Gabby Concepcion on reunion movie with ex-wife Sharon Cuneta: “Gagawin namin yun, panahon lang ang hinihintay natin.”

Pinababayaan daw ni Gabby Concepcion ang mga anak niyang sina KC at Garrie na magdesisyon para sa kanilang lovelife. Wika niya, “Wala akong pakialam sa lovelife nila. Oo, kasi buhay nila yun, e. Hindi naman ako ang lumiligaw, hindi naman ako ang naliligawan.”


Paalis na sana si Gabby Concepcion sa katatapos na pictorial para sa Calayan Surgicentre noong nakaraang linggo ngunit pinaunlakan pa rin niya ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Marami ang nakapansin sa loob ng photography studio na tila walang pagbabago sa mukha at nanatili pa ring bata ang 49-year-old actor.

Natatawa niyang sabi, “Ganoon ba? Maraming salamat.

“Kasi para sa akin, kapag may project ka nabubuhayan ka.

“Kasi, yun na ang matagal ko nang gustong gawin.

“Kasi, siguro bata pa lang ako, yun na ang ginagawa ko.

"Kaya kapag wala akong ginagawa, para kang nanghihina, di ba?

“At saka, I think, kasama na yun doon sa mga ininom mo para alagaan ang sarili mo.”

At binanggit nga isa-isa ni Gabby ang kanyang ini-endorse na mga inumin.

ENDORSEMENTS. Isang malaking pasasalamat din ang ipinaabot niya sa Calayan Surgicentre sa pagkuha sa kanya bilang bago nilang endorser.

Sabi niya, “Thank you for making me part of the family. I just joined the group and let’s see what’s in store for me in the coming year.”

Sa February na lalabas ang bagong campaign ni Gabby para sa beauty clinic. Ang ibig sabihin ba ay naniniwala siya sa mga pagpapaayos, pagpaparetoke?

Sabi niya, “Ako, naniniwala ako na kailangan maingat ka, kailangan alagaan mo ang sarili mo.

“Parang yung pag-aalaga mo sa sarili mo at sa ibang taong minamahal mo.”



GOOD YEAR. May mga intriga mang kinaharap si Gabby noong nakaraang taon, hindi naman nito masabing hindi naging matagumpay ang kanyang 2012.

Aniya, “Masaya ako. I have nothing to complain about, but everything to be thankful for.

“Yes may mga projects tayong darating, 2013 is going to be a good year, I think.

“I like the challenges that I’m going to face this year.

“January pa lang, I’m really really happy again, thanking the Lord and everybody who supports me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And there are projects na gagawin, isang malaking pasabog na naman ito, so abangan na lang po natin.”

Paano niya nasabing mga pasabog ang kanyang mga nakalinyang gagawin?

Paliwanag ni Gabby, “Siyempre, lahat pasabog para masaya.

“Pero itong pasabog na ’to, e, maliligayahan tayo. Hindi ito yung pasabog na malungkot—masaya ito.”



TWO DAUGHTERS. Super-close daw at madalas daw itong nagba-bonding ang dalawang anak ni Gabby na sina KC, na anak niya kay Sharon Cuneta, at Garrie, na anak niya kay Grace Ibuna.

Kumpirma ni Gabby, “Maganda nga yun, e, na close sila… yun ang gusto ko sanang mangyari—lahat maging close.”

Maganda man ang relasyon niya sa kanyang mga anak, pagdating sa personal na bagay, lalo na sa lovelife nila, ay hindi raw siya nakikialam.

“Wala akong pakialam sa lovelife nila.

“Oo, kasi buhay nila yun, e. Hindi naman ako ang lumiligaw, hindi naman ako ang naliligawan.

“So kung anuman ang lovelife nila, di kanila na yun… Basta happy sila.”

Parang gusto namang ipahatid niya sa mga anak ang kasunod niyang sinabi.

Aniya, “Basta happy kayo.”



PROJECT WITH THE MEGASTAR. Tungkol naman sa kanyang mga proyekto, may mga gagawin daw pelikula si Gabby this year, pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye.

“Pagkaalam na alam ko na at sigurado na. Kasi minsan nagkakaroon ng changes, ia-announce na lang natin.”

Ito na kaya ang matagal nang nakaplanong pagbabalik-tambalan nila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta?

“A, hindi, hindi pa ito yun.

“Pero gagawin namin yun, panahon lang ang hinihintay natin.”

Diin pa niya, “Kapag panahon na, sa tamang oras na… Alam mo, weather-weather lang ‘yan.

“Darating tayo diyan, tapos ia-announce na namin.

“Pero meron kaming ibang projects na gagawin,” patikim pa ni Gabby.



GABBY-SHARON FANS. Aside from the movie na pinaplano para sa muli nilang pagtatambalan ni Sharon ay meron pa daw silang isang proyektong pagsasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw rin niya munang idetalye kung ano ito.

Ito naman ay para sa mga fans ng Gabby-Sharon tandem na matagal nang naghihintay na muli silang mapanood na magkasama.

“Ah, maraming naghihintay, marami akong nakukuhang mga texts—sa email, mga requests… darating tayo diyan.

“Meron lang tayong hinihintay na dapat mangyari, katulad noong script, binubuo pa.

“Marami pang binubuo para maging masaya at maganda.”

Hindi rin naman ito imposible dahil pareho sila ni Sharon na under ng Viva.

Pahayag pa ni Gabby, “Ang alam ko lang, may mga projects akong hinahanda at napapag-usapan.

“Yung script lang talaga ang ginagawa pa.

"Ako, very important kasi sa akin ang script. Kailangan maganda yung pagkakagawa ng script, kailangang maganda yung istorya na nakakakilig… na may laman.”



INVITATION. Nangugumbida pa nga si Gabby sa kanilang fans na magpadala sa kanya ng konsepto o kaya ay tema na maaari niyang gamitin sa pelikula.

“Yun nga, email ninyo ako sa gabbyconcepcion@gmail.com or tweet nito ako @gabsconcepcion.

“I-suggest ninyo lang kung anong klaseng pelikula ang nararapat naming gawin—comedy ba, serious drama, action? Mga ganyan.

“Siyempre all of that will be taken into consideration.”

Choosy ba siya pagdating sa mga proyekto?

Pag-amin niya, “Ever since naman, e.

“Meron akong… pag nagbabasa ako ng script, tinitingnan ko kung merong nakakakakiliti doon… kung merong ‘it’ factor.

“Pag may ‘it’ factor na, yun... bahala na yung director doon…

“Bahala na yung pool of scriptwriters na mapalaki at mapaganda yung istorya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN