Max Collins wants to find American father to answer "many questions" about herself

Marami raw katanungan si Max Collins sa kanyang sarili na sa palagay niya ay may kinalaman sa kanyang ama. Saad ng Kapuso star, “Ayoko namang isipin why I’m not in a relationship now is because I have many questions about men—most especially my dad who I never had a familiar relationship to begin with. So maybe there is this empty space in me that has many questions with regards to my father. Mapi-fill out siguro ‘yan once I find him and perhaps a


Inamin ni Max Collins na may mga eksena siya sa Pahiram Ng Sandali na nahihirapan siyang gawin.

Ito ay ang mga eksena niya kasama ang Drama King na si Christopher de Leon, na gumaganap bilang kanyang ama.

Bukod sa nai-starstruck siya sa award-winning actor, hindi raw siya masyadong maka-relate sa mga eksena involving father and daughter.

Paliwanag ni Max sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dun nga ako nagkakaroon ng problema.

“With Tita Lorna [Tolentino, who plays her mom], walang problema because I am very close to my mom at inilalagay ko yun sa scenes namin.

“But with my scenes with Tito Boyet, dun ako medyo hirap because never ko kasing naranasan yung maging close sa father ko.

“I guess everyone knows that naghiwalay ang parents ko when I was just four years old. So wala akong masyadong recall sa dad ko talaga.

“I had a stepfather pero hindi rin ako naging close sa kanya.

“It has always been my mom yung nakakasama ko at napagsasabihan ko ng mga bagay-bagay.

“Kaya when it comes to father-daughter thing, wala akong masyadong maipakitang emotion because I never had that kind of relationship when I was growing up.”

THE SEARCH. Para magkaroon ng closure si Max sa kanyang American father, na nagngangalang Christian Collins, ay hinanap daw niya ito.

Pero nahirapan siyang i-locate ito dahil pangkaraniwan daw ang pangalan nito.

“My dad had a very common name. So to even get his Social Security Number, ang hirap because ang dami niyang kapangalan in every State sa U.S.

“So it’s like searching for a needle in a haystack.

“And would you believe, I don’t even have a picture of him?

“When me and my mom left San Francisco to live in Boracay, naiwan yung mga photo albums sa dating house namin sa SanFo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na namin nabalikan at nakuha ang mga iyon. Kaya wala ako kahit isang picture niya.

“But God knows how I tried looking for him and I will continue to look for him.”

Na-realize nga ni Max na tila may kulang sa buhay niya sa kabila ng magandang takbo ng kanyang showbiz career ngayon.

“I read nga that a daughter’s relationship with her father is the model for all her relationship with men.

“Ayoko namang isipin why I’m not in a relationship now is because I have many questions about men—most especially my dad who I never had a familiar relationship to begin with.

“So maybe there is this empty space in me that has many questions with regards to my father.

“Mapi-fill out siguro ‘yan once I find him and perhaps ask him what happened.

“Kung mangyari ‘yon, maybe all my questions will be answered and I can start fresh again,” nakangiting sabi ni Max.



BENJAMIN ALVES. Inusisa rin ng PEP kay Max kung ano ang nangyari sa closeness nila ni Benjamin Alves. Kung bakit ito nauwi sa pagiging magkaibigan na lang pagkatapos nilang magtambal sa Coffee Prince.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi ko rin alam... hindi ko naman siya tinanong pa.

“We did go out before. Okey naman kaming dalawa.

“But after Coffee Prince ended, hindi na rin kami masyadong nagkikita.

“We text naman one another naman, pero bihira na rin.

“But okay naman kami ni Ben as friends.

“Siguro hanggang doon lang talaga kami.”

Wala rin daw nanliligaw kay Max ngayon. Kahit nga raw yung nagpaparamdam na gusto siyang ligawan ay wala.

“Hindi yata ako ligawin talaga!” tawa pa niya.

“I don’t know, but I guess boys are quite intimidated sa akin.

“Baka they think I’m high-maintenance or mahirap pakisamahan.

“Hindi ako gano’n. I’m very normal at hindi ako maarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or maybe, I just don’t show enough interest when I get to meet someone. Baka dedma rin lang ako kaya dedma na rin sila.

“But there’s nothing for me to worry kasi hindi naman ako naghahanap ng magiging boyfriend. Focus ako sa career ko.

“Siguro nga, kaya wala akong interest pa meeting somebody, may kinalaman sa trabaho ko ngayon.

“I believe naman that things will happen in God’s time.

“Hindi mo kailangan madaliin ang lahat,” saad ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN