Patrick Garcia admits rift with Jennylyn Mercado; expecting child with non-showbiz girlfriend

Inamin ni Patrick Garcia na may hidwaan sila ngayon ni Jennylyn Mercado dahil hindi siya nakakapgbigay ng sustento. Pero sabi ng aktor, “We try to settle our differences pa rin. Nasa kanya naman, never naman akong nang-away. Hopefully one day, maging okay kami. One day siguro papayag din siya. We have to settle our differences."


Naging bukas si Patrick Garcia sa media sa presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Apoy Sa Dagat kagabi, January 22, sa Dolphy Theater.

Dito ay inamin ng aktor na may problema ngayon sa pagitan nila ng ex-girlfriend niya at ina ng kanyang anak na si Jennylyn Mercado.

Inamin din ng dating child star na may non-showbiz girlfriend siya at malapit na nitong isilang ang kanilang anak.



JENNYLYN MERCADO. Sa recent interviews ni Jennylyn ay may pahiwatig ito na hindi maganda ang samahan nila ngayon ni Patrick.

Iniiwasan kasi ng Kapuso actress-TV host ang mga tanong tungkol kay Patrick at kung nakakapagbigay ba ito ng sustento sa kanilang anak na si Alex Jazz.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma naman ito ni Patrick sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kahapon.

Inamin din niya na matagal-tagal na niyang hindi nakikita ang anak.

Saad niya, “Hindi ko alam, hindi ko nakikita, e.

“Few months ago, when I was taping for the show, siyempre wala pang pumapasok na pera.

“We had open connection naman first na understand na lang when my money comes in, dun ako magbibigay ng suporta kay Jazz.

“E, wala pa, intindihin mo naman, di ba?”

Nagalit daw sa kanya si Jennylyn dahil dito.

“Oo, nagalit. Hindi niya in-open ang mind niya, napaka-narrow.

“Feeling niya, I was holding back on Jazz—pero I will never do that naman to my son.

“Feeling niya siguro I was holding back to Jazz, na wala akong pakialam—and that’s not true.

“After that, kumbaga, pinagbawalan na ako to see Jazz.”

Sabi pa ni Patrick, “We try to settle our differences pa rin.

“Nasa kanya naman, never naman akong nang-away.

“Hopefully one day, maging okay kami. One day siguro papayag din siya.

“We have to settle our differences."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATRICK MISSES HIS SON. Sinabi rin ng aktor na nami-miss niya ang anak.

“Sobra, gusto ko siyang makasama every time, of course, ayokong lumalaki siya na hindi ako nakikita.

“I love Jazz very much, I miss him, and I want to spend many times with him because I don’t want him to grow up without knowing me.”

Ayon kay Patrick, noong nakarang Pasko niya nung huling makita ang bata sa tulong ng ina ni Jennylyn na si Lydia Mercado.

Kuwento ng aktor, “There was one time nung Christmas, gustung-gusto kong makita si Jazz.

“Siyempre kasi ilang months na rin, tapos Christmas naman, sana makita ko naman.

“Tinext ko si Tita Lydia na kung puwede kong makita, pinayagan niya naman ako.

“But she spoke to me na hindi alam ni Jen.

“I think Tita Lydia is honest naman, after a while, sinabi niya rin kay Jen na nagpunta ako dun—which is the right thing to do.

“Tita Lydia advised me na, ‘Yung problema ninyo ni Jen, kayong dalawa lang ang makakaayos.’

“I’m just waiting for the right timing na I have to approach Jen and tell her we should talk and settle this.

"But the timing is very crucial.

“Gusto ko everything is okay, kung wala na siyang masyadong galit or whatever.

“I think Jen naman is grown up to know that I’m still the father of Jazz and one day her heart will soften and allow me to see my son again.

“Basta ako, I’m always hoping na maayos. I always think positive on things.”

Positibo rin si Patrick nang tanungin ng PEP tungkol sa relasyon ni Jennylyn at ng boyfriend nito ngayon na si Luis Manzano.

“Well, I’m very happy for her naman. Never wish her bad things,” sabi niya.

PATRICK WILL BE A DAD AGAIN. Nang kumustahin naman ng PEP ang lovelife ni Patrick, hindi ipinagkaila ng aktor na may non-showbiz girlfriend siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, I have a girlfriend… non-showbiz.

“Okay naman kami, we’re very happy, magtu-two years na kami.

“Mas di kumplikado, maayos siyempre, walang masyadong intriga. Nagtatrabaho…

"Okay naman siya sa family ko.

“My family naman, kung sino ang napupusuan ko, will be supportive on what I want.”

Hindi rin itinago ni Patrick na nagdadalang-tao ang girlfriend at manganganak na ito sa susunod na buwan.

“Yes, it’s true my girlfriend now is pregnant and we’re happily expecting a baby girl next month.

“It was never a secret, I just don’t want to talk about it. I like my private life private,” saad niya.

Hindi kaya ang pagkakaroon muli niya ng anak ang dahilan kung bakit may pakiramdam si Jennylyn na napapabayaan na niya ang kanyang reponsibilidad kay Jazz?

Tugon ni Patrick, “No, no, I already explained to Jen naman na few months ago, work is scarce, walang masyadong ano.

“Yung suporta ko kay Jazz, medyo nahu-hold back.

"But I explained to her na pagdating ng salary ko, I’ll also give to Jazz naman.

“Feeling niya siguro I was holding back dahil hindi ako nakakapagbigay ng two months.

“Pero nung third month, nakapagbigay ako, pero nangyari na ang lahat.

“Sana if she was just patient and she believed me, what I’m saying is true, sana hindi kami nag-away-away.”

APOY SA DAGAT. May bagong trabaho ngayon si Patrick dahil kasama siya sa serye ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat, na tinatampukan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Napakahalaga raw ng role ni Patrick sa nasabing serye dahil sa kanila mag-uumpisa ang kuwento.

“Very happy and proud kasi napakagandang project and role.

“I play the role of Alberto, sa amin nila Nikki Gil and Empress nag-start yung story.”

Nandun din ang positibong pananaw ng aktor na sana ay simula na ito ng pagiging aktibo niya muli sa telebsiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun naman, up and down. But hopefully ngayon, sana maging tuluy-tuloy.

“I’m more driven now to work.”

Matagal-tagal ding namahinga sa paggawa ng serye si Patrick. Ang huli niya ay ang afternoon soap na Lumayo Ka Man Sa Akin noong 2012.

Hindi kaya siya nanibago sa pag-arte sa harap ng kamera?

“Hindi naman, I have good direction naman with Direk Erick [Salud], hindi ka niya pababayaan.

“I worked with him before, maganda naman ang kinalabasan,” sabi niya.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kina Nikki Gil at Empress, na siyang mga kaeskena niya para sa tatakbuhin ng istorya nito?

“Si Nikki, hindi ko pa nakatrabaho, so first time to work with her… same with Empress.

“They are very good, masarap katrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN