Part 2. Willie Revillame on entering into pre-nuptial agreement: “I don’t do that... kawawa naman yung babae.”

Nilinaw ni Willie Revillame ang naging tunay na relasyon nila ng dating co-host niyang si Shalani Soledad: “Hindi naman kasi kami talagang ano… Pa-cute lang yung relasyon na yun, pa-cute lang… Ano bang M.U.?”


Isa sa mga sinasabing nasagasaan ng reformatted show ni Willie Revillame sa TV5 ay si Sharon Cuneta.

Ang dating home studio kasi ni Sharon sa Delta Theater, na ginagamit ng Megastar sa tapings ng talk show niyang Sharon, Kasama Mo Kapatid, ay magiging studio na ng Wowowillie simula bukas, January 26.

Wala na sa ere ngayon ang show ni Sharon.

Sa pagbakbak ng buong interior ng Delta para sa mga bagong equipment na gagamitin sa show ni Willie, kinausap ba niya si Sharon?

“Nagti-text kami ni Sharon,” mabilis na tugon ni Willie.

“Okay naman, naiintindihan naman niya... okay naman.

“Nag-text ako sa kanya… I hope she understands.

"Okay naman, wala namang ano si Sharon.”

Bali-balita kasi na parang sumama ang loob ng Megastar nang mawalan ng "bahay" ang kanyang talk show.

“Hindi naman,” mabilis na tanggi ni Willie.

“Nagti-text-an pa kami, ‘Mag-usap tayo pagkatapos ng ano…’

“Okay naman. Hinandle naman ng TV5 nang maayos—hinandle naman.

“I have nothing to do with that… management decision ‘yan, e.

“Si Mega naman, very understanding naman ‘yan, e.

“Pero nag-usap naman sila,” tukoy sina Sharon at ang TV5.

“Yung management ang nakikipag-usap doon, e.

“Even kina Vic [Sotto] and Joey [de Leon], sila yung… hindi ko sila puwedeng pangunahan, e.

“Saka nakakonrata ako sa kanila, e.”

MONEY SPENT. Umabot daw sa halagang P135 million ang interior reconstruction ng Delta Theater.

Ayon kay Willie, naglabas ng P100 million ang TV5 at siya naman ay P35 million.

Wala ba siyang balak bilhin na lang ang Delta Theater gayong ginastusan na nila ito ng malaki?

“Inaalok sa akin yun, e, nagpapagawa ako ng hotel sa Tagaytay… high-end, e. So, yun ang focus ko, doon muna ako.

"At ibinibenta ng P600 million, e. Malaki yun, e… almost half hectare yun, e. Nasa 6,000 [square meters] ‘ata yun.

“Pero ang focus ko ngayon, yung Tagaytay Hotel ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Willie kung bakit nagkagastos siya ng ganito kamahal sa studio niya.

“In my end, nakaka-P35million na ako, ‘eto ang pinakamalaking LED [TV monitors], e. At lahat, naka-LED pa rin kami.

“Yung pagpasok sa lobby, para kang nasa Las Vegas.”

Pero may sinabi siya noon na ilalagay niya ang bago niyang studio para sa Wowowillie sa ipinapagawa niyang condotel sa Quezon City. Ano ang nangyari at hindi ito natuloy?

“Walang parking, e. Hindi puwede, e, magkakaproblema ka.

“At least, ‘eto [Delta], may parking at sa paghu-hold mo ng mga area ng audience…

“Imagine, one thousand [na tao] a day ito.”



FACILITIES. Pagpapatuloy niyang deskripsyon sa mga facilities ng studio niya, “Pinaganda ko lahat ng mga dressing rooms. Even sa mga dancers, ginawa ko siyang parang Las Vegas.

“Kasi napapanood ko yung concert ni Celine Dion, e. Ipinapakita yung The Making of Concert ni Celine Dion.

“Ipinapakita yung… parang ganoon ang ginawa ko, yung sa Caesar’s Palace? Ipinaayos ko lahat.

“And then, yung mga dressing room nina Mariel [Rodriguez, co-host niya], feeling ko, mga artist talaga sila.

“Meron silang sari-sariling silya na maganda, yung sosyal, yung mirror nila. May cabinet sila, may ref sila.

“Kahit sa mga dancers, may sari-sarili silang cubicle, isa-isa silang cubicle.

“May mga shower sila, dalawang shower, may locker rooms sila… para silang nasa gym?”

Ang talent fee ba ng mga dancers, nag-increase na ba?

“Hindi pa ngayon. Kasi nagsisimula pa lang ito.

"Pero iba-iba ang TF nila—hindi naman puwedeng baguhin.”



PERSONAL LIFE. Kinumusta rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Willie ang kanyang personal na buhay.

“Okay naman ako, nakakaraos naman!” sabay tawa niya.

“Siyempre, maganda ring may nag-aalaga sa iyo.

“Wala, walang nag-aalaga!

“Okay lang, naalagaan ko naman ’yan, e. Happy siya!

“Sabi nga niya, ‘Wowowillie!’” biro pa niya.

Kumusta naman ang health niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, okay naman… hindi naman ako nagba-viagra [sex enhancement pill]!” sabay tawa nang malakas.



PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Pakakasal pa ba si Willie?

“Hindi na… hindi na siguro? E, si Tito Dolphy naman, hindi naman nakapagpakasal.”

Nadala na ba siyang mag-asawa?

“Wala nga, e. Parang gusto ko na lang ganito ako.”

Wala ba siyang nakaka-date?

“Wala nga, e. Paano ka makaka-date? Tignan mo naman, o,” tukoy ang pagiging abala niya sa kanyang show.

Kung sakali bang magpakasal siya uli, papayag siya sa isang pre-nuptial agreement?

“I don’t do that... kawawa naman yung babae.

“Minahal mo ako, tapos yung pagmamahal mo, hanggang pisikal lang?

“You know, kasi nangyari sa akin ‘yan kay Princess Punzalan [his ex-wife].

“It’s so hurting na… well, hindi mo masisisi ang pamilya kasi pinaghirapan, kasi wala pang tiwala sa iyo, e.

“Kunwari, namatay ako bukas, ahat ng mga naiwan kong naipon, sino ang magha-handle? Anak ko.

“At maga-asawa ‘yan. Anong gagawin ko? Huwag mong ibigay ‘yan!

"E, minamahal naman ng anak ko ‘yan, e.

“So, nasa sa kanila ‘yan kung palalaguin nila ‘yan o hindi. Hindi ako sa material na ano…

“Ano, e, parang, ano yun, pinakasalan kita, hanggang ganito lang tayo? Unang buhay natin, kinuwenta natin?

“I don’t think na maganda yun… kung pinakasalan kita ngayon, kung ano meron ako dati, kasama ka na.”

GRACE LEE. Isa sa mga posibleng matukso kay Willie ay ang isa sa mga co-host niya sa Wowowillie na si Grace Lee.

Sinasabing ganito ang tipo ng babae ni Willie—mahinhin, makinis at matalino.

“Alam ninyo, hindi naman masasabing, ‘Eto puwede ito, puwede ‘yan.’ Mararamdaman mo na lang ‘yan.

“Kung mararamdaman mo ‘yan, ‘O, ano Grace? Gusto mo ba?’

“Hindi naman… depende naman yun, nasa sa kanila naman yun.”



FORMER CO-HOSTS. Hindi naman naiwasang mausisa uli si Willie tungkol sa dati niyang co-host na si Shalani Soledad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumatakbong kongresista ngayon ng Valenzuela si Shalani at maybahay na ni Pasig Congressman Roman Romulo.

Totoo bang kaya hindi nag-prosper ang nagsisimulang relasyon nila ay dahil sa kakulangan sa oras ni Willie para sa kanyang personal life?

Sa halip na sumagot agad, tumawa muna nang malakas si Willie at saka nag-deny.

“Wala kaming M.U-M.U [mutual understanding]!”

Inamin daw kasi ni Shalani sa isang interview ang pagkakaroon nila ng mutual understanding.

“Hindi naman kasi kami talagang ano,” simulang esplika ni Willie.

“Pa-cute lang yung relasyon na yun, pa-cute lang… Ano bang M.U.?” tanong pa ni Willie.

Ano ba talagang meron sila noong mga panahon na yun?

“Hindi… Kasi, ina-at-home siya sa show, kasi masyadong mahinhin si Shalani, di ba? So, ina-at-home ko siya.

“Si Ethel [Booba, bago niyang co-host]… pero wala kaming M.U. niyan, ha?” sabay tawa niya nang malakas.

Hindi ba siya nabighani kay Shalani noong time na iyon?

“E, sino ba naman ang hindi hahanga sa isang dalagang gaya ni Shalani?... Napakahinhin, refined, very intellectual, di ba?

“Kaya lang siyempre, papatulan mo? Tapos lolokohin mo?”

Nilinaw ni Willie na hindi sila umabot ni Shalani sa totoong relasyon at umasa na ito ng kasal.

“Hindi, hindi naman umabot sa ganoon! Wala namang ganoon!” mariing bulalas ni Willie habang tumatawa.

Pero diin naman ni Willie masaya siya sa pag-aasawa ng dating kasama sa programa.

Bakit nga ba nawala si Shalani sa show niya?

“Hindi… kasi noong time na yun, mag-concentrate ka… kasi ilang taon naman noon si Shalani to have a family?

“Si Cindy [dati niyang co-host], gusto raw niyang mag-Binibining Pilipinas.

“Sige… bakit mo naman pipigilan yung gusto nila? Buhay nila yun.

“Si Mariel naman, dumating sa show, may pamilya naman… ibang klase naman yung sa kanya.”

Pagdating naman sa pagkuha niya kay Ethel Booba, marami ang nagdududa na magiging maayos sa kanyang trabaho ang tinaguriang pasaway na komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyan ba niya ng ultimatum si Ethel para hindi ito magloko sa trabaho sa kalagitnaan ng show?

“Alam mo, hindi dapat tinatakot… kakausapin mo.

“Sasabihin mo, ‘Chance mo ito. Walang kumukuha sa iyo. May tiwala ako sa iyo kasi may talent ka. ’Pag pinabayaan mo ito sinayang mo, ikaw na yun.’

“I think that’s the right way to talk to people, e. Hindi yung, ‘O, bahala ka! Tatanggalin kita! Huwag kang magmamalaki,’

“Pag nagloko sila, ‘Sinabi ko na sa iyo dati di ba?’ Sa maayos na paraan.

“Pag tinakot-takot mo, ikaw pa ang masama, e.

“Alam mo sa industriyang ito kaya nagkakatampuhan?

“Sa pakikipag-usap sa tao—kailangan maayos ang pakikipag-usap sa tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN