(UPDATED) ABS-CBN confirms Maricel Soriano is out of Gerald Anderson teleserye


Naglabas na ang ABS-CBN ng opisyal na pahayag kaugnay ng insidenteng naganap sa pagitan nina Maricel Soriano at Gerald Anderson sa first taping day ng ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Sa text message na ipinadala ni ABS-CBN Corporate Communications Head Bong Osorio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bandang alas-siete kagabi, January 21, dalawang bagay ang nakumpirma:

Una, tuloy pa rin ang taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Pangalawa, hindi na kasama sa cast si Maricel.

Ayon sa statement, napagkayarian ng ABS-CBN management at ng management team ni Maricel na hindi na isali sa cast ang aktres dahil sa "unfortunate incident" na naganap sa kanila ni Gerald sa first taping day ng programa nila.

Hindi binanggit sa maikling statement kung sino ang papalit sa role ni Maricel.

Ngunit ayon sa napag-alaman ng PEP, si Dawn Zulueta ang binigyan ng role na iniwan ni Maricel.

Narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN:

"Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano on the first taping day of ’Bukas Na Lang Kita Mamahalin,’ ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled."

STAR MAGIC STATEMENT. Kaugnay ng isyung ito, naglabas din ng statement ang Star Magic, ang talent management division ng ABS-CBN na namamahala sa career ni Gerald.

Sa statement na inilabas sa media ngayong araw, January 22, ipinagtanggol ng Star Magic si Gerald.

Kumpiyansa raw sila hindi lamang sa kakayahan ni Gerald bilang aktor, ngunit pati na ang "unassailable personal character and professional behavior" nito.

Idiniin din nila na ang pagkakatanggal ni Maricel sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin "were not provoked or instigated by Gerald in any manner."

Narito ang kabuuang statement ng Star Magic:

"Star Magic has the utmost confidence not only in Gerald Anderson’s exceptional ability as an actor, but also in his unassailable personal character and professional behavior. The incidents that led to the removal of Maricel from Gerald’s latest telenovela were not provoked or instigated by Gerald in any manner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN