Gerald Anderson declines to comment about incident with Maricel Soriano

Gerald Anderson declined to comment about the incident involving him and Maricel Soriano. The Kapamilya actor explained, “It’s not the right time right now para sumagot sa mga isyu.”


Ayaw na munang magkomento ni Gerald Anderson tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Maricel Soriano.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Gerald sa premiere ng Chinese Zodiac noong Martes, Enero 29, hiniling ng binata na huwag na munang pag-usapan ang insidente.

“It’s not the right time right now para sumagot sa mga isyu,” pagtanggi ng Kapamilya actor.

“Pero tuloy, tuloy [ang teleserye],” pagtukoy niya sa upcoming teleserye niya na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay napabalita ang paninigaw ng Diamond Star kay Gerald dahil nakailang takes daw ang young actor sa kanilang eksena.

Bagamat mayroon ding nagsasabi na si Maricel ang hindi makakuha ng tamang pag-arte para sa eksenang iyon.

(CLICK HERE for related article.)



WORKING WITH DAWN. Samantala, masaya naman si Gerald na muling makatrabaho si Dawn Zulueta.

Noong Enero 29, pormal na inanunsiyo ng ABS-CBN na si Dawn na ang papalit sa role ni Maricel, matapos mapagdesisyunan ng network na i-pull out ang Diamond Star mula sa proyekto.

(CLICK HERE for related article.)

Unang nagkatrabaho sina Gerald at Dawn sa pelikulang Catch Me I’m In Love, kung saan nakapareha ng young actor si Sarah Geronimo.

“Sobrang [masaya]!” bulalas ni Gerald.

“We’re very blessed na napasama siya sa cast namin.

“Hindi pa kami dire-diretso kasi yung script and everything, but [we are taking it] day by day.

“Happy ako dahil may project ako at may bagong blessings.”

Bukod kina Gerald at Dawn, kasama rin sa teleserye sina Cristine Reyes, Tonton Gutierrez, Rayver Cruz, at Diana Zubiri.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN