PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Representative Risa Hontiveros wants Iza Calzado to portray her in a biopic

Risa, a former theater actress, would love to play Fantine in Les Miserables.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 30, 2013
Ito ang pananaw ni AKBAYAN Representative Risa Hontiveros tungkol sa pagpaparetoke: "I think it should be an option for people whether women or men. For me? Ako, naniniwala ako in growing old gracefully. Pero I know may mga kabaro ako who feel na for their own health or self-esteem, they would love to avail of it—and I think they have the right. Ako, I hope na puwedeng pumuti ang buhok ko at madagdagan yung sana mas maraming laugh lines ko sa mukha at kung saan-saan pa,

In a TV interview, sinabi ni dating AKBAYAN Party List representative Risa Hontiveros na kung sakaling gagawing pelikula ang buhay niya, si Iza Calzado ang pipiliin niyang gumanap bilang siya.

And immediately after, nag-tweet si Iza thanking Risa sa pagkakapili nito sa kanya.

Sinabi pa ni Iza in her tweet, “I am so honored!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Risa sa presscon na ipinatawag niya noong Lunes, January 28, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Bakit si Iza ang napili niya na gumanap bilang siya?

Paliwanag ni Risa, “Ay naku, si Miss Iza, she’s such a sweet young woman talaga and napaka-modest!

“I just love the way she acts, it so unaffected, napakasimple, napaka-essential. Parang andun lang sa surface ng balat niya.

“Napaka-unself-conscious niya. Parang gusto kong maging tulad niya.

“I will be honored kung siya ang gaganap bilang ako.”

Paborito rin daw ni Risa sina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Cesar Montano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



THE WIDOW. Kung si Iza ang gaganap na siya, si Cesar Montano naman ang gusto niyang gumanap bilang late husband niya na si Frank Baraquel.

Namatay ang kanyang mister, isang police superintendent, dahil sa atake sa puso noong May 2005 sa edad na 43.

Biyuda si Risa, at kung sakaling maghahanap siya ng panibagong lalaking mamahalin, ang gusto sana niya ay: “Mabuting tao at matalino.”

Si Presidente Noynoy Aquino, na isang bachelor, ay papasa ba sa standards niya?

“He’s definitely a good person and he’s a smart President,” sagot ni Risa.

Bilang isang biyuda, mag-isa niyang napalaki ang apat niyang mga anak.



BEAUTY ENHANCEMENT. Tumatakbong senador ngayong 2013 elections si Risa. Inendorso siya dati ni Kris Aquino, ngayon ba ay tutulungan pa rin siya ng TV host-actress?

“Naku, sana! I’m really hoping for her support again. Hihingin ko talaga yung tulong niya,” sagot niya.

Natanong din si Risa tungkol sa pagpaparetoke.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Agree or disagree? I think it should be an option for people, whether women or men.

“For me? Ako, naniniwala ako in growing old gracefully.

“Pero I know may mga kabaro ako who feel na for their own health or self-esteem, they would love to avail of it—and I think they have the right.

“Ako, I hope na puwedeng pumuti ang buhok ko at madagdagan yung sana mas maraming laugh lines ko sa mukha at kung saan-saan pa, na I can just stick to the simple beauty regimen that I do.”

Ano naman ang pananaw niya sa beauty contests?

Sagot niya, “Never akong naimbita sa mga beauty contests.

“Siguro kasi, all my teenage life, mula high school, aktibista na ako noon, so walang nag-imbita sa akin.

“And when I was growing up, hindi ko talaga pinangarap ‘yan.”

Nakatulong ba ang ganda niya sa pagiging aktibista niya?

“Actually, nung bata ako, parang walang nagre-react sa akin na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nag-organize ako sa mga magsasaka at mangingisda sa Rizal, nag-immersion ako sa mga mangingisda sa Laguna.

“Yung mga rally ko noon sa lansangan, kasama lahat ng klase ng tao.

“Minsan may mga nagtatanong sa akin, ‘Bakit ka nandito? Ano ang ginagawa ng isang mestisa na middle-class girl dito sa mundo namin?’

“So you can only explain so much in words, so ang ginawa ko na lang is I stuck around, hindi ako nagbago sa mga paniniwala ko, sa ugali ko.

“I suppose, over time, sila na lang ang nagbago ang isip, na naging kumportable sila sa presence ko kasama nila.

“Naniwala ako na yung mga paniniwala namin ay nagkakaisa nga.”



SEXUAL HARASSMENT. Ano naman ang pananaw niya tungkol sa sexual harassment? Nakaranas na ba siya ng ganito?

“Salamat sa Diyos, wala pang physical na harassment.

"Pero, yeah, in this sexist world, may mga sexist jokes, yung mga tatawagin akong ‘darling,’ ‘sweetheart.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sasabihin ko, ‘I’m not your darling, I’m not your sweetheart,’ yung ganun.”



THEATER ACTRESS. Dating theater actress si Risa, at kung mabibigyan ng pagkakataon na muling gumanap sa isang play, ang gusto niyang gampanan ay…

“Naku, having just watched the film [Les Miserables], I have to say Fantine!

“Oh, my God, si Anne Hathaway, grabe! Nung kinakanta niya yung ‘I Dreamed A Dream,’ tapos yung mamamatay na siya, nakikita niya si Cosette, oh wow!

“I would love to do that role.”

Theater at music daw ang first love niya.

Si Risa ay tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party ni PNoy.

Naging Congresswoman siya for two consecutive terms (2004 to 2010), at siya ang author ng maraming legislative measures, tulad ng Cheaper Medicines Act at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms Law.

Nakakapukaw-loob ang kanyang credentials: Cum Laude graduate, AB Social Sciences sa Ateneo de Manila University; isa siyang award-winning broadcast journalist na ginawaran bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) Award for Peace Advocacy from the Philippine Jaycees noong 2001; at dahil sa kanyang artistic talent bilang theater actress, nakasama na siya nina Lea Salonga at Monique Wilson para sa local theater version ng The Sound of Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang pananaw ni AKBAYAN Representative Risa Hontiveros tungkol sa pagpaparetoke: "I think it should be an option for people whether women or men. For me? Ako, naniniwala ako in growing old gracefully. Pero I know may mga kabaro ako who feel na for their own health or self-esteem, they would love to avail of it—and I think they have the right. Ako, I hope na puwedeng pumuti ang buhok ko at madagdagan yung sana mas maraming laugh lines ko sa mukha at kung saan-saan pa,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results