Jennylyn Mercado’s talent manager tells Patrick Garcia to discuss personal and financial issues with the Kapuso actress-TV host "in private"

Bagamt tumangging magbigay ng pahayag si Jennylyn Mercado tungkol sa mga sinabi ni Patrick Garcia, ang manager ng actress-TV host ay naglabas ng statement upang sagutin ang mga isyung inungkat ng aktor.


Tumanggi si Jennylyn Mercado na sagutin ang naging pahayag ng ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia tungkol sa pagbibigay ng sustento sa anak nilang si Alex Jazz.

Matatandaang inamin ni Patrick sa presscon ng kanyang afternoon soap sa ABS-CBN, ang Apoy Sa Dagat, na may sigalot sa pagitan nila ni Jennylyn dahil hindi siya regular na nakakapagbigay ng sustento sa kanilang anak.

Sabi ng aktor, “Hindi niya in-open ang mind niya, napaka-narrow.

“Feeling niya, I was holding back on Jazz—pero I will never do that naman to my son.

“Feeling niya siguro I was holding back to Jazz, na wala akong pakialam—and that’s not true.

“After that, kumbaga, pinagbawalan na ako to see Jazz.”

(CLICK HERE to read related story.)

Imbes na si Jennylyn ang magbigay ng pahayag tungkol sa mga sinabi ni Patrick, ang manager ng Kapuso actress-TV host na si Becky Aguila ang nagsalita para sa kanya.

Sabi ni Becky, dapat ay pribadong pag-usapan nina Jennylyn at Patrick ang kung anumang hindi pagkakaunawaan nila—personal o pinansiyal.

Pinasaringan din ng talent manager ni Jennylyn si Patrick at ang ina nito dahil sa pagsasapubliko raw ng mga ito ng pinansiyal na tulong na naibibigay nila sa bata.

Ang mahalaga raw ay klase ng relasyon mayroon si Patrick sa kanyang anak.

Dapat daw itong simulan ng aktor sa pagbibigay-respeto sa ina ng kanyang anak, “who by the way is trying her very best to raise your son in a healthy environment despite the negative effects of your publicised comments.”

Narito ang kabuuang pahayag ni Becky na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text, ngayong hapon, January 24.

“Whatever personal conflicts or financial issues you may have with Jennylyn, it should be discussed in private for Jazz’s sake. It doesn’t matter how much financial assistance you give to your child and how easy it is for you and your mom to flaunt it in public because, by the end of the day, what is most important is the quality of relationship you have with your child, and that starts with giving respect to the mother of your son who by the way is trying her very best to raise your son in a healthy environment despite the negative effects of your publicised comments.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN