Mikael Daez on final airing of his afternoon drama series: “With or without a show, good to go ako.”

Among his co-stars in Sana Ay Ikaw Na Nga, Mikael has the highest respect for fellow actor Gabby Eigenmann. He says: “Yung work ethic niya, yung personality niya really rubbed off on me. Yung love for his work niya definitely rubbed off on me.


Final airing na ng afternoon series ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga (SAINN) sa February 8, at magkahalo ang emosyong nararamdaman ng male lead na si Mikael Daez.

“Yung mixed emotions namin came around a week ago... two weeks ago nung in-announce na yun ang last airing namin.

“Ngayon, parang mas natanggap na namin so mas thankful lang kami sa nangyari,” umpisang lahad ni Mikael nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng SAINN last Friday, January 25, sa Valenzuela City.

Twenty-three weeks ang itinagal o itatagal ng drama show nina Mikael at Andrea Torres.

“Ako, thankful ako, ang sabi ko, kahit sixteen weeks lang haping-happy na ako.

“E, nag-twenty-three [weeks], so now I’m even happier, so ano pa bang masasabi ko?

“Lahat ng magaganda, nangyari... SAINN nag-number one, daytime... tinalo ang Eat Bulaga!... ang Be Careful With My Heart.

“Not naman all the time, pero, di ba? There are times na natalo sila.

“I have my Centrum endorsement, I have my Watson’s endorsement coming in... So ang daming blessings,” nakangiting wika ni Mikael.

Ang next project ni Mikael para sa GMA-7...

“May mga nadidinig ako, pero alam mo naman dito sa showbiz, hangga’t mag-taping at hangga’t umere, wala pa,” sabay tawa ng Kapuso hunk.

“So, hindi ako umaasa.

“I’m just preparing myself if ever wala, so I’m really making sure na may gagawin ako... may plano ako either way.

“With or without a show, good to go ako.”

After ng taping ng SAINN, magpapahinga siya.

“Siguro if ever, puwede akong mag-Singapore for two or three days or a weekend.

“Nandun yung pinsan ko and yung kabarkada ko, nagtatrabaho na sila dun.”

THANKFUL. Kumusta naman si Mikael at si Andrea?

“Okay, we’re good, we’re good!” mabilis niyang sagot.

“I think everyone in this set is close already, sa totoo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, we’re all excited nga to go to Baguio for our last taping... two days kami dun overnight, Monday-Tuesday.”

Nakapag-hang out na ba sila kapag walang taping o after ng taping?

“Hindi... kasi after taping, 4 a.m. na... 5 a.m. na, e!” ang natatawang sagot ni Mikael.

Ano ang mga natutunan niya sa SAINN?

“A lot! Sobra-sobra-sobrang dami.

“I mean in terms of the craft itself, in terms of the attitude, work ethic. And I have so many people to thank for.

“Actually, nagpasalamat na ako sa kanila in part nung Christmas, I wrote everybody a Christmas note.

“Everybody from Miss Hazel [Abonita, SAINN’s Production Unit Manager] down to Kuya Jojo [Oleta, SAINN’s Executive Producer], Ate Grace [Sese] our AP [Associate Producer], Direk Dick Lindayag...

“Even Gabby Eigenmann whom I’ve learned so much from...

“They’ve all been very patient with me, they allowed me to grow, they allowed me to make my mistakes and learn from them.

“Kinakausap nila ako whenever I needed something, if I needed to improve on something.

“Gabby Eigenmann was an amazing person to work with!

“Yung work ethic niya, yung personality niya really rubbed off on me. Yung love for his work niya definitely rubbed off on me.

“Of course, the supporting cast... sina Ynna [Asistio], Marky [Lopez], naging masaya talaga yung experience namin.

“Actually, if you ask them, even they will say na masaya yung experience nila, so ako haping-happy na talaga ako, wala na talaga akong mahihingi,” dagdag ni Mikael.

INJURED MIKAEL. Napansin namin ang nakabendang mga daliri ni Mikael sa kaliwang kamay.

“Bad trip ’to! Na-dislocate siya sa basketball. Two Sundays ago, na-dislocate siya,” kuwento niya.

“Ngayon may malaki akong problema kasi pag nawala yung maga niya at hindi ko siya magagalaw nang maayos, kailangan kong paoperahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Ateneo Basketball League yun, yung alumni league ng Ateneo, may family team kami.

“Nagkataon lang, malas lang. Hindi nga masyadong masakit nung nangyari, e. Pero nung pina-X-ray medyo malala.

“Kaya naba-bad trip ako kasi never pa akong naoperahan tapos ngayon, daliri pa!

“Two more weeks pa bago bumaba yung maga... hindi na masyadong maga, e.

“E, meron pang konti, so two weeks... pag nawala yung maga, makikita kung magaganun ko ang kamay ko.

“Kasi kung normal functions magagawa ko, walang problema... pero kunwari hindi, malaking problema yan,” medyo kabado niyang pahayag.

Kaya sa mga eksena niya sa SAINN ay alalay siya sa pagkilos ng kamay niya at tinatanggal niya ang benda kapag may eksena.

“Basag yung buto sa loob.”

Kuwento pa ni Mikael, “Di ba basketball, so ginanun ko yung bola... pag ganun ko sa ball, nakadikit sa katawan niya, e... pagka-ganun ko, wala lang, normal lang,” detalye niyang saad.

Pero pagtingin raw niya sa kamay niya ay tila nakabaluktot ang mga daliri niya.

“Wala akong naramdaman! Ang weird... freak accident, kumbaga,” nagkibit-balikat siya.

Kaya ang bakasyon niya after ng taping ng SAINN ay baka operasyon at pagkaka-ospital.

“Kaya nga e, bad trip nga. Nakaka-bad trip talaga.”

JANINE TUGONON. “Actually, you know what, hindi ko pa nami-meet si Janine!

“E, busy kami. Not like, kami ni Venus, close kami, di ba? Si Shamcey nakausap ko na rin,” banggit niya tungkol sa 2012 Miss Universe 1strunner-up.

Kasamahan ni Mikael bilang talent sa Mercator Artist & Model Management sina Venus Raj, Shamcey Supsup, at Janine Tugonon, among others.

“Pero si Venus talaga yung pinaka-ano ko kasi lagi ko siyang nakikita.

“Wala na... I got busy, she’s busy... e, wala na so hindi ko pa nami-meet si Janine.”

Proud siya sa 2012 Miss Universe 1st runner-up Filipina beauty.

“E, kahit hindi ko kasamahan, siyempre proud ako na nanalo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She represented the Philippines. I can’t be prouder of her kasi that’s a great accomplishment.”

Sa tingin niya, si Janine nga ba ang dapat nanalo?

“Alam niyo, that’s competition... I mean, may ins and outs, may highs and lows, may mga di dapat mangyari na nangyayari pa rin, pero iyon. That happens... tanggap lang.

“Life moves on. Nothing to be ashamed of... great work!”

Si Ervic Vijandre na co-Mercator talent din ni Mikael ay susubok naman sa pulitika.

Tatakbo si Ervic bilang konsehal sa Taguig.

Si Mikael, walang planong pasukin ang pulitika?

“Alam mo, naisip ko rin ’yan dahil may nagtanong sa akin tapos naintriga ako.

“E, wala naman akong alam so nagtanung-tanong ako and yung assistant director namin dito sa SAINN... yung direktor namin, sinubukan nilang tumakbo... yung AD namin, nanalo na dati.

“I don’t think it’s for me.

“I don’t think it’s for me. Sa mga narinig kong mga stories, it’s very heavy.

“Umiiba talaga ang buhay mo pag pumapasok ka, so right now… ang laki na nga ng changes dala ng showbiz

“I don’t think I’m ready for another change right away, di ba?”

Kahit manalo si Ervic, hindi siya mae-encourage subukan ang pulitika.

“Hindi rin,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN