Gladys Reyes on axing of her GMA-7 morning show Nay-1-1: "Noong matapos, may part of me na nakahinga rin nang maluwag… napahinga rin ako."

Bilang board member ng MTRCB, may sinusunod din na prinsipyo ang kanilang mga desisyon. Ayon kay Gladys Reyes, “Gusto rin naming tumulong sa mga producers. So, as much as possible, hindi rin naman kami sobrang higpit, pero kailangan din na limitahan namin.”


Ikatlong termino na ngayong taon ni Gladys Reyes bilang board member ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB).

Nagsimula si Gladys bilang board member ng MTRCB sa termino ng dating Chairman nito na si Grace Poe Llamanzares.

Sa pagtakbo ni Grace sa Senado, nahirang na bagong chairman ng MTRCB si Atty. Toto Villareal at nananatili pa rin si Gladys na kasapi ng Board.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa mismong MTRCB office kamakailan lang.

Masaya niyang kuwento, “Third term ko na ito as one of the board members at siyempre, ni-recommend ako ni Ma’am Grace.

“At feeling ko, bilang magulang, malaki rin ang mako-contribute ko sa matalinong panonood ng mga kabataan ngayon.

“Alam ninyo, malaking impluwensiya talaga sa mga bata ang napapanood nila.

“Minsan nga sa pananamit, pagsasalita, at pag-iisip kaya dapat ang mga magulang, maging vigilant sa pinapanood.”



NOMINATION. Dhil naranasan na ni Gladys ang maging board member ng MTRCB, tinanong namin kung pangarap niya na maging Chairman din ng sangay na gobyernong ito.

Tugon ni Gladys, “Ito, may konti akong kuwento.

“Before ako umalis, di ba nga, she’s running for Senate.

“May time na nagkausap kami at nagka-korneran kami sa hallway ng MTRCB, parang siyempre, ako, medyo emotional.

“Siyempre, mami-miss namin siya rito, yung presence niya.

“Tapos, parang nabanggit niya... kasi, di ba, malaking bagay na magre-rekomenda siya ng papalit sa kanya?

“I heard na may mga names siya na isa-submit o sasabihin sa ating Presidente para, yun nga, irekomenda niya na kapalit niya.

“So, tinanong niya ako.

“Hindi ito ano, ha? Parang, ‘Gusto mo ba? Submit ko…’

“Sabi ko, ‘Hindi po, Ma’am, hindi ko po kaya.’ Ako na ang nagsabi sa kanya noon.

“Parang na-realize niya rin na, ‘Oo nga, hindi puwede.’

“Kasi, hindi ako puwedeng hindi mag-taping dahil nga with all the paper works.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng trabaho ng isang Chair, kailangan focused ka sa trabaho mo na yun.

“E, as we all know, bata pa ako, ito na ang bread and butter ko—ang pag-aartista ko.

“Kumbaga, ito rin ang passion ko.

"Naka-link din naman dito ang pagiging Board Member ko na siyang nagagamit ko rin.”



BOARD MEMBERS. In the future, nakikita ba niya ang sarili bilang Chairman ng MTRCB?

“Hindi ko alam,” sabi ni Gladys.

“Kasi sa ngayon, parang hindi ko pa nakikita yun.

“Kung tatanungin mo ako hanggang kailan mo ba plan na mag-lie-low sa pag-arte, hindi ko nakikita.

“Kasi ako, hangga’t may meaty role pa rin.

“Sa akin kasi, passion at hindi work ang pag-arte."

Napag-alaman naman namin kay Gladys na 30 raw silang members ng board.

Kabilang dito sina Liezl Martinez, Bobby Andrews, at Leah Navarro.

Yung iba raw ay galing na sa iba’t ibang sektor ng lipunan, tulad ng pari, professor, writer, at iba pa.

TV CLASSIFICATIONS. Napag-usapan din namin ang tungkol sa paglalagay ng classifications sa mga pelikula at telebisyon.

Ayon kay Gladys, simula raw nang makasama siya sa Board, wala siyang alam na nagkaroon ng palakasan.

Sabi niya, “Siyempre kami rin, gusto rin naming tumulong sa movie industry.

“Gusto rin naming tumulong sa mga producers.

“So, as much as possible, hindi rin naman kami sobrang higpit, pero kailangan din na limitahan namin.

“So far, ako, wala akong na-encounter na palakasan even with my co-Board Member.

“Wala yung, ‘Ay, kilala ko yung producer na ‘yan.’

“So far, ako, wala akong experience na ganoon at sa third term ko.

"Wala yung iimpluwensiyahan ka… wala yun.

“Talagang nire-review namin at tinatapos namin.”



DISNEYLAND. Kailan lang, pumunta sa Hong Kong Disneyland si Gladys kasama niya ang buong pamilya.

Doon na rin nag-taping ang mister na si Christopher Roxas at ang tatlo nilang anak na sina Christophe, Aquisha, at Grant, para sa show ni Gladys sa NET 25 na Moments na ipapalabas ngayong February.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gladys, ang biyahe nila ay pagpapatupad sa request ng panganay na magdiwang sa Disneyland ng kanyang 7thbirthday noong January 23, sa halip na isang bonggang party.

Kuwento niya, “Four days kami sa Hong Kong tapos three days kami sa Disneyland, kasabay na rin ng birthday ni Christophe.

“Naisip ko, that would be the perfect time na pumunta na rin.

“Kasi, si Grant, two years old, then si Quisha naman, sobrang nakaka-identify na siya, at lalung-lalo na si Christophe, maa-appreciate niya.

“Luckily, fortunately, nag-send kami ng proposal, ang Moments sa Hong Kong Disneyland.

“Na-cover lahat—accommodations, meals. Sobrang tuwang-tuwa sila na lahat sila, nakapunta ng Disneyland.

“Si Christophe, nakapunta na noong two years old siya, pero hindi pa niya masyadong appreciate.

“Tapos doon sa Disney Hotel, si Mickey Mouse pa ang nagdala ng cake ni Christophe.

“So siguro, sobrang blessed lang din na this year, natupad yung... kasi nga, 7thbirthday ni Christophe, Disneyland talaga.

“Kaya lang, ang second baby ko, ‘Mommy, I also want on my 7thbirthday, Universal Studios, Singapore,’” natatawa niyang sabi.

Masaya raw si Gladys dahil yung mga hindi niya naranasan noong bata siya, naipaparanas naman nila ngayon sa mga anak nila.

“Sobrang lucky lang talaga na yung mismong mga taga-Disneyland, yun ang nakausap namin.

“Tapos, meron pa na in-arrange na before yung parade nila Mickey, kami muna… nakasakay rin kami sa karosa.

“Siyempre, kumakaway-kaway rin kami at feel na feel ko talaga!

“Pero siguro, sabi ng mga Chinese, ‘Sino ba ito?’

“Pero alam ninyo, maraming Pinoy kaya tuwang-tuwa rin sila.

“At natutuwa rin ang mga taga-Disneyland kapag nakikita nilang may mga Pinoy na nagpapa-picture.”



ONE SEASON. Samantala, hindi na napapanood ngayon ang naging pagbabalik na show ni Gladys sa Kapuso network na Nay-1-1 kunsaan, nakasama niya si Jaya.

Ano ang nangyari at tila mabilis nawala sa ere ang show nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, ang pagkakaalam ko talaga sa Nay 911, one season.

“Umabot pa siya ng 35 episodes. Araw-araw kasi.

“Sad lang na in a short span of time, naging close kami ni Direk Louie [Ignacio], Ate Iyay [Jaya].

“Tapos, para bang yung rapport, nandoon na.

“Pero on the other hand, kung iisipin ko rin, okay na rin kasi sobra rin napagod ang katawang lupa ko kasi araw-araw ang taping.

“Siyempre, alam ninyo naman kung gaano ko bina-value ang time ko with my family, with my kids.

“E, ‘eto, ang taping ng teleserye, twice a week lang o siguro sagad na ang thrice a week.

“So, may time pa rin ako with my kids. Ito, makikita nila ako sa umaga pero paalis na ako.

“Siyempre, pag-uwi ko, pagod na sila tapos ako, plastado na.

“So, parang feeling ko, sa sandaling yun, ang dami kong na-miss with the kids.

“Kaya siguro noong matapos, may part of me na nakahinga rin nang maluwag… napahinga rin ako.

“Alam ninyo, workaholic ako kung workaholic din, pero at the certain extent lang.”



UNDER CONTRACT. Nakapirma na si Gladys ng two-year exlusive contract sa GMA-7. Ano ang mga plano sa kanya ngayong tapos na ang Nay-1-1?

Sabi niya, “This Feb, parang magsisimula na ako ng bago kong soap. Hindi ko lang alam ang exact title.

“It’s either Snow White o Familia de Honor.

“Kung ako kasi, gusto ko rin na pambata. Welcome sa akin yun bilang nalilinya nga ako sa family-oriented.

“Pero kung babalik din ako sa hardcore kontrabida role, medyo matagal-tagal ko na rin na-miss.

“At saka, ako naman, hindi naman ako choosy sa trabaho lalo na ngayon, alam naman natin na ang dami nang artista, konti ang trabaho.

“But what is important, kung gaano pa rin ka-meaty ang role.”

Hindi pa nagsisimula ang pelikulang Sugo ng Iglesia ni Cristo kunsaan si Gladys ang gaganap na nanay ni Ka Felix Manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang Sugo ay life story ng founder ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Ka Felix Manalo, na gagampanan ni Richard Gomez.

Pero masayang kinuwento ni Gladys na natuwa siya na si Dawn Zulueta na ang nakuha bilang kapareha o asawa ni Richard Gomez sa pelikula.

“E kasi, di ba? Maganda na ang rapport nila ni Richard kaya masaya ako na siya ang natuloy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN