Richard Gutierrez on renewing his contract with GMA-7: “Hindi ko pa alam… hindi ko pa alam.”

Sa bagong soap na gagawin ni Richard Gutierrez, nais niyang isang bagong mukha ang kanyang maging leading lady. Aniya: “It’s either yung hindi ko pa nakakatrabaho before para exciting, para fresh... Halos lahat nakatrabaho ko na sa GMA.”


Dahil tatakbong kongresista sa Cebu ang ina niyang si Annabelle Rama, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard Gutierrez kung wala rin ba siyang balak tumakbo sa pulitika in the future.

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi ko nakikita sa sarili ko. Parang I wanna stick to the arts, movie, TV.

“I wanna direct in the future, so mas nakikita ko yung sarili ko sa ganoong mundo.

“Hindi ko masyadong nakikita yung sarili ko sa mundo ng politics.”

Hindi masyado, ibig sabihin ay may posibilidad?

“Hindi ko alam, e. Hindi ko pa na-e-entertain yung idea or hindi ko pa... kumbaga, hindi ko pa nakikita,” sabi ni Richard.

Ang mommy ba niya noon ay nakitaan na nila ng pagkagusto sa pulitika?

“Dati, inalok na rin siya... ayaw niya.

“Siguro nga, parang right timing lang din ngayon na gusto talaga niya.

“And parang naging calling niya and naramdaman talaga niya.

“Ipinagdasal niya, humingi siya ng blessing, so ayun.

“So far, so good, dahil yung mga tao, talagang minamahal na rin siya sa Cebu, maganda yung rating niya, so…”

Baka magkaroon din siya ng calling in the future?

“Hindi ko masasabi, e,” pilit niyang sagutin.



PRODUCER. Hindi lang artista si Richard dahil bukod sa kagustuhan niyang maging direktor, isa ring producer ang binata.

“Actually, marami ang hindi nakakaalam, pero nakapag-produce na rin ako ng dalawang movies.

“Yung Patient X [2009] tsaka yung sa amin ni KC [Concepcion], yung sa Palawan, yung When I Met You [2009].

“Yung RGUTZ Company ko, co-producer ako.”

May plano ba siyang mag-produce muli?

“Meron naman, siguro at the right time lang din.

“Kasi ngayon, mahirap din kasing mag-co-produce, e. Parang it takes a lot of time.

“Pero ngayon, nandiyan naman yung Regal Entertainment.

“I completely trust naman yung kakayahan nila and maganda naman yung project na ibinigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siguro, may tamang panahon din for that.”



SEDUCTION. Hindi ba niya naisip mag-co-produce sa bago niyang pelikula na Seduction?

“Hindi ko nga naisip, sayang nga, e!” ang natatawang sinabi ni Richard.

“Ang gandang project, e. Pero okay lang, okay lang, wala naman akong ano kasi...

“Si Mother [Lily Monteverde] din naman ang nagbigay sa akin ng opportuntiy na ganito, di ba?

“So, suportahan ko na lang din yung pelikula kahit hindi ako co-producer.”



TALENT FEE ISSUE. Wala na sa ere ang reality TV show nina Richard at Marian Rivera na Extra Challenge. Bakit bigla itong tinanggal sa ere?

Aniya, “Hindi ko nga alam, e... It was a successful show.”

May balitang lumabas na nagde-demand siya ng mas mataas na talent fee kaya napagdesiyunang alisin na lang ito. Totoo ba ito?

“Hindi! Alam naman nila yung TF ko from the start. Tsaka naka-set naman yun e, yung TF ko, e.”

So bakit nga tinapos?

“Hindi ko alam. Siguro dapat ang sumagot yung mga taga-News And Public Affairs.

“Kasi alam ko, the show was doing very well—maganda yung show, inaabangan ng mga tao.”

Nang sabihin sa kanya na last taping day na nila, ano ang naging reaksiyon niya?

“Nagulat ako, siyempre! Kasi ini-expect ko na mas mahaba.

“Tinanong ko sila, pero yung sagot din nila sa akin, hindi ko rin masyadong maintindihan.

“Pero ganoon talaga, e, sa TV, hindi mo rin masasabi, e."



ANOTHER SOAP. Kahit natapos na ang Extra Challenge, ibinalita naman ni Richard na meron nang kasunod siyang project sa GMA-7.

Sabi niya, “Pero okay lang, kasi may bagong project naman na ibibigay sa akin ang GMA—soap opera.

“Wala pang final casting, e, pero it’s on the works and malapit na raw kaming mag-start.”

Hindi pa rin alam ni Richard kung sino ang leading lady niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pang sinasabi sa akin, pero I think may mga binanggit na sila sa akin.”

Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang maging leading lady sa susunod niyang project?

“Well, it’s either yung hindi ko pa nakakatrabaho before para exciting, para fresh.

"Pero kasi, halos lahat nakatrabaho ko na sa GMA.

“Gusto ko ulit makatrabaho si Lovi [Poe] kasi nagtrabaho kami before noon sa Captain Barbell.

“Pero part lang siya, hindi siya talaga yung focus noong ano, e.

“Okay si Lovi, gusto ko rin siyang makatrabaho sa teleserye.

“Si Marian, hindi ko pa nakakatrabaho sa teleserye, never ko pang nakatrabaho si Marian sa teleserye.”

So hindi totoong aalis siya sa GMA-7?

“Sino nagsabi noon? Hindi!” diin niya.



CONTRACT. Hanggang kailan ang kontrata niya sa GMA?

“Malapit nang mag-end, mga in a few months...

“Matagal pa, medyo matagal pa actually, so ayoko ring i-entertain yung mga idea na paglipat... ganyan-ganyan.”

May offer ba ang ibang istasyon sa kanya?

“Hindi ko alam, e. Ako, nagko-concentrate lang muna ako sa trabaho ko.

“At saka nakakahiya rin sa GMA kasi siyempre may mga projects pa silang gagawin for me, so...”

Magre-renew ba siya?

“Hindi ko pa alam… hindi ko pa alam.”

Pero siguradong may bago siyang soap opera sa Kapuso network?

“Iyon ang sabi nila, iyon ang sabi nila."



DEGLAMORIZED ROLE. Papayag ba si Richard maging kontrabida o mag-portray ng isang medyo grey at deglamorized character sa isang project?

“Puwede, I’ll entertain that. Yung character ko sa Seduction, parang ganoon, e.

“Medyo deglamorized ako sa Seduction, may ano ako doon, hindi ako masyadong nag-aayos.”

Umaasa ba siya na mano-nominate siya for an acting award para sa Seduction?

“Well, ibinigay ko yung best ko sa Seduction, so kung mapansin man iyon, blessing ulit yun, di ba?

“Kumbaga, plus yun, kasi maganda na nga yung movie namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, kung ma-recognize pa kami as an artist, kami nila Solenn [Heussaff] at Sarah [Lahbati], mas magandang blessing.

“Pero as of now, happy kaming lahat, happy si Direk Peque [Gallaga] sa performance namin and talagang sabi nga niya, unexpected daw yung performance.

“So kung si Direk Peque masaya, masaya ako.”

Kung papipiliin si Richard, award or box-office success ba for Seduction?

“Gusto kong mapanood ng mga tao... gusto kong mapanood ng mga tao.”



GAY ROLE. Payag ba si Richard na gumanap ng gay role?

Sagot niya, “Kung maganda yung project, kung maganda yung pagkakasulat, kung maganda yung magiging treatment.”

Hindi nakasara ang isip niya dito, pero hindi pa naman daw siya naaalok ng ganoong klase ng role.

“Hindi pa,” kumpirma naman niya.

“Pero siyempre, may mga characters din ako na gusto kong gawin, di ba?

“Yun nga, like gusto kong gumanap na military man, pero kung mao-offer-an ako ng isang magandang project, siyempre pag-iisipan ko muna.

“Depende sa project siyempre, pag-aaralan muna natin.”

Wala naman daw siyang limitations na sine-set pagdating sa pag-aartista.

“Wala naman, wala naman. Kung ano yung magandang project.”

Kung role ng isang macho dancer?

“Tingnan natin.”

Hindi niya totally inaayawan ito?

“Hindi, pero baka mahirapan ako doon!” ang natatawang sinabi ni Richard.

Saang part siya mahihirapan, sa acting or sa pagsasayaw?

“Pagsayaw at saka pag-portray ng ganoon—mahirap, mahihirapan talaga ako doon.

“Pero depende nga, e, depende nga sa kuwento.

“Kasi kung maganda naman yung kuwento, di ba, bakit hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN