Max Collins on doing a lead role: “That’s all I wanted… to act and be respected as an actress—hindi bilang isang celebrity.”

Natutuwa si Max Collins sa papel na ginampanan niya sa GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali. Kuwento niya, “Kasi before, when I used to portray role na hindi masyadong nagustuhan ng mga tao, hindi kasing-warm ang pagtanggap nila sa akin. But now, mas maganda ang role, I think people like me more.”


Posibleng hanggang unang linggo na lang ng March mapapanood ang GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali, at walang planong extension na gagawin ang production.

Kahit na may mga nagre-request na i-extend pa ito, katuwiran ng production, gusto nilang ma-maintain ang kuwento ng serye kaysa ito lumalaylay.

Sa cast ng Pahiram Ng Sandali, si Max Collins ang masasabing “baguhan” kumpara sa lahat ng nandoon—sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, Mark Gil, Sandy Andolong, Neil Ryan Sese, at Dingdong Dantes.

Sa kanya napunta ang isa sa lead roles at mukhang hindi naman nga nagkamali ang GMA-7 sa pagbibigay nito sa kanya.

“Every good thing comes to an end… nag-enjoy rin po ako nang sobra,” sabi ni Max nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Lola’s Restaurant kagabi, January 29.

“Naging family rin kami sa show at yun ang nakakatuwa.

“Noong nag-umpisa, sobrang kinabahan ako.

“I didn’t know if I could meet the expectation of everyone…

“But after a while, naging kumportable ako sa kanila and they were so supportive of me.

“Ang dami ko rin natutunan sa kanila. And I can’t imagine a better experience.

“I think, this is the best show I’ve ever done and the most I’ve learned from any show.”



MOST DIFFICULT. Napapanood na gabi-gabi ang mga episodes na masasabing mga highlight na talaga dahil nagkaalaman na ng mga lihim.

Ayon kay Max, nalaman na ng karakter niya ang namagitan sa kanyang ina sa serye na si Lorna Tolentino at sa boyfriend na si Dingdong Dantes.

Maituturing daw niyang isa sa pinakamahirap na emosyon na kinailangan niyang gawin dito.

“I think, hindi pa siya heavy, pero yun ang pinakamahirap na emotion.

“Kung heavy lang, it can be pain o sadness, but parang halo-halo ang emotion ni Cindy noong time na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon ang pinakamahirap, I think, for me.

“Matagal ko talagang... well, ever since na nagsimula kami, iniisip ko na kung paano ako magre-react kung mangyayari yun sa akin.

“I think I gave justice for myself kasi naramdaman ko talaga ang confusion, pain sa eksena.”

Bilang kasama sa lead cast, ano ang mga binago sa kanya ng Pahiram Ng Sandali?

“Marami, marami pong nabago,” sagot niya.

“I think I became more confident with my ability to act because I never thought that I’ll be acting with veteran actress…

“Like, katulad ni Ms. Lorna, Mr. Christopher. Of course, si Dong din.

“And besides that, I think I matured sa show.”

Yung pagdating sa popularidad, may nakita rin ba siyang pagbabago?

“Iyon ang hindi ko masyadong iniisip.

“Apparently, I think bumait ang mga tao sa akin. Yung dating ayaw sa akin, mabait na!” natawa niyang sabi.

“Kasi before, when I used to portray role na hindi masyadong nagustuhan ng mga tao, hindi kasing-warm ang pagtanggap nila sa akin.

“But now, mas maganda ang role, I think people like me more.”



ACCOMPLISHED STAR. Marami ang nagsasabi na dito sa Pahiram Ng Sandali ay lumabas ang husay ni Max sa pag-arte.

“Super blessed lang ako,” ngiti niya.

“That’s all I wanted… was to act and be respected as an actress—hindi bilang isang celebrity or anything like that.

“And the fact na nabigyan ako ng chance, people received it well… I’m just so thankful that they received it well.

“Nakakatuwa, nakakataba ng puso, and I just want to keep doing what I’m doing now because I love acting and I’m giving everything.”

Naniniwala si Max na napakalaking bagay na ang direktor nila sa Pahiram Ng Sandali ay si Maryo J. de los Reyes.

Aniya, “Sobra, napakagaling niyang director. At bawat eksena, ibinibigay niyang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang very detailed siya sa lahat ng ginagawa niya and para sa amin.

“That’s why lahat kami, I guess na-inspire sa kanya to be the best that we can be dahil sa kanya.”



FIRST TEAM-UP. Unang beses na maging magkapareha sina Max at Dingdong, at marami na ang nakapansin sa chemistry nilang dalawa.

Reaksiyon ni Max dito, “Natutuwa po ako kasi, yun ang trabaho po namin as a loveteam or as an actress—to have chemistry together.

“E, mahirap kapag walang chemistry ang isang artista.

“Nakakatuwa kasi, we worked well together. We both give as much as we can sa scene…

“Kaya it’s an honor to work with him because he’s not just a good actor, but generous siya sa emotion niya.”



BASHERS. Sa Pahiram Ng Sandali nga raw, nagkaroon ng mga bashers si Max.

Pero kung sila pa rin ang ipagpapareha ng GMA-7 sa susunod, hindi kaya madagdagan pa ang bashers niya?

Sabi niya, “I think, it’s just work naman talaga.

“So, kung siya ang maging ka-partner ko next time, that’s great because he’s a great actor.

“Kung hindi, I’m open naman with other partners as well.”

Bilang leading man niya si Dingdong, ano naman ang mga nadiskubre niya rito?

“May pagka-dorky rin siya. And he’s a very nice person. Mabait talaga siyang tao sa lahat.

“May pagka-introvert—tahimik siya minsan, minsan naman madaldal... but I see him more quiet.”

“Sana,” nakangiting sagot niya kung lead role ba muli ang dapat niyang gagawin.

Hindi na siya papayag na mag-support o second lead?

“Kung ano po ang desisyon ng management.

"For me, basta work, I’m happy to work.

“Ayoko lang mawalan ng project,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN