Willie Revillame’s seven-year-old son Juamee makes surprise appearance in Wowowillie pilot episode; impresses audience with drumming skills

Ikinagulat ni Willie Revillame ang pagbisita ng kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Juamee sa birthday asalto at pilot episode ng bagong noontime show niya sa TV5 na Wowowillie.


Isa sa mga pinag-uusapan sa social networking site na Twitter kahapon ay ang sorpresang pagbisita ni Juan Emmanuel “Juamee” Revillame, ang anak ni Willie Revillame sa dating asawang si Liz Almoro, sa pilot episode ng Wowowillie kahapon, January 26, sa TV5.

Nagpakitang-gilas ang pitong-taong-gulang sa pagtugtog ng drums, na siyang ikinatuwa at ikinamangha ng mga manonood.

Hindi maikakaila na namana ni Juamee ang musical talent na ito mula sa kanyang ama, na lingid sa kaalaman ng karamihan ay isang mahusay na jazz drummer at naging professional session player pa nga bago ito pumasok ng showbiz.

Mukhang nasorpresa ng husto si Willie sa pagdating ng anak sa mismong birthday asalto nito sa show. Ngayon, January 27, ang ika-52 na kaarawan ng Kapatid star.

Napalabas sa kanyang dressing room si Willie nang marinig ang pangalan ni Juamee.

Parang tinatanong niya sa kanyang staff kung bakit hindi sinabi sa kanya ang nakatakdang partisipasyon nito sa show.

Pero paliwanag ng kanyang mga co-hosts, isa daw ito talaga sa mga nakatakdang sorpresa ng production staff sa kanya para sa kanyang kaarawan.

‘Like father, like son’ nga kung ituring ng co-host niyang si Mariel Rodriguez ang naging performance ni Juamee dahil sa sobrang galing nito.

Unang tinugtog ni Juamee ang “What Makes You Beautiful’ ng One Direction, habang sinasabayan ng pag-awit ni Bryan Termulo.

Tahimik lang at parang maluha-luha si Willie habang pinagmamasdan ang anak na tumutugtog.

Sabi pa ni Willie, “Sosyal ’tong anak kong ’to, hindi marunong magtagalog ’to.”

Nang lapitan na niya ang anak, patawang sabi ni Willie, “Hi Juamee, I’m your father. Baka kasi nakalimutan na niya ako,” sabay halik sa anak.

Dagdag pa niya, “Thank you for being here. How are you?”

Tugon ni Juamee, “I’m fine.”

Sa De La Salle Zobel sa Alabang nag-aaral si Juamee.

Mensahe nito sa ama, “Happy birthday dad, I love you!” na ikinatuwa naman ng audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang music video naman ng mga naglalarong bata ang ipinakita sa malaking videowall sa studio. Napag-alamang si Juamee din daw ang nagkonsepto nito.

Isang taon na raw nagpa-practice si Juamee ng pagda-drums.

Nagpitong-taong-gulang ito last November 2012.

Hindi daw ito nagtatagalog at nang tinanong ni Mariel kung ano ang mga Tagalog words na alam nito, sagot ng bata, “Some, not all.”

Nagpasalamat naman si Willie sa dating asawang si Liz sa pagpayag nito na pumunta si Juamee sa kanyang birthday celebration.

Sabi niya, “Thank you to your mom ha, for allowing you to come here on my birthday.”

Dagdag pa niya, “Thank you Liz, for allowing my son, and your son, too…our son to be here with me on this special day...

“... and of course, for the pilot episode of Wowowillie and it’s a big surprise for my birthday tomorrow.”

Baling niya sa anak, “Thank you so much for being here and I’m so happy and glad.

“And I’m sorry I don’t have time yet to be with you a lot of times, you know what I mean...

“... ang ibig kong sabihin ganito, pasensiya ka na busy ang daddy mo ha...

“... busy ang daddy mo sa trabaho... para sa future, para may mamanahin ka, ha.”

Pabiro ang tinurang ito ni Willie na nagpatawa naman sa mga tao sa audience.

Dagdag pa niya, “Anything that you can add to that?”

Sagot naman ni Juamee, “I can’t think anymore.”

Pasalamat pa ni Willie, “Thank you, my son... my only son… right now.”

Nagtawanan ulit ang mga tao.

Dugtong pa niya, “Right now, you have to understand that, I’m still young and right now, I hope that you know…thank you, Juamee.”

Pagkatapos nito, tumugtog pa si Juamee ng isang kanta, “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads, at dito ay sinabayan na siya ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN