Part 1. Rafael Rosell on experience with bashers: "Hindi na kailangang patulan yung mga ganoong bagay, di ba?"

Parehong bida sina Rafael Rosell at Dennis Trillo sa Temptation of Wife, pero hindi raw ramdam ni Rafael na insecure sa kanya si Dennis. Sabi niya, “I don’t think so, secure na secure naman si Dennis, e. Dennis is Dennis Trillo, di ba? Si Dennis Trillo ‘yan, e.”


Mainit tinanggap ng mga Cebuano ang cast ng Temptation of Wife nang magpunta sila sa Queen City of the South para sa Sinulog Festival.

Kuwento ni Rafael Rosell, “Sobra-sobra! Pero lagi namang warm ang reception ng mga tao sa Cebu, e.

“Pero this time talaga, because of a show... exceptional!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, January 23, sa taping ng Temptation of Wife sa Greenmeadows, Quezon City.



BY CHARACTER. Gumaganap si Rafael sa Temptation of Wife bilang si Nigel Armada. Ibang pangalan na ba ang tawag sa kanya kapag lumalabas siya?

“Nigel at Rafael pa rin!” ang natatawang sagot ni Rafael.

Mas marami na yata siyang eksena kaysa kay Dennis Trillo, na gumaganap namang Marcel Salcedo?

“Hindi ko binibilang, e,” sabi ni Rafael.

Ano ang pakiramdam na bidang-bida rin siya at iniikutan din ng buhay ni Angeline/Chantal, na ginagampanan ni Marian Rivera?

Sagot niya, “I think pareho naman kami ni Dennis na leading man, e.

“Lahat kami, part ng ensemble ng cast na lead sa soap.

“I’m not gonna take any credit sa sarili ko.

“I think it’s a unity, it’s a unit, buong cast and crew ang nagdadala ng show—effort ng lahat.”



COMPARISON. Nakukumpara ngayon si Rafael kay Dennis, lalo na at iisa ang manager nila—si Popoy Caritativo.

Sabi niya tungkol dito, “Yeah, yeah of course, it’s showbiz, di ba?

“Ang aral kasi ni Popoy sa amin... na only compare yourself to yourself, e.

“Dahil lahat naman may iba’t ibang traits, so don’t compete.

“Just do what you gotta do and enjoy, at least wala kang naaapakan na iba at hindi ka rin naapakan.”

Hindi ba siya nako-conscious sa comparison?

“May tendency na maging conscious, pero kung alam mo naman kung ano ang gusto mo sa buhay, hindi ka na bibigay doon, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbibigay ba sa kanya si Dennis ng tips or advice?

“Siguro sa ano lang, tungkol kay Popoy lang... kung ano’ng mga hilig niya, keep in touch with your manager, mga ganoon.

“Pero yung advice or payo sa akting, wala masyado.”

Hindi raw niya nararamdamang insecure o threatened si Dennis sa kanya…

“I don’t think so, secure na secure naman si Dennis, e.

“Dennis is Dennis Trillo, di ba? Si Dennis Trillo ‘yan, e.”



GOOD FRIENDS. Noon pa raw sila magkaibigan.

“Yeah, friends kami dati pa! Early 2000 pa lang, noong nasa ABS kami pareho.”

“Nag-click na kami noon, nagdyi-gym kami together,” sabi ni Rafael.

Ngayon ay madalas din silang mag-hang out.

“Yeah! After noong Cebu namin, nag-hang out kami. Dapat kagabi kaya lang sobrang late na.”

Binirong tanungin si Rafael kung parte ba ng hanging out nila ni Dennis ang mambabae?

“Hindi, hindi... sa bahay lang... PlayStation.”

Magkalaban sila sa naturang laro.

“May ibang barkada rin doon, teams-teams.”

Pero hindi pa raw sila ganoon ka-close para maghinga si Dennis ng mga malalim na saloobin tulad ng lovelife at pakikipag-break nito kay Bianca King.

“Ah, hindi pa kami ganoong nagse-share ng ganoong ka-personal na bagay.

“Pero binanggit naman niya sa akin na may pinagdadaanan siya.

“Pero as a guy to another guy, hindi ko na pini-fish kung anong…

“Parang sinabi lang niya sa akin na may pinagdadaanan siya and as another guy, aantayin ko na lang na magbuhos siya imbes na hilahin ko.”



LUCKY GUY. May kopya si Rafael ng FHM kunsaan cover si Marian Rivera.

“Oo naman, binigyan niya ako ng signed copy, pinost ko sa Instagram.

“Tapos, isinulat ko na ako yung pinakasuwerte na lalaki.

“Tapos, I think maybe may na-misinterpret iyon tapos nagalit.

“Hindi ko alam... siguro DongYan fans," pagtukoy niya sa fans ng loveteam nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang ibig ko lang naman talaga sabihin na suwerte ako dahil pinirmahan niya yung [kopya].

“Sabi, ‘Akala mo ang suwerte-suwerte mo,’ ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Nasa paningin lang naman po yun ng mga tao ‘yan, na parang sinulat ko.’

“‘Hugs, mwah! I wish you the best day.’

“You can’t fight fire with fire nowadays.

“Hindi na kailangang patulan yung mga ganoong bagay, di ba?

“I mean, sa paningin ko lang, ha? Sa buhay natin, gusto nating mag-advance, di ba?

“Sa mga materyal na bagay—advancement in finance, advancement sa mga materyal na bagay, bahay, kotse...

“Pero naisip ba natin ang advancement sa sarili nating mind?

“Evolvement, di ba? Hindi ba tayo mag-e-evolve sa utak natin?

“So pag nag-evolve na tayo, hindi na tayo mag-aaway, di ba? Iyon naman yung goal.”

Flattered siya in a way kapag pinagseselosan siyang ganoon?

“Well, it is pretty flattering.

"Tapos, kaya ko sinasabi na suwerte dahil iyon ang flattery na nararamdaman ko...

“Kaya ko in-express na suwerte ko—iyon ang pagka-flatter ko."

Hindi pa raw sila nagba-bonding ni Dingdong, na boyfriend ni Marian.

“Pero nag-usap na kami sa set, dati sa Party Pilipinas, ‘Hi-hello, kumusta?’ Ganoon, friendly naman.

“Hindi naman ako lumipat dito [sa GMA-7] para mang-away, e, di ba?” nakangiting sabi ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN