Part 2. Mariel Rodriguez on Robin Padilla’s intimate scenes with his leading ladies: “Ayoko namang masanay… Ano ‘to? Super-share? Buffet?”

Inamin ni Mariel Rodriguez na ayaw niyang may kahati sa relasyon nila ng asawang si Robin Padilla. Sabi niya: “Okay, tanggap ko yung lahat na may mga anak, may mga ganito pa. Pero gusto ko, ako lang. Ayoko... hindi buffet!”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel Rodriguez, hindi naiwasang mabanggit sina Kris Aquino at Anne Curtis na leading ladies ni Robin Padilla sa bago nitong teleserye sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw.

Naging usap-usapan kasi ang love scenes at kissing scenes na ginawa ni Robin sa serye.

Saad ni Mariel, “Noong umpisang-umpisa pa lang, hindi pa ako lumilipat, ikinukuwento niya sa akin.

“Pero ang ikinuwento lang niya sa akin ay ang flow ng show—hindi na yung details.

“Sinasabi pa niya na excited siya na magkakaroon sila ng show ni Kris.”

Aware ba si Mariel na magkakaroon ng intimate scenes si Robin sa kanyang leading ladies?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Aware na in a way kasi it’s given… kasi it’s given.

“Pero hindi yung para ikuwento pa sa akin na we’re going to have a love scene. Wala nang ganoon.

“Aware ka lang dahil kasama yun sa format ng show, lalo na doon sa story.

“Lalo na sa takbo ng hilig ng mga Pinoy na nagre-rate na mga… kasama yun sa fad, di ba?”



FEEDBACK. Sabi ni Robin, hindi ninyo raw pinag-uusapan ang tungkol sa intimate scenes na ito. Totoo ba ito?

“Hindi. Never, never!” mabilis na kumpirma ni Mariel.

“Kasi, siya rin naman, when he goes home, he doesn’t talk about work.

“He just says he’s tired from the work.

"Alangan naman you’re barging him na, ‘Anong ginawa mo today? Nag-lips to lips ba kayo?’

“Ang pangit noon! Anong klaseng asawa ka ba noon?

“So, I feel like, ang lakas maka-nagger.

"Mas naano niya yung… mas natutulungan ko siya… mas natutulungan namin ang isa’t isa pag sinusuportahan ko siya.

“Pag nanonood kami… number one…” putol ni Mariel sa sasabihin dahil may naalala.

“Eto, totoong lahat... noong nanonood kami—siya, ako, at ang tatlo niyang anak—noong nagdi-dinner kami, noong una niyang labas…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, yung una niyang reveal, nagtanggal siya ng helmet, e.

“Pumapalakpak ako... ‘I love it! I love it! Pasalamatan mo sila,’ sabi ko sa kanya.

“’Ang ganda noong una mong labas! Importante kasi yung unang labas, e… ibinigay nila sa iyo yun.’

“Ang guwapo naman kasi, di ba? Yun ang sabi ng lahat ng tao.

“I was so proud, kasi alam ko kasi na nagwo-work so hard sila doon.

“I was so happy na yung ABS, yung unit nina Sir Deo [Edrinal], sina Direk Joyce [Bernal], sina Direk Malu [Sevilla], binigyan siya ng… for me, moment niya yun, e… maganda yung moment niya.

“Sinasabi ko sa kanya yung comment ko.

“Kagabi rin ganoon, maganda rin.

"So, yung feedback na puwede kong ibigay.

“Kasi sino bang magsasabi sa kanya ng totoo? Dalawa lang naman ang tinatawagan niyan, e—ako at si Mommy Eva [Padilla, Robin’s mom].

“Tatanungin niya, ‘Ma? Nanood ka ba? Anong feeling mo?’

“Kasi nga, alam niyang hindi magsisinungaling sa kanya pag, ‘O, anak, hindi masyado yun… bakit ganoon?’

“Katulad niyan, may isa akong factor na napansin, sinabi ko, pero hindi ko na sasabihin sa inyo.

“Tungkol sa isang eksena lang. Napansin ko yung details na yun.

“Sabi ko, ‘Sorry, sorry.’ Sabi niya, ‘Okey lang.’

"Para alam niya yung mga ganoon na hindi napapansin noong iba.”



WHOLESOME & INTIMATE SCENES. Pero ang mga tinutukoy ni Mariel na eksena ay mga wholesome scene pa lang ng asawa niya.

Paano na yung mga intimate scenes ni Robin? Kaya ba niya itong panoorin?

“Ah, I don’t know yet, e. Pero feeling ko, dapat huwag na lang, dapat huwag na lang.

“Kasi feeling ko, hindi naman makakatulong sa marriage. Makakatulong ba?

“Siyempre, bilang babae, masakit pa rin yun, di ba? Mahi-hurt ka pa rin doon.

“So, para wala na lang na ganoong moment, mas okey na hindi ko na lang siguro papanoorin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I’m sure may magtu-twit sa akin. I’m sure may mag-aano…

"Kasama talaga yun. Iyon yung trabaho, e. Kaillangan mong paghandaan yun.”



JEALOUS. Nagseselos ba siya sa mga ginawang love scenes at kissing scenes ni Robin?

Sagot ni Mariel, “The selos feeling is… not selos feeling because I know Ate Kris is such a good person.

“Honest! She’s such a good person, they’re not gonna do… it’s not for real. You know what I mean?

“But there’s a sort of… I don’t know what feeling that is, e.

“But there will be a sort of feeling that you might get, di ba?

“Because you’re a woman... asawa mo, e, di ba?”

Sinabi rin ni Robin na kapag nasa eksena siya, may totoong nararamdaman ito para sa kapareha para maging makatotohanan ang gagawin nilang scenes.

Umayon naman dito si Mariel.

Sabi niya, “Dapat naman talaga. Panget naman na aartehin mo yun, e.

"He’s an actor—yun ang trabaho niya na gawin.”

Wala raw nararamdamang ill-feelings si Mariel sa dalawang leading ladies ng asawa.

“Sabi ko nga, she’s [Kris] a nice person. And Anne is hot!

"Yun ang napansin ko. She’s hot!

“Perfect ang blending nila and I really want the show to work.

"If it’s needed and part of it for the show to work, e, kailangan.”

Kung sakali mang magkaroon ng panibagong project si Robin na kailangan ng kissing at love scenes, kakayanin ba ni Mariel? Masasanay na ba siya?

“Ayoko namang masanay… Ano ’to? Super-share? Buffet?

"Di ba? Huwag namang ganoon.

“So, as much as possible… pero depende, e,” bawi ni Mariel.

“Hindi ko naman… yung career, hindi ko naman siya ano.

“Pero natutuwa naman ako sa asawa ko kasi sabi niya sa akin… kagabi.

“Sabi niya sa akin, ‘Alam mo kasi, yung trabahong ito, hindi ito para sa nagmamahalan. Kasi masakit ito, e…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-appreciate ko, kasi alam niya it hurts.

“So, na-appreciate ko yun na alam niya.

"He wants to do it para magkaroon siya ng chance na makipag-kiss kay Anne Curtis o kay Kris Aquino... you know what I mean?

"It’s just work! In character siya—ganoon, e.

“So, na-appreciate ko yung sinabi niya sa akin.”



AVOIDANCE. Paano kapag natapat sa kanyang panonood ng serye ang love scenes ng asawa, alinman kina Kris at Anne? Iiwasan ba niyang panoorin ito?

“Hindi ko pinaplano. Bahala na, tingnan natin,” sagot ni Mariel.

Hindi pa raw pumupunta si Mariel sa set ng teleserye ni Robin kahit ini-invite siya ni Kris na dumalaw doon.

“Ang bait nga ni Ate Kris, e. ‘I hope you visit one time,’ sabi niya.

“Ah, kaya lang kasi, respeto sa kanila siguro.

"Kasi pag nandoon na ako… e, love story yun, e… Asawa siya doon, tapos papapel ka doon?

“Hindi maganda, hindi talaga maganda, e.

"Ang ganda na nga ng flow, di ba?

“Lagi lang sa kung saan ka makakatulong.

“For example, makakatulong ba if I watch it? Then sige… fine.

"I don’t see naman makakatulong, if I watch those scenes.

“Kung saan lang makakatulong... doon lang tayo sa positive.

“Pero alam ko na ‘yan, maraming magtu-tweet, ‘Bakit ka pumapayag? Kung ako yun… blah, blah...’ Alam ko na ’yan!

“Nasa iyo naman yun kung gusto mong magbasa, e. E, di huwag mong basahin—the next day uli.

“Kung may makulit… o, di sige, bahala siya!”



CONFIDENCE. May fear o takot ba siya na baka maagaw ng iba si Robin sa kanya?

“At this point? Honestly, hindi.

"I’m really, really confident—because he’s really very happy at home.

“And that’s another thing I appreciate, kasi they see it.

“Kasi when you’re happy at home… wala na. So, I’m very confident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we’re really happy.”

Lalaki si Robin na nakakaramdam ng paghanga sa ibang babae. At inamin naman ito ng aktor.

Binanggit namin ito kay Mariel na inayunan naman niya.

“Yeah, parang ang hypocrite na liar or hindi, wala, eksena lang yun. Ang tanga naman noon, di ba?”



BB GANDANGHARI. Tungkol naman sa panibagong issue sa kanyang hipag o bilas na si BB Gandanghari, na napapabalitang planong magpa-sex change, ano ang opinyon niya isyung ito? Nagkausap na ba sila ni Robin tungkol dito?

Matamang nag-isip muna si Mariel bago siya nagsalita.

“Actually, ang opinion ko is… it really doesn’t matter.

“Kasi it matters lang kay BB dahil kanya yun, di ba? Kay Robin dahil kapatid niya yun.

“Pero at the end of the day, kay BB yun, e.

“Bakit noong nagpa-tattoo ba si Robin, nakialam ba si BB? Hindi naman siguro.

“Pero ewan ko sa kanila. Wala akong… hindi ko alam.”

Kibit-balikat si Mariel na nagsabing nakarating na rin sa asawa niya ang isyu ng kapatid.

Napag-usapan ba nila ni Robin ang tungkol dito?

“No. Kasi ayokong ma-high blood. Gusto kong happiness lang lagi…

“Pero siyempre, uncomfortable. Kasi nga, kapatid niya yun and…

“Alangan namang pag-uwi ko, ‘Uy, narinig ko, may nagbalita sa akin at isa yun sa mga tinanong sa akin…’

“Alangan ganunin ko pa, di ba?... Positive!”

Sa palagay niya, ano ang magiging epekto ng sex change, kung sakali, ni BB sa buong Padilla?

“Si Robin, siguradong maapektuhan yun,” paniniguro ni Mariel.

Ang buong clan kaya ng Padilla?

“Maybe in the beginning. But after a while, they will accept because it’s a family.

“Di ba, pag family, whether or not, whatever you do, tatanggapin at tanggapin, mamahalin ka nila?

“And I know with their kind of family, ganoon sila.

“Normal yun sa umpisa na ma-shock sila, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una ba niyang narinig ang isyu, na-shock din siya?

Tugon ni Mariel, “Honestly, hindi.

"E, parang feeling ko… kasi ano sila, e, pag dya-jump, jump talaga sila.

“Hindi yung parang half-way lang—todo! Full blast talaga! Do or die sila.

“Ganoon sila lahat… nasa pamilya nila yun.

"So, doon sa aspect na yun, do or die rin!”

Sa estado ngayon ni Mariel, parang umiikot na ang mundo niya kay Robin—alagaan niya, unawain ang trabaho nito at iba pang aspeto.

“Kailangan ganoon, e,” pagtaggap niya.

“Because ako, when I got married, I said ‘yes’ to forever.

“So, lahat ng ways para ma-reach yung forever, kailangang gagawin mo.

“Kung paano mo gagawin iyon, yun ang lagi kong iniisip.”

Capable ba siyang mang-away ng ibang tao o babae kapag may nag-flirt sa kanyang asawa? Gaya ng sitwasyon nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ngayon?

Nag-isip muna si Mariel.

“I don’t… because hindi ko na-experience.

“Pero naiintindihan ko si Sunshine, kasi asawa siya, e. At the end of day siya ang asawa, e.”

Pero hindi siya talaga papayag na magkaroon ng kahati?

“Ayoko!” bulalas ni Mariel.

“Yun lang naman ang sinabi ko from the start.

“Okay, tanggap ko yung lahat na may mga anak, may mga ganito pa.

“Pero gusto ko, ako lang. Ayoko... hindi buffet!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN