Julia Montes opens up on past relationship with Enchong Dee: “Hindi naman kasi kami totally na kami, hindi namin masabi na hindi.”

Naglabas ng saloobin si Julia Montes sa naudlot na relasyon nila ni Enchong Dee. Sabi niya, “Kasi for me, pagod na akong i-push ang sarili ko sa taong ayaw na talaga. Actually, hindi naman sa ayaw na talaga, yung feeling na wala na talagang kahahantungan.”


Magkasamang ininterbyu sina Julia Montes at Enchong Dee sa Showbiz Inside Stories noong nag-promote sila ng pelikula nilang The Strangers last year.

Dito inilahad ni Echong na nagdesisyon na silang dalawa ni Julia na ihinto muna ang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila

Sa panayam na ito ng dalawa, marami ang nakapansin sa pagiging emosyunal ng young actor, pero siya namang tatag ng young actress sa naging takbo ng usapan.

Kaya tuloy may espekulasyon na malalim talaga ang nararamdaman ni Enchong para kay Julia.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julia noong Linggo, January 20, sa ASAP 18, kinumusta namin sa young actress kung ano ang lagay ng samahan nila ni Enchong ngayon.

Sabi niya, “Okay naman kami.

"Hindi kami nag-uusap... ewan ko kung sino ang dapat mag-decide.

“For me naman kasi, wala naman akong nare-receive, so anong gagawin ko?

“I mean, nare-receive na text or anything na communication, so wala rin akong maibibigay. “



UNAFFECTED. Nagpahayag din si Julia tungkol sa obserbasyon ng marami na halatang hindi raw siya apektado sa sabay na interview sa kanila ni Enchong noon sa Showbiz Iinside Report.

Sabi niya, “Strong lang ako.

“Mahirap kasing ma-explain na na-hurt, kasi maraming factor.

“Hindi naman kasi kami totally na kami, hindi namin masabi na hindi.

"Kasi yung friendship namin, iba rin, e.

“Lumalabas kami noon—nasa malabong stage, malabong usapan, malabong friendship.”



BEST EFFORT. Sa presscon naman noon ng The Strangers, nakapagsalita si Enchong na "it takes two to tango" para mag-work ang isang relasyon. Na dapat daw ay may parehong effort sa parte ng magkarelasyon at hindi sa isang panig lang.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Julia.

Aniya, “Super agree ako, dapat effort talaga.

“Kasi, once na ikaw lang ang nagbibigay ng effort, pag napagod ka… kahit mahal mo pa yung tao or kahit na sinong importanteng tao sa buhay mo, ayaw mo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pahayag ni Julia, hindi niya maisip kung mayroon nga ba siyang naging pagkukulang.

“Ako? Ako pa ba? Ako pa ba ang nagkulang?

“Well, para sa akin, alam ko na ginawa ko ang best ko.

"Hindi ko alam kung ginawa niya yung best niya—ayokong magsalita.

“Kasi ako, ginawa ko kung ano ang dapat kong gawin and, for me, nandoon pa sa level na best effort talaga.”

Sa takbo ng mga salita ni Julia ay lumalabas na nasaktan talaga siya sa kinauwian ng relasyon nila ni Enchong.

Paano niya tinanggap ang kinauwian ng lahat?

Tugon ni Julia, “Kasi for me, pagod na akong i-push ang sarili ko sa taong ayaw na talaga.

“Actually, hindi naman sa ayaw na talaga, yung feeling na wala na talagang kahahantungan.

“For me, everything happens for a reason—kung hindi, hindi.

“Pag sa friendship, pag matatag, iba yung foundation. Kumbaga, yun ang hindi matitibag.

“For me, kung ang friendship mag-i-stay, bongga.

“Para sa akin, oo... ewan ko sa kanya.”

Hindi naman itinago ni Julia na hindi ganoon kadaling mawala ang espesyal na damdamin ng kahit na sino sa isang tao na naging parte ng kanyang buhay.

“Kasi ang feeling naman sa isang tao, hindi naman nawawala basta.

“Aminado naman ako sa lahat ng kaibigan ko, siya rin naman yung tao na nakilala ko.

"So, ayun.”

Dagdag niya, hindi pa siya handa na pumasok sa isang panibagong relasyon.

“No, saka walang relationship… ayokong pumasok sa relationship.



LOVETEAM LAUNCH. Tinatapos ngayon ni Julia ang pelikulang A Moment in Time, kunsaan kapareha niyang muli si Coco Martin.

“Ayun, di pa tapos pero malapit na naman.

“Super-excited kami kasi ibang-iba talaga siya sa Walang Hanggan.

“Di siya yung intense love story, ito yung love story na kikiligin ka. As in, light love story siya.

"Hindi maiiwasan na may mga heartaches din, pero more on light love story siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sana abangan talaga ng mga tao."

May kissing scene ba sila ni Coco dito?

“Abangan nila. Siyempre sobra, kasi first time kong gagawin.

"Kumbaga, ibang level na naman sa Walang Hanggan. Sana magustuhan ng tao.”

Nilinaw uli ni Julia na walang kinalaman si Coco sa paghihiwalay nila ni Enchong, at hindi totoong ang aktor ang third party base sa mga lumabas na balita.

“Wala, hindi talaga siya kasama sa issue.

“Saka wala rin namang rason… walang dapat na rason para ipasok siya."

Nanliligaw ba sa kanya si Coco?

“Ligaw? Wala din. Walang ganoon, trabaho lang, trabaho lang kami.

“Hindi. Super busy din yung taong yun, hindi rin darating sa point na ganoon.

“Walang ganoon, hindi din, iba yung mga lumalabas.

“Actually, natatawa nga kami, ‘O, may issue tayo, ha.’"

Kumusta nga ba ang samahan nila ni Coco?

Sabi ni Julia, “Okay kami, super wala kaming ilangan sa set, super-kumportable na.

“At first, sa Walang Hanggan, may hiya factor pa. Ngayon, wala na, biruan na.

“Minsan, kami na nagdadagdag sa script, minsan walang sinabi si Direk.

“Minsan, out of the blue, naiisip namin, ‘eto na lang—super-kumportable na kami sa isa’t isa.”



DEBUT PREPARATIONS. Kapansin-pansin din ang pagbabawas ng timbang ng young actress.

Ang nalalapit na debut sa Marso ang isa sa pinaghahandaan ni Julia kung kaya’t nagpapayat siya para sa espesyal na okasyon na darating.

“Exercise, saka more healthy lang na pagkain.

“Minsan, nagdya-jogging... iba-iba, e.

“Feel ko kasi, sa time na mag-i-18 na ako, hindi na bagay ang chubby, hindi na dapat ako dapat mag-stay sa baby fats.

“Hindi ko na dapat isipin na, ‘Okay lang ‘yan, baby fats lang naman ‘yan.’

"Dapat pine-prepare ko na ang sarili ko para lang maging maganda.

“Isa rin sa reason yung debut ko. Gusto kong ma-surprise yung mga invited na guests na, ‘Uy, pumayat siya!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdga niya, “Pinag-uusapan pa kung saan talaga yung venue, wala pa talagang detalye.

“More on nagpi-pictorial pa lang kami sa mga invitations… sa program, wala pa.”

Invited ba si Enchong sa debut ni Julia?

“Siyempre naman.

“Lahat naman ng invited sa birthday ko, lahat naging parte ng buhay ko— mapa-good or bad.

“Hindi pa namin napa-finalize, di ko pa alam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN