StarStruck Batch 1 members plan second and bigger reunion

Eight members of the original StarStruck Batch 1 contestants met last January 20 at a KTV bar in Makati for a semi-reunion. In attendance were Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Katrina Halili, Sheena Halili, Jade Lopez, and Cristine Reyes.


Pagkatapos magkaroon ng semi-reunion ang Batch 1 ng GMA-7 reality-based artista search na Starstruck—na pinangunahan ng winners na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado—noong nakaraang Linggo, January 20, pinaplano na naman nila ang pangalawa nilang reunion na kailangan makumpleto na raw sila.

(CLICK HERE to view photos of the first reunion.)

Sabi ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Baka mga two weeks from now, itutuloy namin ang reunion namin uli.”

Ang dami raw kasing hindi nakarating nung unang reunion nila, kaya ngayon ay titiyakin daw nilang makadalo na ang mga kasamahan nila na nandito sa Pilipinas.

Dagdag na kuwento ni Jade Lopez, “Si Christian [Esteban] lang siguro ang wala kasi sa States na siya.

“Pero sina Nadine [Samonte], Dion [Ignacio], sina Alvin [Aragon], kailangan kasama na sila.”



THE FIRST REUNION. Masayang ikinuwento ng ilang members ng StarStruck Batch 1 sa PEP ang napakasayang pagkikita nila noong gabi ng January 20 sa isang KTV bar sa Makati.

Bukod kina Mark at Jennylyn, ang mga dumating sa unang reunion ng StarStruck ay ang First Prince at First Princess na sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi, at ang Avengers na sina Katrina Halili, Sheena Halili, Jade Lopez, at Cristine Reyes.

Kuwento ni Jade, “Hindi lang talaga nakapunta si Nadine kasi nasa Cebu daw siya.

“Si Christian naman, nasa U.S. Si Dion, nasa Vigan… dapat hahabol siya nun kaso ang layo, e.

“Si Anton [dela Paz], biglang nagkaroon ng flight, kasi flight attendant na siya ngayon.

“Si Alvin, bed rest daw yung asawa.”

Ang napangasawa ni Alvin ay ang dating SexBomb dancer na si Izzy Trazona.

Natatawang kuwento pa ni Mark, “Talagang nag-enjoy naman kami nung time na yun, nung gabing yun, at kahit maagang nagsiuwi dahil nanay na yung mga ka-batch namin, di ba?

“Sabi nga ni Buboy [palayaw ni Rainier], kasi umiinom kami, di ba, parang medyo nabitin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Kung gusto n’yo pa lang maaga na umuwi, dapat mga 1 p.m. pa lang nag-start na tayo.’”

Kaya doon ay napagkasunduan nilang kailangang maulit at dapat ay kumpleto na sila.

Sabi naman ni Katrina, “Sana yung StarStruck Batch 1, yung mga ka-family namin, sabi magkita-kita tayo ulit, di ba?

“Masarap namang balikan yung dati, e, di ba? Masarap balikan yung saan tayo galing.”

Kaya ngayon ay aayusin na raw nila para makarating na ang lahat na kamiyembro nila.

Nangako rin daw ang kanilang direktor noon na si Lino Cayetano na sasama ito. Baka nga raw gawin nila sa bar na pag-aari ni Direk Lino sa The Fort ang ikalawang reunion nila.

TENTH ANNIVERSARY. Ang isa pang pinaghahandaan ng grupo ay ang kanilang 10th anniversary sa October.

Tumakbo kasi ang StarStruck mula October 27, 2003 hanggang February 1, 2004.

Saad ni Yasmien, “Sa October kasi, di ba, yung parang tenth year na ng StarStruck Batch 1.

“Plano namin, kung hindi malaking celebration talaga, or baka mag-out of the country kaming lahat.”

Gusto raw nilang walang mabubuwag sa kanilang grupo na habang tumatagal ay lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan.

Ito ay sa kabila ng nalagasan na ang unang batch ng StarStruck dahil sa pagkamatay ni Tyron Perez noong December 29, 2011.

Sabi ni Jennylyn, “Feeling ko, yung batch namin yung pinaka-solid, e. Saka yung pinaka-totoo sa lahat.

“Kasi nung time namin nag-audition kami, hindi namin alam kung ano ba’ng patutunguhan nung pag-o-audition namin.

“Kami yung grupo na walang competition.

“Kami yung talagang iba ang relationship, ang friendship, ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN