Yung sa kanila ni Barbie, saan niya nakikitang papunta ang closeness nila? Masasabi niya bang “exclusively dating” na sila?

“Hindi po namin tatawaging dating iyon.

“Minsan po kasi, hobbies naming dalawa… pupunta kami sa bahay ng isa’t isa, magluluto kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, walang malisya sa akin na nanliligaw ako.

“Gusto ko lang pong maging masaya sa buhay na napu-fulfill niya po.

“Pero hindi po panliligaw yun,” diin niya.

EXCHANGE GIFTS. Nagpalitan ng mga regalo noong Pasko sina Derrick at Barbie.

Niregaluhan daw niya niya si Barbie ng make-up kit at make-up brush at pabango at Ray-Ban glasses naman ang regalo ni Barbie sa kanya.

“Actually, ni-research ko talaga ang regalo sa kanya kasi si Barbie, very specific ‘yan sa gusto niya,” sabi ni Derrick.



SARAH LAHBATI. Sa isang banda, naalala ng ilang entertainment press na naging vocal noon si Derrick na crush niya si Sarah Lahbati.

Tiyak na aware din siya sa mga nangyari sa young actress dahil sa pareho silang under GMA Artist Center, kaya hiningan din namin siya ng pahayag tungkol sa isyu kay Sarah.

Sabi ni Derrick, “Alam ko naman po na kaya niyang ayusin yun sa sarili lang niya.

"Siyempre, alam po natin na mabigat ang pinagdadaanan niya.

"At saka ako naman, kilala ko naman si Sarah.

“At feeling ko, above all, mahal niya ang career niya. Hindi niya kinaya ang mga pressure kaya siguro siya umalis.”

Crush pa rin ba niya si Sarah?

“Magaling siyang artista, maganda. Oo, crush pa rin, hinahangaan.”

Bilang isa rin sa mga GMA Artist Center talent, may natutunan ba siya sa pinagdaanan ni Sarah?

“Siguro po, ang natutunan ko, parang susunod ako sa policies ng Artist Center.

“Yun po ang pinirmahan kaya yun din ang susundin para wala pong magulo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN