Rocco Nacino on straight actors doing gay roles: “Gusto ko yung ganoon kalalim ang craft ko.”

Hindi man sa salita, nararamdaman ni Rocco Nacino na “special” ang relationship nila ni Lovi Poe. Lahad niya: “Kaya mas maganda yung relationship namin ngayon... Kung hindi niya sinasabi sa salita, sa kung how she treats me as a really close friend, doon ko nakikita.”


Kahit “naghiwalay na sila ng landas,” aware pa rin si Rocco Nacino sa mga kaganapan sa buhay ng ex niyang si Sheena Halili.

In fact, alam ni Rocco na sa Bangkok nag-celebrate ng kaarawan ang young actress.

“Oo, nakita ko yung Twitter niya,” kumpirma niya.

“Binati ko sa Twitter tsaka tinext ko rin,” kuwento pa ni Rocco nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 18 sa GMA TV Complex.

STILL HURTING. Pero may mga bali-balita na tila na-hurt si Sheena sa ginawa ng hunk actor.

“Ginawa ko? May ginawa ba ako?” ang natatawang reaksyon ni Rocco.

“Siyempre, when things aren’t the same, kahit papano may hurt na nangyayari pero ngayon, it’s not like that.”

Wala daw talagang third party sa sinasabing break-up nila.

“Wala, wala, wala.”

Ano talaga ang rason?

“Wala, sa amin na lang yun, kumbaga.

“It’s something between us na lang. Pero iyon nga we don’t go out that much anymore.

“We talk, oo, but we don’t go out na, hindi na kami nagkikita—matagal na.”

YESTERDAY’S GIRLFRIEND. May napag-awayan ba sila?

“May napag-awayan pero napag-usapan din.”

Walang kinalaman sa mga nangyari ang leading lady ni Rocco sa Yesterday’s Bride na si Lovi Poe.

So, puwedeng tawaging “yesterday’s girlfriend” na si Sheena?

Tumawa muna si Rocco bago sinabing, “It’s a nice way to put it, ha?”

So, hindi na niya magiging future bride si Sheena?

“Hindi ko naiisip ‘yan, ‘yang mga bride-bride, nakaka-pressure ‘yang term na ‘yan,” at muling natawa si Rocco.

Bakit wala siyang inaamin sa tunay na estado nila?

“Kasi, para sa akin siguro, bago may sabihin, tingin ko dapat pag- usapan muna namin. Hindi pa kami nakakapag-usap, e.”

Dagdag pa niya, “Trying to reach out ako, para mag-usap din, siyempre kahit papano maitatanong din yun sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIO CASTING. Hindi nakasama si Rocco sa cast ng Indio kung saan naiwan na lang si Sheena.

Diumano, may problema noon ang dalawa kaya hindi sila napagsama sa bagong teleserye ng Kapuso.

“Ah hindi, hindi. In-assign ako sa Indio, si Sheena dapat ang ka-loveteam ko noon,” tanggi ni Rocco.

“Tapos, biglang sinabi sa akin na, ‘Mas gusto ka namin dito sa Yesterday’s Bride,’ dahil mas maganda yung role ko.

“Pero walang issue about that. She’s very professional naman, e.”

Wala raw kinalaman si Sheena doon?

“Ah wala, wala. Siyempre pagdating sa trabaho, it’s not taken into consideration yung personal life pero, siguro nagkataon lang.”

Mas masaya ba siya na sa Yesterday’s Bride siya nailagay?

“Sa totoo lang in terms of career, at yung role na pinag-uusapan, dito sa Yesterday’s Bride... kasi nga mas challenging.

“Tsaka mas matututukan talaga yung acting ko dito.

“Sa Indio kasi ang dami namin doon.”

Blessing in disguise dahil mataas ang ratings ng YB [Yesterday’s Bride].

“Oo nga, sana ma-extend!” asam niya.

Aminado si Rocco na nami-miss niya na lagi niyang nakakasama si Sheena…

“Nami-miss din siyempre. Tagal din naming naging special sa isa’t-isa kaya nakaka-miss din.”

Ilang years ba sila?

“Almost two years din kaming nagde-date.

“We’ve been dating for two years.”

Dating lang?

“Dating lang, oo—we only dated lang.

“Basta two years kaming naging special sa isa’t-isa.”

Taga-Pampanga si Sheena…

“Nadadanaan ko yung village nila pag papunta sa taping.”

WITH LOVI POE. Nakikita sila sa Rockwell madalas ni Lovi, ayon sa mga balita.

“Mga one month na nga yun, e. Kaming dalawa lang.

“Tapos, dumating yung mga kaibigan niya kasi may common friends kami, e.

“Yung circle of friends namin kumbaga tumatama kaya nagkikita kami.

“Pero matagal na yun, this week, puro tapings.”

Magkaibigan lang daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“HOHOL—hang-out, hang out lang,” ang natatawa pang sinabi ni Rocco.

Ang HOHOL nila ni Lovi, saan puwedeng mapunta iyon?

“That I don’t know. Kapag tinatanong sa akin ‘yan, sabi ko kung ano’ng mangyayari, mangyayari din.

“Hindi ko inuunahan para maganda... maganda yung relationship namin on and off cam... working and non-working relationship.”

Minsan ay magulo ang statements niya about his personal life, mabuti na lang at hindi magulo ang istorya ng Yesterday’s Bride.

Natawa muna si Rocco bago sinabing, “Siyempre ano, di ba, kailangan balanced, di ba?

“Kung may magulo dapat may…” bitin niyang sambit.

“Gusto kong mag-focus sa sarili ko,” pagpapatuloy niya.

“Pero masayang-masaya ako na ganito kami ka-close ni Lovi.”

Paano kung maunahan siya ng iba na manligaw at mapasagot si Lovi, masasaktan ba siya?

“Hindi. E, kung dahil doon magiging masaya siya, e, di okay.

“Everything has it’s time. Ngayon siguro hindi pa para sa akin. Trabaho talaga muna.”

Hindi raw siya nanliligaw kay Lovi.

“Hindi ako nanliligaw sa kanya.”

Bakit?

“Dahil itong 2013 sabi ko sa sarili ko, magtatrabaho muna ako nang maayos.

“Wala munang lovelife siguro, trabaho muna.

“Sinimulan ko yung taon ko ng may trabaho, naniniwala ako na sunud-sunod na yun—positive thinking.

“Kaya nire-ready ko na ang sarili ko, sarili ko muna ang iisipin ko.”

Pero aminado siya na at this point, special na rin sa kanya si Lovi?

“Of course, oo. Mas naging close siya sa akin.

“Iyon nga, to the point na umaalis-alis kami, we talk about anything under the sun...

“Kaya mas maganda yung relationship namin ngayon.”

Special sa kanya si Lovi, sa tingin ba niya ay special siya kay Lovi?

“Hindi ko alam, itanong natin sa kanya,” at tumawa si Rocco.

“Kung hindi niya sinasabi sa salita, sa kung how she treats me as a really close friend, doon ko nakikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCHANGE GIFTS. Wala siyang iniregalo kay Sheena noong Pasko at wala ring iniregalo sa kanya si Sheena.

“E, kasi ano, ang dami kong hindi nabigyan ng regalo noon,” sabay-tawang muli ni Rocco.

May regalo ba siya kay Lovi noong Pasko?

“Nakapagregalo din, late nga lang. Siya, nauna siya noong Christmas Party ng Yesterday’s Bride.”

Noong una ay ayaw pang sabihin ni Rocco kung ano ang iniregalo niya kay Lovi and vice versa.

“Ah, secret na lang—something simple—something that you can wear.

“Tapos, iyon din yung bigay ko sa kanya.

“Tapos, e, sobrang bulok akong mamili ng regalo.

“Kaya gumanti na lang ako—something that you can wear also,” ang tumatawa pa ring kuwento ni Rocco.

Finally ay inamin niya na jacket ang regalo nila ni Lovi sa isa’t- isa.

Anong brand?

“Huwag na tayo sa brand... magkaibang brand.

“Basta maganda yung binigay niya sa akin kaya um-effort akong maghanap rin ng magandang jacket.

May ibig sabihin ba ang jacket sa kanila ni Lovi?

“Well, sa Pampanga kami lagi nagte-taping, malamig doon so makakatulong iyon sa kanya.”

ON CONTRACT. Dalawang taon pa ang itatakbo ng kontrata niya sa GMA…

“Itong year, pang-third year ko na.”

May kumalat na balitang lilipat siya sa ibang TV network.

“Ah, ganoon?”

Na matagal na raw siyang gustong kunin ng ibang networks…

“Ah hindi, walang offer sa akin na ganoon.

“Matutuwa ako kapag magkakaroon ng interes sa akin... meaning parang nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

“Pero wala, walang offer.

“May two years pa ako at alam ko optional pa yun to renew ng GMA ang contract ko.”

Wala siyang complaints sa GMA…

“Complaints, none. Naaalagaan naman ako nang maayos, e...

“With shows and yung sa trabaho ko, okay naman—no complaints.”

GAY ROLE. Rocco on his recent gay role…

“Dito sa I Love You Pare, ito may pagka-comedy, nakakatawa, may pagka-all-out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang love scene, hindi naman all-out na ganoon.

“Ibang field naman ng pagkaka-portray ng character kaya tinanggap ko.

“Tsaka una dapat ang role ko kay Rodjun [Cruz] tapos binaligtad.

“Sabi ko, sige I’ll take it as a challenge, sabi ko mas challenging.”

May eksena raw na magyayakap sila, at may topless scene sila sa pelikulang ipapalabas sa February 6 sa mga sinehan.

Kung gay movie na may torrid kissing or love scene sa kapwa niya lalaki, papayag ba si Rocco?

“Hindi pa siguro. Siguro bigyan ninyo ako ng two years pa, papayag ako, kapag malalim na malalim na yung acting ko.”

Papayag na siya by then?

“Posible yun, oo. Kasi hindi basta-basta gawin yun, challenge yun.

“Nakakanood ako ng mga American films, straight sila...

“Pero kaya nilang gawin yun, so gusto ko yung ganoon kalalim ang craft ko.

“Siguro one or two years, tingnan natin. I’m not getting any younger, twenty-five na rin ako so it’s good to explore.”

SETTLING DOWN. Ang ideal age ni Rocco na mag-asawa…

“Wala pa… siguro ano, early thirties kasi siyempre pagdating ng thirty five iyon na yung age na mag-ii-slow down na lahat,” ang natatawang sinabi ng Kapuso hunk.

Twenty-six na siya sa March.

“So, siguro before thirty-five gusto kong magka-baby na rin ako.”

Kahit wala pa siyang asawa?

“Ah hindi, asawa muna siyempre, sundin natin yung tradition,” buwelta niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN