Tanya Garcia reveals plan to undergo medical procedure to assure male offspring

Ito ang dahilan ni Tanya Garcia kung bakit gusto niyang sumailalim sa in vitro fertilization: “Kasi thirty-one na ako, e, papaano kung girl na naman? Siyempre, ang asawa ko, hindi naman titigil hangga’t hindi nagkaka-boy.”


Nagkatuwaan sa set ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa nang bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Press) at iba pang reporters sa taping nila sa Tagaytay noong isang linggo.

Habang nakikipagkuwentuhan ang press kay Tanya Garcia, nabansagan siyang isa nang “veteran”—na ikinatuwa naman ng kasamahang si Barbie Forteza.

Sa pagbaling ng press kay Tanya, natatawa pa rin si Tanya na nag-react sa narinig.

Sabi ng 31-year-old actress, “Sobra naman, bata pa ako! Kaya nga ’girl friend’ ang tawag ko sa kanya.

“Pero puro bata nga kasi ang kasama ko dito.”

Hindi na bago kina Tanya at Barbie na magkasama at gumanap na mag-ina, tulad na lang sa afternoon soap na Ikaw Lang Ang Mamahalin (2011).

“Actually, Nita Negrita pa lang dapat, kaso bagong panganak ako noon... hindi ko pa kaya noon.

“So, sa Ikaw Lang Ang Mamahalin lang.

“Sa susunod daw niyang project, ako pa rin ang nanay niya!” natatawang kuwento ni Tanya.

“Gusto mo yun, palaging nanay?” tanong pa niya sa amin.

Okay lang ba na mother roles na ang ginagampanan niya?

“Niloloko ko nga si Ms. Lilybeth [Rasonable, GMA-7 executive] noong magkausap kami.

“Sabi ko, ‘Magpapa-botox na nga po ako.’

“Tapos sabi niya, ‘Bakit?’

“’E, kasi, puro mother roles ang ibinibigay ninyo sa akin.’

“Pero sabi niya, ‘Hoy, hindi! At saka, mother ka naman na hindi tumatanda.’

“Kasi nga rito sa Paroa, hindi naman tumatanda yung karakter ko.”



STAR STATUS. Ang dating ka-loveteam ni Tanya na si Dingdong Dantes ay itinuturing na ngayong isa sa mga nangungunang leading men sa Kapuso network.

Minsan ba, hindi naiisip ni Tanya na maaaring inabot din niya ang ganoong status kung hindi siya nag-asawa agad?

“Si Dong naman kasi, ever since, yung career niya, paakyat.

“May mga artista kasing ganoon na meron silang focus. At saka ‘eto talaga ang gusto nilang ma-achieve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman talaga, ever since, from the start, hindi ko rin naman nakikita na doon papunta, pa-superstar.

“Pero, happy ako. At least, may work.

“Ang dami nga na nawala, bumalik, pero hindi pa rin.

“Meron din na ang tagal na nandiyan, pero hindi pa rin nabibigyan.

“E, ako, ang tagal kong nawala, pero noong bumalik ako at sinabi kong gusto ko na po ulit magtrabaho, meron kaagad.

“Actually, ang suwerte ko kasi noong nag-sign ako sa Viva, in two months time, nagbigay na sila ng project.

“And before that, bago ako mag-sign sa Viva, may mga offers talaga kung kaya ko nang mag-soap.

“Kaya thankful ako sa mga work.”



FAMILY FIRST. Kilala si Tanya na mas prayoridad na niyang talaga ang pamilya.

Pero sa Paroa, napapasabak na siya sa mga taping lalo pa nga’t madalas na sa Tagaytay ang location nila.

Hindi ba siya nagkakaroon ng problema na sunud-sunod ang taping days niya?

“Okay naman, after naman ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, matagal din naman ang rest.

“So, okay lang kay Mark [Lapid, her husband]. Basta, may time kang mag-rest.

“At saka, ang maganda naman sa GMA, kapag nagpapaalam ako, like meron akong kailangan puntahan sa school ng mga bata, sinasabi ko ahead of time.

“Nagbibigay talaga sila ng free time.”



IN VITRO. Dalawa na ang anak nina Mark at Tanya—sina Mischa at Mattie. Pero, gusto ni Mark na magkaroon ng anak na lalaki.

Naikuwento ni Tanya na plano nilang gumawa ng paraan para makasigurong lalaki ang susunod nilang anak.

“Plano namin ni Mark na magpapa-inject na ako mid of this year, yung gender selection.

“Meron na kasi dito. Parang in vitro rin siya.

"Pero rito, puwede kang pumili ng gender ng magiging anak mo.”

Okay ba na ganoong proseso pa ang gawin nila?

“Well, may naririnig kasi ako na parang mag-a-abort ka kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usually raw, apat sa lima ang mabubuo, pero mamimili ka doon kung ano ang boy.”

Hindi kaya delikado rin ang gender selection o baka posibleng may hindi magandang epekto sa baby kapag lumabas na?

“Well, actually, yun din nga ang pinag-uusapan namin.

“Kasi, yesterday rin, kinausap din namin ang isang friend ko at yun din ang sinasabi niya, na mag-research mabuti at pag-aralan mabuti.

“Kasi, meron na nga raw dito sa atin, pero ang success rate is not as high as in the States.

“Doon kasi, medyo matagal na nilang ginagawa.

“Pero siyempre, kapag doon ka nagpagawa, mahal.”

Kung tutuusin, normal naman siyang nakakabuo ng bata hindi katulad ng ibang couple na nagre-resort sa in vitro fertilization dahil hindi na umuubra ang “natural way.”

Bakit kailangan pa nila ni Mark na sumailalim sa ganoong paraan?

“E, kasi, thirty-one na ako, e, papaano kung girl na naman?

“E, siyempre, ang asawa ko, hindi naman titigil hangga’t hindi nagkaka-boy!” natatawa niyang sabi.

Patuloy ni Tanya, “Although, hindi naman niya sinasabi nang diretso, pero siyempre, di ba?

“Kaya sabi ko, ’Sige, try natin.’

"So, kung magkaka-boy, tama na, tama na ang tatlo.”

Sinubukan din daw ni Tanya ang Chinese calendar pero babae rin daw ang lumabas—ang pangalawa nga nilang anak.

Aniya, “Pero pinagpi-pray ko pa rin kung tama nga bang magpa-gender selection o the natural way na lang.”



CHURCH WEDDING. Pitong taon na raw nagsasama sina Tanya at Mark.

“Okay kami, masaya,” nakangiting sabi ng aktres.

Ano nga ba ang meron sila ni Mark na nagtatagal sila at ito ay sa kabila ng mga pagpuna sa kanila noon na hindi sila magtatagal?

“E, kasi kami ni Mark, talagang magkaiba kami ng ugali.

“Pero talagang give and take. I think, in any relationship talaga, ganoon.

“May time na tumahimik ka na lang, pakinggan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi before, malakas talaga ang personalidad ko, pero give and take lang talaga—respeto sa isa’t isa.”



RELATIVES. Samantala, kamag-anak din pala ni Tanya ang Artista Academy winner na si Sophie Albert. Pinsang-buo raw niya ito.

Masaya naman daw si Tanya nang manalo ito at kumpleto rin daw sila na sumuporta rito noong grand finals sa Araneta Coliseum.

“Happy ako for her, kasi gusto niyang talaga yun.

"Bata pa lang siya, gusto na niya yun. Yun na ang dream niya.

“Ang galing nga niya kasi, ang kasama niya agad, Superstar [Nora Aunor], ang galing, di ba?”

Biniro naman namin si Tanya kung hindi ba siya niyaya ni Sophie sa TV5?

“Well, I’m under Viva. At noong pumirma ako, nagge-guest ako sa TV5.

“Kaya lang, sabi ko, mas masaya talaga ko sa Channel 7 kasi kilala ako ng lahat.

“At saka, ang dali-dali nilang kausap. Kahit nabuntis na kong lahat, di ba?

“Ang dali nilang kausap. Magpaalam ka lang, magsabi ka lang.

“Kapag meron kang heartaches or whatever, pinapakinggan nila yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN