Sophie Albert on talk about relationship with Vin Abrenica: "We’re a loveteam, so awkward naman kung bawal na maging kami. Pero hindi talaga."

Parang na-shock ang female Artista Academy winner na si Sophie Albert sa first kissing scene niya with Vin Abrenica. Sabi niya, “Unang scene pa lang kasi, kissing scene. Talagang yun ang, ‘Oh, my God!’ Kasi, best friend kami, tapos kailangang mag-kiss!”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Artista Academy Best Actress winner na si Sophie Albert sa taping ng bagong Game ‘N Go All Stars ng TV5.

Napag-alaman namin na tila semi-regular na rin sila ni Vin Abrenica sa show.

Samantala, na-move naman sa February 11 ang pilot episode ng kauna-unahang nilang teleserye, ang Never Say Goodbye, na dapat ay ipinapalabas na.

Balitang nagkasakit kasi ang Superstar na si Nora Aunor kaya hindi ito makapag-taping.

Kuwento ni Sophie, “Ang alam ko nga po, may isang taping yata na nagkasakit siya.

“Pero wala kami ni Vin noong time na yun, nasa Korea kami kaya hindi ko talaga alam ang nangyari.”

Wala naman daw problema kay Sophie kung na-move man ang pag-ere nila.

Aniya, “Okay lang naman yun, kasi ang alam ko rin, marami pang ite-tape. So, better na handang-handa kami kesa madaliin pa.

“Hindi rin naman kami minamadali ni Direk Mac [Alejandre] kapag nagte-taping kami, inaalagaan niya rin kami.”



PRESSURED. Aminado naman si Sophie na may pressure ang nalalapit na paglabas ng teleserye nila ni Vin.

Dito rin sila kasi posibleng mahusgahan bilang sila talaga ang mga “homegrown” talents ng TV5.

“Siyempre, sobrang nape-pressure ako lalo na kapag nagte-taping kami kasi palaging nire-remind sa amin ni Direk Mac na, ’This is your own chance. You have to prove that you’re deserving.’

"At talagang tina-try ko ang best ko na sana maging okay.

“Pero, baguhan pa rin kami, marami pa kaming dapat na matutunan.

“Siyempre, hindi ko naman maibibigay ang naibibigay ni Ate Guy, but I’m trying.”



MAKE OR BREAK. Sa kabila ng lahat, overwhelming para kay Sophie ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng Kapatid network.

Sabi niya, “Hindi ko kasi akalain na ganoon kalaki agad ang ibibigay nila sa amin.

“Ang iniisip ko, magsu-support lang kami sa teleserye… hindi ko in-expect na kami ang magbibida sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, okay naman. Okay naman lahat kasi inaalagaan naman kami.”

Make or break daw para sa kanila ang Never Say Goodbye?

“Siyempre,” mabilis niyang sagot.

“Kasi kung hindi naman pala kami okay, bakit pa nila kami bibigyan ng break?

“Parang yung AA, wala na siya, wala na yung competition. This is the real competition.

“Kailangan naming ipakita na worth it yung pagkapanalo namin.”



FIRST KISSING SCENE. Kumportable naman si Sophie sa ka-loveteam niyang si Vin. Pero totoong nailang daw siya sa unang eksenang kinuhanan sa kanila dahil kissing scene agad.

Kuwento niya, “Unang scene pa lang kasi, kissing scene.

“Talagang yun ang, ‘Oh, my God!’ Kasi, best friend kami, tapos kailangang mag-kiss!”

Sabi nga ni Sophie, naninigas siya noong unang kuhanan ang kissing scene nila ni Vin.

“Yes, sobrang stiff ko na. So, napagalitan na ako ni Direk Mac. Parang ‘Loosen up, loosen up!’”

Paano siya naging okay pagkatapos?

“After a while, parang nakalma na ’ko, parang okay na.

“Hindi na ako masyadong ilang at saka alam ko naman na nirerespeto niya ako.

“Actually, aware naman ako na may kissing scene kami, e, first take kasi talaga.”

Kaya tuloy parang wala nang naniniwala na hindi pa talaga sila ni Vin.

“Yeah, feeling nga nilang lahat, kami na.

“But we’re so close talaga and ever since, best friend talaga kami,” paniniguro ni Sophie.



HONESTLY. Best friend pa rin talaga sila hanggang ngayon?

“Yes,” tugon ni Sophie. “And we’re just starting our career.

“And siguro, it’s not common for boy and girl to be super close with each other na walang anything.

“I mean, he’s a nice guy. Pero, wala…” giit pa niya.

Hindi kaya sila sabihan na mga baguhan pa lang, pero nagde-deny na sila?

“No, we’re not denying anything.

“Pero whatever we feel, whatever we say, yun ang totoo at hindi kami nagsu-showbiz para lang sa loveteam namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, hindi rin kami nagso-showbiz—hindi lang kami. So, why would we deny?

“At saka, we’re a loveteam, so awkward naman kung bawal na maging kami. Pero hindi talaga.

“At saka, kakasimula ko lang. Hindi naman ako pumasok ng AA para magka-lovelife.”



ADJUSTMENTS. Masasabing buwan pa lang talaga ang itinatagal nilang dalawa ni Vin sa showbiz at bilang artista.

Sa ilang buwan na yun sa mundo ng showbiz, ano na ang mga nabago sa kanya?

Ayon kay Sophie, “Siguro ano, mas naging dedma ako.

“Dati kasi, kapag may mga naririnig akong sabi-sabi, naaapektuhan ako.

"Ngayon, dedma."

Ano yung mga sabi-sabi na naapektuhan siya?

“Yun nga, yung hindi sila naniniwala na hindi kami. Hindi namamansin o sasabihin nila na lumaki ang ulo ko.

“Never ko pa silang nakakausap, paano naman nila nasabi yun?”

Nasasaktan ba siya?

“Dati, oo, nasasaktan ako. Pero ngayon, dedma na lang.”



CRITICISMS. Yung sinasabing lumaki na ang ulo niya at hindi namamansin, naging constructive criticism ba yun sa kanya o naging defensive siya sa mga pamumuna sa kanya?

“Ako kasi, if that came from someone I do not know, bakit ako maaapektuhan?

“And if I know I’m doing the right thing, why would I listen to someone who tells me I’m doing something wrong?

“And then, minsan, ginagamit ko rin siya sa teleserye as motivation.

“So, good and bad, I guess.”

Kung hindi na nga lang isa o dalawa ang nagsasabi na hindi siya namamansin, may pagka-suplada siya, paano niya maipapakitang hindi nga siya ganoon?

Sabi ni Sophie, “Even before AA, ganoon na yung sinasabi sa akin, kasi mahiyain ako.

“And it never bothered me kung sinasabing suplada ako.

“Kasi, sa lahat naman ng taong nakakakilala sa akin, parang sinasabi na, ‘Kalog ka pala, ganyan ka pala!’

“I’m kengkoy, but it takes time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POLITICAL RELATIVES. Aware ba siya na ang pagiging Cojuangco niya raw ang posibleng dahilan kaya parang may pagka-suplada ang dating niya sa ilan—na mayaman daw kasi ang angkan nila?

“I don’t think it’s fair to judge that way,” sabi naman ni Sophie.

“Kaya nga hindi ko ipinagmalaki kung saan ako galing… ayoko na yung konting mistake ko, ganoon na kalaki.

“I don’t think it’s fair to be judged with my family.”

Ngayong nasa showbiz na siya, willing ba siyang mag-adjust?

“Oo naman, I’m trying. Hindi ko naman mababago ng ganoon agad.

“Ayoko namang plastikin ang sarili ko… I’m trying slowly.

“Mas nagiging friendly na ako—tina-try kong mag-open up sa mga tao and I’m enjoying.

“Masarap pala yung feeling na first time mo ma-meet, naka-chikahan mo.”

Kahit paano, mas open na ngayon si Sophie na pag-usapan ang pagiging Cojuangco niya o relasyon niya sa ibang kilala na rin sa showbiz.

Kumusta ang mga kamag-anak niya sa Cojuangco side ngayong artista na rin siya?

“My lolo, my lola, lahat sila, they are happy for me. They gave me advice.”

Sila ni Kris Aquino, nagkita na ba sila o na-congratulate na ba siya nito?

“Hindi at saka hindi naman kailangan, di ba? But her siblings, they congratulated me.”

Si President Noynoy Aquino ay nakausap na rin daw niya.

“Sabi lang niya, ‘Congratulations,’ na parang hindi ako makapaniwala.

“’Noong bata ka, binibigyan lang kita ng ice candy.’

“Noong bata ako, magkatabi lang ang bahay namin. Lumaki ako na kasama niya."

Bukod sa mga Cojuangco, ang nanay ni Sophie ay kapatid ng tatay ni Tanya Garcia, kaya magpinsang-buo sila nito.

Sumuporta rin ba ang mga ito noong lumaban siya sa Artista Academy?

“Hindi nga lang kami nagkita noong Christmas. Kasi, usually, kapag Christmas, nagkikita kami.

"I guess, nasa Pampanga sila [Tanya],” sabi ni Sophie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN