Senator Jinggoy Estrada on Senate funds distribution: “Hindi year-end bonus iyon—iyon ay realignment.”

Inamin ni Senator Jinggoy Estrada na tinanggap at ginamit niya ang MOOE fund realignment. Pahayag niya, “In my case, ginamit ko yung P1.6 million sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyong Pablo… sa mga nasunugan sa San Juan… sa mga nagri-reasearch na staff sa akin.”


Panauhing pandangal at inducting officer sa oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Senator Jinggoy Estrada.

Ginanap ang oathtaking kagabi, Lunes, January 21, sa Choi Palace Seafood Restaurant, Eastwood Mall.

Nakapanayam dito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Jingoy.

Saad niya, “Sa dinami-dami ng mga artistang nakapuwesto na laging gumagawa ng pelikula, ako’y madalang nang gumawa ng pelikula pero ako ang napili nila.

“Isang malaking karangalan at ako’y natutuwa.”



SENATE “COUP.” Bago dumalo si Senator Jinggoy sa induction ng PMPC officers kahapon, nagkaroon ng isang malaking balita tungkol sa kaganapan sa Senado.

Nag-declare si Senator Juan Ponce-Enrile ng vacancy sa posisyon nito bilang Senate President.

Pahayag ni Senator Jinggoy, “Honestly, wala akong alam.

“Hindi ko akalain na magmu-move siya to declare the position of Senate President vacant.

“Kanina, bago ako bumaba sa session hall, kausap ko pa yung kanyang chief of staff. At wala naman siyang sinasabi.

“So nabigla ako noong idinideklara na niya yung posisyon ng Senate President vacant.

“There was never a script...

"According to Senator [Antonio] Trillanes, nagkaroon daw ng script—wala pong script iyon.

“Marami pa ring pabor na manatili si Senator Enrile bilang Senate President.

“And I’m also happy to say that Malacañang is not interfering with the affairs of a co-equal branch of government.”

Nagkausap na ba sila ni Senator Enrile?

“Yes, I went to his office and congratulated him.

“Sinabi ko sa kanya na, Marami pa rin kaming nagmamahal sa inyo.’

“Na, rest assured, that as his deputy in the Senate, I will always be there for him… I will always be supportive of him.”



FUND TRANSFER. Nag-umpisa ang gulo sa Senado nang ibunyag ng ibang senador na diumano’y namudmod ng "year-end bonus" si Enrile sa mga kasamahang malalapit sa kanya.

May mga nananawagan na isauli na lang daw nila yung pera. Ano ang reaksiyon dito ni Jinggoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, hindi kasi nila alam yung puno’t dulo, e.

“May mga senador diyan na inaakusahan si Senate President Enrile na… bakit daw nagbibigay ng year-end bonus.

“Hindi year-end bonus iyon—iyon ay realignment.

“Ang ibig sabihin, realignment ng MOOE o maintenance and other operating expenses.

“Iyan ay continuing budget ‘yan. Puwede mong gamitin sa 2013 ‘yan.

“In my case, ginamit ko yung P1.6 million sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyong Pablo… sa mga nasunugan sa San Juan… sa mga nagri-reasearch na staff sa akin.

“E, bakit yung mga tumanggap noong mga nakaraang taon… noong 2008, 2009, 2010… tumanggap sila ng kanilang MOOE noong year-end, bakit hindi sila nagreklamo noon?

“Bakit legal? Bakit ngayon illegal na?

“At saka dapat, yung mga previous Senate Presidents na nagbibigay din ng year-end MOOE, na hindi naman po cash gifts.

“Dapat they have to defend the Senate President dahil sila ay nagbigay din sa mga kapwa senador.

“In my case, when I became Senator in 2004, it was Senate Pesident [Franklin] Drilon, nagbibigay din siya ng MOOE—wala namang illegal doon.

“Noong 2007, si Senate Pesident Manny Villar, nabibigay din siya ng MOOE—wala namang illegal doon.

“Wala namang nagreklamo na senador, dahil lahat ng senador ay kumuha ng MOOE.

“Walang basehan yung ipinaparatang ni Senator Trillanes—unfortunately, wala.”



FORECAST. May eight session days na lang silang natitira sa Senado, ano pa kaya ang mga mangyayari?

“Wala na siguro,” tugon ni Senator Jinggoy.

“Siguro it’s a crazy idea for anybody, for the Senate, to oust Senator Enrile from office.

“With eight days remaining, before we go into a four-month break.”



CAMPAIGN. During that break, tutulong daw si Senator Jinggoy sa pangangampanya sa anak niyang si Janella na tatakbong konsehal sa San Juan City.

Tutulong din daw siya sa kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada na kakandidato namang mayor ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nora Aunor, na dati’y nakasamaan ng loob ni former President Erap, balitang willing daw mag-campaign para sa kandidatura ng huli.

Sabi ni Jinggoy tungkol dito, “Everybody naman is welcome to help former President Estrada to become the next mayor of the City of Manila.

“E, lahat naman ng tulong, kailangan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN