Drew Arellano on rumored engagement to long-time girlfriend Iya Villania: “Tingnan n’yo na lang yung singsing…”

Ipalalabas na sa February 1, 2013 ang pinakabagong travel show ni Drew Arellano, ang Biyahe Ni Drew, sa GMA News TV.


Maugong ang balita na humantong na sa engagment ang halos nine-year relationship ng TV hosts na sina Drew Arellano at Iya Villania.

Sa pocket presscon na ginanap kanina, January 30, para sa bagong show ni Drew sa GMA News TV, ang Biyahe Ni Drew, hindi naiwasang itanong press kung may balak na nga bang magpakasal ang dalawa.

Ngunit hindi pa rin ito direktang sinagot ni Drew.

Aniya, “Meron naman, meron naman.”

Nag-propose na ba siya kay Iya?

“Papunta na doon yun… tingnan n’yo na lang yung singsing,” pabirong sagot ni Drew.

Ano pa bang hinihintay nila?

“Oras, [right time].”

Nabanggit din ni Drew ang magandang relasyon ng kanyang ama na si Atty. Aga Arellano sa kanyang kasintahan.

Kuwento niya, “Actually, anak na anak na nga niya yun [Iya], e, grabe.

“Lukang-luka yung tatay ko sa babae na yun.”



GETTING STRONGER. Tinanong din ng press si Drew kung ano nga ba ang sikreto ng patuloy na pagiging matatag ng kanilang mahigit siyam na taong relasyon.

Ang tanong na ito ay sinagot ng entertainment columnist na si Mario Bautista para kay Drew: “Mabait si Iya, pasensiyosa…”

Pagsang-ayon naman ng TV host, “You know what? That is very true, that’s true.”

Dagdag pa niya, “Behind a successful man is a patient woman.”

Bukod dito, may isa pa raw dahilan kung bakit patuloy na tumitibay ang kanilang pagsasama.

Ayon kay Drew, “Communication, right from day one.

“Yun yung hinding-hindi ko makakalimutan na sinabi ko kay Iya na hindi talaga magwo-work ’to kung walang communication.”

VALENTINES’ DAY. Sa papalapit na Valentine’s Day, meron na raw pinaplano si Drew para kay Iya.

“Siyempre meron na... it’s a secret though but I don’t want her to know.

“Not that [I don’t want to share to the] people, but it’s a [surprise].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every year naman, it’s a daunting task for guys.”

Sa loob ng siyam na taon, hindi kaya siya nauubusan ng paraan para masorpresa si Iya tuwing Valentine’s Day?

“Meron pa, e, there’s still one hundred million ways,” nakangiting sabi ni Drew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN